COMELEC

COMELEC The official page of the Commission on Elections managed by the Education and Information Department.

The COMELEC is the principal government agency tasked by the constitution to enforce and administer all laws and regulations concerning the conduct of regular and special elections. It is a body that is designed to be constitutionally independent from the executive, legislative and judicial branches of government to ensure the conduct of free,fair and honest elections.

๐‚๐Ž๐Œ๐„๐‹๐„๐‚ ๐’๐“๐€๐“๐„๐Œ๐„๐๐“ | ๐ŸŽ๐Ÿ‘ ๐‰๐”๐๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐’๐ญ๐š๐ค๐ž๐ก๐จ๐ฅ๐๐ž๐ซ ๐…๐จ๐ซ๐ฎ๐ฆ ๐š๐ง๐ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐ƒ๐ซ๐š๐Ÿ๐ญ ๐“๐Ž๐‘ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐€๐ฎ๐ญ๐จ๐ฆ๐š๐ญ๐ž๐ ๐„๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐’๐ฒ๐ฌ๐ญ๐ž๐ฆ (๐€๐„๐’)Ju...
03/06/2026

๐‚๐Ž๐Œ๐„๐‹๐„๐‚ ๐’๐“๐€๐“๐„๐Œ๐„๐๐“ | ๐ŸŽ๐Ÿ‘ ๐‰๐”๐๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

๐’๐ญ๐š๐ค๐ž๐ก๐จ๐ฅ๐๐ž๐ซ ๐…๐จ๐ซ๐ฎ๐ฆ ๐š๐ง๐ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐ƒ๐ซ๐š๐Ÿ๐ญ ๐“๐Ž๐‘ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐€๐ฎ๐ญ๐จ๐ฆ๐š๐ญ๐ž๐ ๐„๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐’๐ฒ๐ฌ๐ญ๐ž๐ฆ (๐€๐„๐’)

June 2, 2026, Manila โ€“ Bilang bahagi nang maaga at masusing paghahanda para sa May 8, 2028 National and Local Elections (NLE), isinagawa ng Commission on Elections (COMELEC) ang Stakeholder Forum at Presentasyon ng Draft Terms of Reference (TOR) para sa Automated Election Systems (AES), na binubuo ng Automated Counting Machines (ACMs), Election Management System (EMS), at Consolidated Canvassing System (CCS). Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa ibaโ€™t ibang sektor kabilang ang election stakeholders, civil society organizations, election observers, technical experts, information technology practitioners, at mga ahensya ng pamahalaan upang talakayin at magbigay ng mga rekomendasyon hinggil sa susunod na henerasyon ng election technologies na gagamitin sa mga halalan sa ating bansa.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Commissioner Ernesto Ferdinand P. Maceda, Jr., Commissioner-in-Charge ng COMELEC Steering Committee ng 2028 National and Local Elections, ang kahalagahan ng transparency at verifiability sa pagpapatupad ng automated elections: โ€œOne of the most valuable lessons from the 2025 NLE is that electoral integrity cannot rely solely on the accuracy of an automated system. It must also be demonstrably verifiable. Stakeholders, election observers, civil society organizations, and technical experts, all of us in this room, have consistently emphasized the need for even stronger transparency mechanisms, even clearer audit trails, and even more accessible documentation throughout the electoral process. We accept that these are not criticisms to be dismissed; we acknowledge that they are contributions that help strengthen democratic institutions. And in response, your Commission has taken concrete and positive action. These recommendations have been carefully considered and are now expressly integrated in the Terms of Reference for Fastrack 2.0โ€

Ipinaliwanag naman ni COMELEC Information Technology Department Director Jeannie V. Flororita ang mahahalagang bahagi ng preparasyon bago ang araw ng halalan, kabilang na ang mga teknikal at administratibong proseso na nagsisilbing pundasyon ng Election Management System:

โ€œFor the pre-election stage, which begins a year or at least six to nine months before election day, COMELEC undertakes critical preparatory work. This includes finalizing the project of precincts, defining voting jurisdictions, consolidating candidatesโ€™ information, and organizing the Electoral Board and the Board of Canvassers. These datasets, together with the digital certificates of the Electoral Board and Board of Canvassers, form the backbone of the Election Management System.โ€

