19/03/2016
Post no. 0046
20032016 0334AM SINO BA SI DOC DANNY?
http://dannycarandang.com/
Si Doc Danny Danilo Carandang ay isa sa mga kinikilalang mamamayan ng Muntinlupa (Most Outstanding Citizen of Muntinlupa 2014 Awardee) dahil sa kanyang paglilingkod upang makatulong sa kanyang kapwa at sa nakakaraming tao. Isa na rito ang pag bibigay ng right –of- way upang maisakatuparan ang CARES Road na ngayon ay dinadaan ng mga sasakyan upang makatawid patungong Filinvest Alabang galing Soldiers Hills ( at vice-versa), na hindi na dadaan sa National Highway. Dahil ditto naibsan ang daloy ng trapiko na makakatulong sa pagtaas ng quality of life ng mga mamamayan.
Ang kanilang paaralan sa Bayanan, ang Muntinlupa School for Child Development (MSCD) ay nag bigay pansin sa talento ni Michael Martinez na ngayon ay kilala na bilang Olympian figure skater. Si Michael Martinez ay nag bigay ng iba’t ibang karangalan sa Muntinlupa at sa boung Pilipinas, at nag silbing inspirasyon sa maraming kabataan. Si Doc Danny ay isa sa nag susulong upang maiangat ang kalidad ng edukasyon sa ating bayan sa pamamagitan ng kanilang pribadong eskwelahan, at sa kanyang paglilingkod bilang opisyal ng Association of Private Schools Administrators in Muntinlupa (APSAM) at ng Federation of Private Schools Administrators in the Philippines (FAPSA). Kasapi din siya sa City Education Cluster (CEC) at ng Local Council for the Protection of Children (LCPC) ng ating Pamahalaang Lungsod.
Sa ngayon, siya ay kaisa sa mga nag susulong din at magsusulong pa ng mga programa ng ating Punong Lungsod, Kgg. Jaime R. Fresnedi, sa larangan ng kalusugan, karunungan, kabuhayan at kabahayan. Kalusugan ng pangangatawan, kaisapan, at ispirito sa konteksto ng pamilya. Karunungan na susi ng kinabukasan at kaunlaran- ang makapagtapos sa basic at tertiary education ang nakararami sa Muntinlupa sa pamamagitan ng pinalawak at pinahusay na scholarship programs. Kabuhayan para maitaguyod ang bawat pamilya hindi lamang para sa kanilang pangangailangan kundi pati na sa kanilang iba pang mithiin sa buhay, sa pamamagitan ng magagandang negosyo at hanapbuhay. Kabahayan para magkaroon ng sariling mga tahanan ang bawat pamilya ng Muntinlupa sa isang desente, malinis, ligtas, at maayos na pamayanan. Naglalayon din sya ng mga programa para sa mga kababaihan, kabataan, sa mga senior citizens at mga may kapansanan.