31/08/2022
Ang ating mga bayani ay maituturing din na mga lider sa kani-kanilang pamamaraan. Sa mga susunod na linggo, magdadaos muli ang mga paaralan ng eleksyon para sa Supreme Student Government at Supreme Pupil Government.
Ang pangunahing layunin nito ay mabigyang boses ang mga mag-aaral pagdating sa mga proyekto, pagpapatupad ng mga alituntunin sa paaralan, maging kinatawan ng bawat mag-aaral at iba pa.
Sa kabuuan, ang SSG at SPG ay may layuning maimpluwensyahan , matulungan at mahubog ang mga mag-aaral na maging pinuno na mapagmatyag, aktibo sa kanyang paaralan , komunidad gayun din sa kanyang bansa sa positibong pamamaraan.
Malay natin, baka ang susunod nating mga bayani ay ang ating mga student lider din. :)
Kaugnay nito, maaari nang simulan ng ating mga g**o na hikayatin ang ating mga mag-aaral na tumakbo bilang myembro ng SSG/SPG. Narito ang ilang mga dahilan at kapakinabangan na maaaring makuha ng ating mga mag-aaral sa pagtakbo bilang student lider.
Source: https://bit.ly/whyrunasSL