โ€œEqually important is the ACM configuration. This dictates how the ACM will operate, specifying which clustered precincts it will read, what ballots it will accept, and the reports it will generate. In short, the configuration ensures that the system functions accurately and consistently, aligned with the Terms of Reference of the Automated Election System.โ€

Nagpahayag din ng suporta si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry R. Aguda sa mga hakbang ng COMELEC upang mapalakas ang kahandaan para sa mga susunod na halalan sa pagsasabing: โ€œIโ€™d like to commend the approach nila Chairman at buong En Banc to start early. So ngayon pa lang, sinisimulan na natin yung draft pa lang ng TOR pero may stakeholdersโ€™ consultation. Kami naman kasi sa DICT, weโ€™re part of the COMELEC Advisory Council, and we are also happy na sabay din kami nagsimula. And sabi nga ni Chairman, we will closely work together to ensure na yung constitutional mandate sa amin, to make sure the election happens without any problem sa 2028, ay mangyari.โ€

Muli sa bahagi ng COMELEC, ipinabatid ni Commissioner Rey E. Bulay ang mahalagang papel ng lahat ng election partners sa responsable at maingat na pagpapalaganap ng election results at impormasyon: โ€œSana po partners tayo sa election na ito. Hindi lang po yung responsibilidad ng paglalabas ng resulta, kundi po yung pagiging maingat sa paglalabas ng resulta. Halimbawa po, yung ranks namin inayos muna bago ilabas ang tamang figures. Dapat po lahat ng accredited organizations ng COMELEC should do the same.โ€

Sa kanyang pangwakas na mensahe, ipinaalala ni Chairman George Erwin M. Garcia ang pangangailangang patuloy na pagbutihin ang election technology upang matugunan ang lumalaking bilang ng mga botante, lalo na ng kabataan, at higit pang mapalakas ang transparency at accountability ng proseso ng halalan.

โ€œOur voting population is still growing. Ang mga kabataan po ay sobrang aware ngayon. Sa Barangay at SK nga po ay 25 million ang Sangguniang Kabataan ang magpa-participate. Ibig sabihin, sa darating na 2028, i-expect niyo na mas mataas ang bilang ng kabataan na magpa-participate, mas maraming botante tayong boboto sa 2028 National and Local Elections. So therefore, we need heavy-duty machines. We need machines na will cater to the best interest of the Filipino people.โ€

Hinikayat din ni Chairman Garcia ang mga technical experts, stakeholders, at election partners na aktibong makibahagi sa paghubog ng susunod na Automated Election System ng bansa.

โ€œAnd that is why we are encouraging each and everyone, especially the technical people, to please help COMELEC in coming up with the machine and an enhanced version of it that will really cater to our best interest, not only to satisfy the law, but to satisfy the issue of transparency and accountability.โ€

Sa pamamagitan ng maagang konsultasyon at pakikipag-ugnayan sa iba't ibang sektor, muling pinagtitibay ng COMELEC ang kanyang pangako na magsagawa ng ligtas, kapani-paniwala, transparent, at makabagong halalan para sa sambayanang Pilipino.

๐—˜๐—ฅ๐—• ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฌ๐—˜: ๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—•๐—” ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐— ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—ข๐—ง๐—”๐—ก๐—ง๐—˜, ๐—ข ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—”๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง ๐—•๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก?...
03/06/2026

๐—˜๐—ฅ๐—• ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฌ๐—˜: ๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—•๐—” ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐— ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—ข๐—ง๐—”๐—ก๐—ง๐—˜, ๐—ข ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—”๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง ๐—•๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก?

Huwag mag-alala! Narito ang simpleng gabay para sa paghain ng Petition for Inclusion at Exclusion kaugnay ng November 2, 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections. Alamin ang mahahalagang detalye sa mga slides na ito:

๐Ÿ‘ฅ ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐˜„๐—ฒ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ณ๐—ถ๐—น๐—ฒ?
Kung na-disapprove ang application for registration mo, o kung may pangalang dapat tanggalin sa listahan ng botante dahil ilegal ang pagkakasama nito.

๐Ÿ“ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ถ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—บ๐—ถ๐˜๐—ฒ?
Tandaan: Sa MTC, MeTC, o MCTC lamang isinusumite ang mga nabanggit na petisyon, HINDI sa opisina ng COMELEC.

