10/05/2022
Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa ating Panginoon sa mga gabay at proteksyon na ibinigay niya sa akin.
Nagpapasalamat rin po ako sa aking pamilya lalo na sa aking asawa Tine na araw araw na kasama ko mula sa house to house, meeting at caucus at sa aking mga kapatid nard,joy,toto,michell ..Salamat rin sa aking ina Cristina Garcia Andres na simula ng sabihin ko na ako ay tatakbo bilang Konsehal bukas palad na pumayag at sumuporta sa aking kanditura.
At nagpapasalamat din ako sa mga tumulong na kamag-anak, kaibigan, kumare at kumpare(alam nyo kung sino kayo) at sa mga tao na hindi ko inaasahan na sasamahan ako sa laban na ito hanggang huli nandyan kayo
Salamat din sa aking mga kasama sa mga staff ko (minions) na masisipag at walang kapaguran mula umaga hanggang gabi sa pagkabit ng mga tarp at pag iikot..
Maraming Salamat rin po sa mga MunTENGlupeños na nagtiwala at sumuporta sa inyong lingkod walang humpay na pasasalamat po sa inyo.. Ang laban ko ito ay para po sa inyo.
Sa huli lubos ako nagpapasalamat kay Mayor Red Mariñas at Vice Oyo Dioko sa pagpili sa akin para maline-up sa Team Red at sa pagtiwala na binigay niyo po sa akin at salamat sa pagkakaibigan nabuo at salamat rin po sa mga kasama kong Konsehal na masisipag at buong puso na binigay ang tapat na serbisyo ❤️❤️❤️
Sa aming mga nakatunggali sa pulitika CONGRATULATIONS sa inyong lahat
MARAMING MARAMING SALAMAT PO!!!
Serbisyong ANDRES kayo ang no. 1
KGD. TENG ANDRES
Brgy Putatan