30/03/2026
๐ช๐ผ๐บ๐ฏ ๐๐ผ ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ ๐ง๐ฒ๐ฐ๐ต๐ป๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ผ๐๐ฝ ๐ ๐ฒ๐ฒ๐๐ถ๐ป๐ด
๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ต ๐ฏ๐ฌ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐๐ ๐๐ผ๐ป๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฅ๐ผ๐ผ๐บ, ๐ ๐๐ป๐๐ถ๐ป๐น๐๐ฝ๐ฎ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฅ๐ฒ๐๐ผ๐๐ฟ๐ฐ๐ฒ ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ช๐ผ๐บ๐ฒ๐ป
Ginanap ngayong araw, Marso 30, 2026, ang 1st Quarter Womb to Work Program (WWP) Technical Working Group (TWG) Meeting para sa taong 2026. Layunin ng pulong na ito ang mas maayos na paghahanda sa implementasyon ng programa at ang patuloy na pagbibigay ng komprehensibong serbisyo para sa mga benepisyaryo nito.
Ilan sa mga mahahalagang tinalakay ay ang mga proseso para sa registration, assessment ng mga potensyal na benepisyaryo, pag-eendorso sa ibaโt ibang opisina at departamento, at ang sistema ng referral para sa mga buntis na ina na manganganak sa health facilities.
Napag-usapan din ang pagbibigay ng financial assistance para sa mga Nutritionally-at-Risk (NAR) Pregnant Mothers na kabilang sa programa.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit sa 200 rehistradong aplikante na kwalipikado sa WWP.
Ipinapakita ng Technical Working Group ang kanilang matibay na komitment na tumuon sa kapakanan ng mga buntis na ina, kundi pati na rin sa kanilang pamikya.
Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga pinuno at kinatawan ng mga sumusunod na opisina at organisasyon na aktibong nakiisa sa pulong:
โข City Health Office โ Maternal and Child Health Program
โข City Health Office โ Nutrition Division
โข Colegio de Muntinlupa
โข Community Affairs Development Office
โข Early Childhood Education Division
โข Gender and Development Office
โข Lingkod Muntinlupa Foundation, Inc. (NGO)
โข Local Civil Registry Office
โข Muntinlupa City Public Library
โข Muntinlupa City Technical Institute
โข Muntinlupa Entrepreneurship Financing Division
โข Muntinlupa Population Development Office
โข Office of City Councilor Engr. Arlene Hilapo
โข Office of the City Mayor
โข Persons with Disability Affairs Office
โข Peopleโs Coordinating and Monitoring Office
โข Public Employment Service Office
โข Social Services Department
Ang Muntinlupa City GAD Focal Point System Co-Chairperson na si Ms. Trina Biazon ay nanguna sa pagsusulong ng mga family-centered programs at sa patuloy na pagtutok sa kalusugan ng mga ina.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pagpapatupad ng Womb to Work Program tungo sa mas maunlad, mas malusog, at mas matatag na Pamilyang Muntinlupeรฑo.