Office of the BuildingOfficial - Muntinlupa City

  • Home
  • Office of the BuildingOfficial - Muntinlupa City

Office of the BuildingOfficial - Muntinlupa City The official page of the Office of the Building Official of the City of Muntinlupa.

02/06/2026
31/05/2026

๐“๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ-๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐’๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐‚๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐ž๐ง๐ฌ ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ

Kamakailan ay dumalo at nakibahagi tayo sa dalawang pagpupulong ng mga komite na malapit sa aking puso at adhikain bilang isang senior citizen at dating punong lungsod ng Muntinlupa.

Kaninang umaga, sinimulan natin ang ating trabaho sa pagdalo sa pagpupulong ng Committee on Senior Citizens. Maraming mahahalagang panukalang batas para sa kapakanan ng ating mga nakatatanda ang tinalakay, kabilang na ang pag-apruba sa Substitute Bill na naglalaman ng ating House Bill No. 515 na naglalayong protektahan ang mga senior citizen laban sa fraud at ibaโ€™t ibang uri ng panloloko.

Sa pamamagitan ng panukalang ito, mas paiigtingin natin ang laban kontra sa mga mapagsamantalang indibidwal na nagtatangkang linlangin at pagsamantalahan ang ating mga nakatatanda na madalas nagiging bulnerable sa ganitong uri ng krimen.

Samantala, sa hapon ay naging prayoridad naman natin ang pagdalo at pakikilahok sa pagpupulong ng Committee on Local Government. Tinalakay at inaprubahan dito ang draft Substitute Bill ng Magna Carta for Barangays, kung saan tayo ay isa sa mga pangunahing may-akda. Sa aking panunungkulan bilang punong lungsod ng Muntinlupa, lubos kong nauunawaan ang kahalagahan at magiging positibong implikasyon ng pagsasabatas ng Magna Carta para sa ating mga barangay.

Tuloy-tuloy ang ating pagsusulong ng mga panukalang batas na tunay na makatutugon sa pangangailangan ng ating mamamayan, lalo na ng ating mga nakatatanda at mga pamayanang barangay.

31/05/2026

Alam mo ba na may scholarship assistance ang City Government para sa mga Muntinlupeรฑo na gustong mag-aral ng medisina? Nagsimula ito noong panahon ni dating Mayor, ngayon Congressman Jimmy Fresnedi, na ipinagpatuloy naman ni Mayor Ruffy Biazon.

Nagbibigay ang lungsod ng tuition support sa future doctors para sa kanilang medical education sa pamamagitan ng ๐‹๐š๐ฐ ๐š๐ง๐ ๐Œ๐ž๐๐ข๐œ๐ข๐ง๐ž ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ (LAMP). Sa kasalukuyan, mayroon na tayong 93 medicine scholars, at mula 2022 hanggang sa unang quarter ng 2026, umabot na sa mahigit โ‚ฑ15.6 milyon ang naipagkaloob na pondo sa ilalim ng programa.

Mas pinalakas pa ang programang ito bilang bahagi ng mas malaking vision para sa mas maayos at mas accessible na healthcare sa Muntinlupa, lalo na mula nang ma-establish ang PLMun-OsMun College of Medicine.

Prayoridad ng LAMP ang mga estudyante ng PLMun-OsMun, pero open din ito sa qualified applicants mula sa iba pang colleges at universities sa Luzon.

Habang pinapaganda natin ang health facilities at services ng lungsod, sabay din nating hinuhubog ang susunod na henerasyon ng mga doktor na maglilingkod sa kapwa Muntinlupeรฑo.

Interested mag-apply? Mag-email lang sa [email protected] para sa requirements at full details.

31/05/2026

May 30, 2026 - Pinalalakas ng Muntinlupa ang Community-Based Mental Health Program sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng psychiatric medicines para sa mga residenteng nangangailangan ng tuloy-tuloy na gamutan at suporta sa kanilang kalusugang pangkaisipan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, nakapag-procure na ang lungsod ng mga gamot na karaniwang ginagamit sa paggamot ng ibaโ€™t ibang kondisyon tulad ng depression, bipolar disorder, epilepsy, at iba pang mood at behavioral disorders. Kabilang dito ang Escitalopram, Carbamazepine, Olanzapine, Lamotrigine, Sodium Valproate + Valproic Acid, at Quetiapine.

Layunin ng programa na gawing mas accessible at tuloy-tuloy ang mental health services para sa mga Muntinlupeรฑo sa pamamagitan ng libreng gamot at mas maayos na monitoring ng kanilang kalagayan.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, inaasahan ng pamahalaang lungsod na mas maraming residente ang magkakaroon ng pagkakataong maipagpatuloy ang kanilang paggamot at makatanggap ng kinakailangang suporta para sa kanilang mental health.

Source: City Government of Muntinlupa Official (fb)

23/05/2026
30/04/2026

๐Š๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐š๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ง๐ญ๐ข ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐‚๐š๐ซ๐š๐ฏ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐žรฑ๐จ

Hatid ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa, sa pamumuno ni Mayor Ruffy Biazon, ang Kalingang Munti Serbisyo Caravan ay isang inisyatibang naglalapit ng mahahalagang serbisyo ng gobyerno diretso sa mga komunidad, upang mas maraming Muntinlupeรฑo ang maabot at agad na matulungan.

Noong April 25 sa Buli Elementary School, maraming residente ang nakinabang sa ibaโ€™t ibang libreng serbisyo tulad ng medical at dental check-up, x-ray, eye check-up, civil registry, PhilHealth, care card, haircut, massage, at marami pang iba.

Isinasagawa ito buwan-buwan sa ibaโ€™t ibang barangay sa pangunguna ng Community Affairs & Development Office (CADO), bilang bahagi ng patuloy na paglalapit ng serbisyo sa mamamayan. Abangan ang susunod na caravan sa inyong barangay.

25/04/2026

Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon personally delivered the medicines of RIDEMed beneficiaries today.

Address


Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Telephone

+639624026571

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the BuildingOfficial - Muntinlupa City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share