๐Ÿ“… ๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐˜„๐—ฒ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ณ๐—ถ๐—น๐—ฒ?
โ€ข Petition for Inclusion (Pagsama sa listahan): Hanggang July 24, 2026
โ€ข Petition for Exclusion (Pagtanggal sa listahan): Hanggang July 20, 2026

โ„น๏ธ Patuloy na subaybayan ang mga susunod na kabanata ng ating ๐—˜๐—ฅ๐—• ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜†๐—ฒ! Manatiling nakatutok sa ating page para sa mga susunod na anunsyo.





๐—–๐—ข๐— ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—– ๐Ÿญ๐˜€๐˜ ๐—™๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฆ๐˜‚๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜: ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป, ๐—œ๐—ป๐—ผ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป, ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐—ฎ๐—ต๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ...
02/06/2026

๐—–๐—ข๐— ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—– ๐Ÿญ๐˜€๐˜ ๐—™๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฆ๐˜‚๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜: ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป, ๐—œ๐—ป๐—ผ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป, ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐—ฎ๐—ต๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ

Matagumpay na naisagawa ng Commission on Elections ang kauna-unahang Finance Summit noong 27โ€“29 Mayo 2026 sa Manila Hotel, City of Manila, na may temang "Empowering Financial Excellence Through Digitization and Open Governance," na dinaluhan ng mga opisyal at kawani ng mula sa Main Office at ilang mga Field Offices sa buong bansa.

Binigyang-diin ni Chairman George Erwin M. Garcia sa kanyang Inspirational Message na ang tunay na layunin ng summit ay higit pa sa pagbabahagi ng mga bagong polisiya at kaalaman sa pananalapi. "Ang nakikita ko ay hindi kakulangan sa kaalaman kung ano ang dapat gawin, kundi kakulangan sa pag-unawa sa kakayahan at limitasyon ng isaโ€™t isa."

Ayon kay Chairman Garcia, mahalaga ang mas malalim na pagkakaunawaan at pagtutulungan ng Main Office at Field Offices upang higit pang mapahusay ang mga proseso sa pananalapi at mapanatili ang mataas na antas ng integridad at pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng modernisasyon at digitalisasyon, ngunit ipinaalala na ang tagumpay ng anumang sistema ay nakasalalay pa rin sa mga taong nagpapatakbo nito. "Walang magiging matagumpay na digitalization kung walang maayos, mahusay, at dedikadong human resources. "

Kabilang sa mga tampok na talakayan ang paksang โ€œBudget Cycle and Agencyโ€™s Fiscal Strategy: Understanding Every Phase, Owning Every Roleโ€ na pinangunahan sa unang araw ni Hon. Dante B. De Chavez, Assistant Secretary ng Budget Preparation and Ex*****on Group ng Department of Budget and Management (DBM), na nagbigay linaw sa kahalagahan ng wastong pagpaplano, pagba-budget, at pagpapatupad ng mga programa upang matiyak ang mabisa at responsableng paggamit ng pondo ng bayan.

Sa ikalawang araw naman, tinalakay ni Atty. Meriel P. Castillo, Attorney IV ng Office of the Resident Auditor ng Commission on Audit (COA), ang โ€œCommon Audit Findings Relative to Cash Disbursements of Disbursing Officers,โ€ kung saan binigyang-diin ang pagsunod sa mga umiiral na alituntunin at pinakamahuhusay na pamamaraan upang mapanatili ang transparency, accountability, at integridad sa mga transaksyong pinansyal ng COMELEC.

Sa loob ng tatlong araw na ito, tinalakay pa ng iba pang mga eksperto mula sa COMELEC Finance Services Department (FSD) at iba pang resource speakers ang mahahalagang paksa kaugnay ng disbursement processes, withholding taxes, audit findings, cash advances, remittances, internal controls, financial reporting, at mga inobasyon sa automation ng financial systems.

Sa pagtatapos ng summit, muling pinagtibay ng Komisyon ang pangako nitong isulong ang transparency, accountability, inclusivity, innovation at excellence sa pamamahala ng pondo ng bayan bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng mahusay, makabago, makabuluhan at tapat na serbisyo publiko para sa bawat Pilipino.


๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž | ๐๐ซ๐จ๐œ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐š๐ญ ๐ˆ๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐š๐ง๐œ๐ž ๐ง๐  ๐•๐จ๐ญ๐ž๐ซ ๐‚๐ž๐ซ๐ญ๐ข๐Ÿ๐ข๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐งIpinababatid na ang Processing at Issuance ng Voter Certifi...
02/06/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž | ๐๐ซ๐จ๐œ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐š๐ญ ๐ˆ๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐š๐ง๐œ๐ž ๐ง๐  ๐•๐จ๐ญ๐ž๐ซ ๐‚๐ž๐ซ๐ญ๐ข๐Ÿ๐ข๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง

Ipinababatid na ang Processing at Issuance ng Voter Certification ay tuwing ๐Œ๐€๐‘๐“๐„๐’ ๐ก๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ง๐  ๐’๐€๐๐€๐ƒ๐Ž, ๐Ÿ–:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐š.๐ฆ. - ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ฉ.๐ฆ.

Maaaring kumuha ng Voter Certification sa:

1.) ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ na nakakasakop sa lungsod o bayan kung saan ka nagparehistro; o
2.) ๐‚๐Ž๐Œ๐„๐‹๐„๐‚ ๐Œ๐š๐ข๐ง ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž - ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—™๐—ถ๐—น๐—ฒ ๐——๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป (๐—ก๐—–๐—™๐——), FEMII Building, extension Cabildo Street, Intramuros, Manila.

Ang Applications for Registration na natanggap ng COMELEC mula April 1, 2026 hanggang May 18, 2026 ay sumasailalim pa sa Election Registration Board (ERB) Hearing na nagsimula sa June 1, 2026.

Para sa mga naaprubahan na ang registration application, mangyaring makipag-ugnayan muna sa Election Officer ng iyong lungsod o bayan kung kailan maaaring makakuha ng Voter Certification.

๐—ฃ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”: ๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐—”๐—ง ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—— ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—จ๐—›๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฉ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—œ๐—™๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก.

๐—˜๐—ฅ๐—• ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฌ๐—˜: ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ข ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐——๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฉ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก?Ganap nang sinimulan kahapon ang Electio...
02/06/2026

๐—˜๐—ฅ๐—• ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฌ๐—˜: ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ข ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐——๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฉ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก?

Ganap nang sinimulan kahapon ang Election Registration Board (ERB) Hearing! Ano nga ba ang susunod na hakbang para malaman kung aprubado o hindi ang iyong aplikasyon para sa darating na ?

๐Ÿ“Œ Pagkatapos ng ERB Hearing, ang Office of the Election Officer (OEO) ay magpapaskil ng opisyal na listahan ng mga inaprubahan at nadisaprubahang aplikante sa kanilang bulletin board.

Kaya huwag kalimutang dumaan o i-check sa bulletin board ng inyong lokal na COMELEC office upang masigurado ang status ng inyong voter registration!

โ„น๏ธ Patuloy na subaybayan ang mga susunod na kabanata ng ating ๐—˜๐—ฅ๐—• ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜†๐—ฒ! Manatiling nakatutok sa ating page para sa mga susunod na anunsyo.





๐๐€๐†๐‹๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐€๐– ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž | ๐Ÿ ๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’๐’Š๐’๐’Š๐’๐’‚๐’˜ ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’‰๐’‚๐’š๐’‚๐’ˆ ๐’๐’‚ ๐’๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’Š๐’ƒ๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š-๐’Œ๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’–๐’‰๐’‚๐’ ๐’•๐’–๐’๐’ˆ๐’Œ๐’๐’ ๐’”๐’‚ ๐’Š๐’”๐’‚๐’”๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’˜๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‰๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’.Mari...
02/06/2026

๐๐€๐†๐‹๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐€๐– ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž | ๐Ÿ ๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’๐’Š๐’๐’Š๐’๐’‚๐’˜ ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’‰๐’‚๐’š๐’‚๐’ˆ ๐’๐’‚ ๐’๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’Š๐’ƒ๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š-๐’Œ๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’–๐’‰๐’‚๐’ ๐’•๐’–๐’๐’ˆ๐’Œ๐’๐’ ๐’”๐’‚ ๐’Š๐’”๐’‚๐’”๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’˜๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‰๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’.

