14/09/2026
๐๐ถ๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐ฑ ๐ฉ๐ถ๐๐ถ๐๐ ๐ง๐๐น๐ผ๐ ๐๐ผ๐๐ป๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป, ๐๐ป๐ฐ. ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ฎ ๐ฆ๐๐ฟ๐ผ๐ป๐ด๐ฒ๐ฟ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ป๐ฒ๐ฟ๐๐ต๐ถ๐ฝ
Last month, pumunta ang Lingkod Muntinlupa Foundation sa isa sa mga partner organizations nito, ang Tuloy Foundation. Parte ang pagbisita na ito sa layunin ng Lingkod na mas makilala at mas mapalakas ang ugnayan sa mga partner organizations nito.
Malugod na tinanggap ni Tuloy Foundation Accounts Department Group Head, Don Perez III ang Lingkod Team, na siya namang pinangunahan ni Lingkod Executive Director Alvin Quintans. Nagbigay oportunidad sa Lingkod ang nasabing pagbisita upang mas malaman ang mga programs at advocacies ng Tuloy Foundation.
Isa ang Tuloy Foundation sa mga organisasyon na tumutulong sa ilang mga kabataan na walang masyadong access sa mga oportunidad na makatutulong sa kanila. Hangad ng Tuloy Foundation ang mabigyan sila ng pagkakataon na makapag-aral, maengganyo sa mga extra-curricular activities tulad ng sports, at magkaroon ng maayos na tahanan at ng mga mag-aaruga at gagabay sa kanila. Dagdag pa rito ang hatid na tulong ng Lingkod sa pagkakaroon pa ng mga scholars sa technical-vocational courses na ino-offer ng Tuloy Foundation.
Nakatulong sa Lingkod ang pagbisita nito sa Tuloy Foundation upang makita ang kahalagahan ng environment na kinalalakihan ng mga kabataan sa kanilang holistic development. Nagbahagi naman ang Lingkod ng mga programa nito na naaayon sa mga hangarin ng Tuloy Foundation.
Napag-usapan din kung paano matutulungan ang mga beneficiaries ng Tuloy Foundation na magkaroon ng mga trainings, career opportunities, at potential employment pathways. Hangad ng Lingkod na dumami pa ang mga partner organizations nito upang mas marami pang mga potential beneficiaries ang maabot at matulungan.