Mariing pinag-iingat ang publiko sa mga nakakalitong pahayag sa social media kung matutuloy o hindi ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong taon.

Para sa kaalaman at kapanatagan ng lahat, ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay isasagawa sa November 2, 2026, ayon sa Republic Act No. 12232.

Ang batas na ito ay pinirmahan ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos, Jr. noong August 13, 2025. Hindi na ito maituturing na โ€œBreaking Newsโ€ tulad nang nakasaad sa social media post ng Asenso Ka Barangay page sa kanang bahagi.

PAALALA na ang pagpapalaganap ng maling impormasyon upang maging sanhi ng kalituhan ng mga botante ay maaaring ituring na Election Offense sa ilalim ng Section 261(z)(11) ng Omnibus Election Code.



02/06/2026

Barangay and Sangguniang Kabataan Elections SBAC - BSKE

Pre-Bid Conference

Supply and Delivery of Seal with Steel Wire
for Ballot boxes for use in the 2026 BSKE

(Project ID No. 05-2026-BSKE-SSW)

02 June 2026
Training Room 3, 4th Floor
Palacio del Gobernador
Intramuros, Manila

02/06/2026

Episode 5
(Mamamayan, Kabataan at Malayang Salitaan)

Isang serye ng talakayan para sa malayang usapan ng mamamayan at kabataan.

Sa ikalimang episode ng , binigyang-diin ng ating panauhin ang mahalagang papel ng kababaihan, lalo na ang mga kabataang kababaihan sa pamumuno at paghubog ng kanilang mga komunidad. Ayon sa kanya, ang Sangguniang Kabataan ay nagsisilbing mahalagang training ground para sa mga kabataang nagnanais maglingkod at makibahagi sa pamahalaan. Hinikayat din niya ang mga kabataang may kakayahan, malasakit, at pananaw para sa kanilang komunidad na huwag matakot na manguna, sapagkat ang pamumuno ay hindi hinihintay na ipagkaloob kundi kusang pinaninindigan sa pamamagitan ng pakikibahagi at malasakit sa komunidad.

Tatalakayin sa seryeng ito ang mahahalagang usapin tulad ng youth in governance, voter registration, SK Elections, civic education, digital responsibility, at iba pang napapanahong paksa.

Hatid ng Commission on Elections, layunin nitong palakasin ang boses ng kabataan at hikayatin ang aktibong pakikilahok sa demokrasya.

Abangan. Makinig. Makilahok.




๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ข๐——๐—”๐—ฌ: ๐—˜๐—ฅ๐—• ๐—›๐—˜๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—” ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ช๐—œ๐——๐—˜!Ngayong Lunes, June 1, 2026, opisyal nang nagsimula ang Election Regis...
01/06/2026

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ข๐——๐—”๐—ฌ: ๐—˜๐—ฅ๐—• ๐—›๐—˜๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—” ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ช๐—œ๐——๐—˜!

Ngayong Lunes, June 1, 2026, opisyal nang nagsimula ang Election Registration Board (ERB) Hearing nationwide, kung saan pagpapasyahan kung APPROVED o DISAPPROVED ang mga applications for voter registration na ipinasa noong April 1 hanggang May 18, 2026.

โ„น๏ธ Patuloy na subaybayan ang mga susunod na kabanata ng ating ๐—˜๐—ฅ๐—• ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜†๐—ฒ! Manatiling nakatutok sa ating page para sa mga susunod na anunsyo.





31/05/2026

๐ŸŽ™๏ธ ๐“๐‡๐„ ๐‚๐Ž๐Œ๐„๐‹๐„๐‚ ๐๐Ž๐ƒ๐‚๐€๐’๐“

๐„๐ฉ๐ข๐ฌ๐จ๐๐ž ๐Ÿ: ๐–๐ก๐š๐ญ ๐ก๐š๐ฉ๐ฉ๐ž๐ง๐ฌ ๐š๐Ÿ๐ญ๐ž๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐ฏ๐จ๐ญ๐ž๐ซ ๐ซ๐ž๐ ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฉ๐ž๐ซ๐ข๐จ๐?

Tara, pag-usapan natin ang mga aktibidad at prosesong ginagawa ng COMELEC matapos ang voter registration.



Address

Muntinlupa City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when COMELEC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share