Mulanay Tourism

Mulanay Tourism Mabuhay! This is the Official page of Mulanay Tourism Office. Please follow and Like for more exciting events and activities.
(3)

TINGNAN: Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, pormal na nanumpa sa tungkulin ang labing-isang (11) opisyal ng Sa...
05/05/2026

TINGNAN: Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, pormal na nanumpa sa tungkulin ang labing-isang (11) opisyal ng Samahan ng mga Tourism Officers (SAMATO)-Quezon para sa taong 2026 nitong Mayo 4.

Inaasahan na sa pamamagitan ng kanilang pamumuno, dedikasyon, at mga makabagong inisyatiba, lalo pang mapauunlad at maipapakilala ang mga natatanging destinasyon at yaman ng turismo sa lalawigan ng Quezon, na magbibigay daan sa mas masiglang ekonomiya at mas malawak na oportunidad para sa mga Quezonians.

16/04/2026

Let us support ๐Œ๐ฌ. ๐๐š๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ข๐š ๐„๐ฅ๐ฅ๐š ๐„๐ฏ๐š๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐š as she
competes in the ๐Œ๐ข๐ฌ๐ฌ ๐”๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐ž ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž๐ฌ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, proudly representing Quezon Province with grace and
excellence.

Her participation presents a valuable opportunity to showcase not only her talent and advocacy, but also the rich
culture, heritage, and identity of our province on a national stage.

To vote:
๐Ÿ“ฒ Open the Maya App and Select ๐™ˆ๐™ž๐™จ๐™จ ๐™๐™ฃ๐™ž๐™ซ๐™š๐™ง๐™จ๐™š ๐™‹๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™š๐™จ 2026
๐Ÿ” Search for ๐™‹๐™–๐™ฉ๐™ง๐™ž๐™˜๐™ž๐™– ๐™€๐™ก๐™ก๐™– ๐™€๐™ซ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™š๐™ก๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™–
๐Ÿ‘† Tap โ€œ๐‚๐‹๐€๐ˆ๐Œ" to use your ๐Ž๐๐„ (๐Ÿ) ๐…๐‘๐„๐„ ๐•๐Ž๐“๐„ per day
โ†ช๏ธ After claiming the free vote, additional votes may be purchased via the Maya App
๐Ÿ“ฃ Voting Period: ๐€๐ฉ๐ซ๐ข๐ฅ ๐Ÿ“-๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Show some love and come together in the spirit of unity and shared pride as we rally behind our Coconut Queen.

๏ผถ๏ผฏ๏ผด๏ผฅ ๏ผฎ๏ผฏ๏ผท๏ผ





Narito ang naitalang tourist arrivals ngayong Holy Week (April 1โ€“6, 2026) sa Bayan ng Mulanay. Ipinapakita sa ulat na it...
07/04/2026

Narito ang naitalang tourist arrivals ngayong Holy Week (April 1โ€“6, 2026) sa Bayan ng Mulanay. Ipinapakita sa ulat na ito ang bilang ng mga same-day at overnight visitors, na nakalap mula sa ating mga Public Tourism Sites at Private Tourism-Related Establishments tulad ng mga accommodation facilities, resorts, restaurants, at cafรฉs.

Lubos ang aming pasasalamat sa mga Barangay Officials, ICS Members, at mga may-ari ng Tourism-Related Establishments sa kanilang aktibong pakikipagtulungan upang masiguro ang ligtas, maayos, at kaaya-ayang karanasan ng bawat turistang bumisita sa ating bayan.

Sa pangunguna ng ating butihing Mayor, Hon. Aris Aguirre, patuloy nating pinagtitibay ang mga hakbang tungo sa mas maayos na pamamahala ng turismo at mas magandang serbisyo para sa lahat.

Maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik sa Mulanay.
SMILE Mulanay! Tara na sa Mulanay!




Ngayong araw ay matagumpay na ginanap ang Parada ng Panata ng mga Senturyon โ€” isang makabuluhang pagpapakita ng debosyon...
03/04/2026

Ngayong araw ay matagumpay na ginanap ang Parada ng Panata ng mga Senturyon โ€” isang makabuluhang pagpapakita ng debosyon, pananampalataya, at taimtim na panata.

Sa bawat hakbang ng parada, nasaksihan natin ang lalim ng paniniwala at ang patuloy na pagsasabuhay ng isang kulturang ating kinagisnan at minana mula sa ating mga ninuno.

Ang tradisyong ito ay hindi lamang isang pagdiriwang, kundi isang paalala ng ating matibay na pananampalataya at pagkakaisa bilang isang komunidad.

Bahagi rin ng programa ang pagbibigay ng parangal para sa Best in Costume, bilang pagkilala sa kahusayan at dedikasyon ng mga kalahok sa pagpapanatili ng ating mayamang kultura at tradisyon.

Nawaโ€™y patuloy nating ingatan at ipasa sa susunod na henerasyon ang ganitong uri ng panata at debosyon. ๐Ÿ™




Ngayong araw, napabisita tayo sa ilang paboritong tourist spots sa ating bayan para kumustahin at i-monitor ang pagdatin...
02/04/2026

Ngayong araw, napabisita tayo sa ilang paboritong tourist spots sa ating bayan para kumustahin at i-monitor ang pagdating ng ating mga bisita. ๐ŸŒดโœจ
Nakarating tayo sa Boss Ronn Resort, Long Beach, at Lagaslas Falls โ€” at masaya naming nakita ang patuloy na pagdagsa ng mga turista na nag-eenjoy sa ganda ng Mulanay.

Nakakalap din tayo ng mahahalagang datos tulad ng daily tourist arrivals para mas mapaganda pa ang ating serbisyo.

Maraming salamat sa lahat ng bumibisita! Ingat at enjoy lang sa ating mga pasyalan! ๐Ÿ’–




Taos-pusong pasasalamat po sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Gov. Dra. Helen Tan, at sa Quezon Prov...
01/04/2026

Taos-pusong pasasalamat po sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Gov. Dra. Helen Tan, at sa Quezon Provincial Tourism Office sa pamumuno ni Sir Nesler Louies Almagro, sa pagkakaloob ng mga solar lights para sa ating mga pampublikong dalampasigan.

Malaki po ang maitutulong nito upang higit na mapanatili ang kaligtasan at kaginhawaan ng bawat bisita at mamamayan, lalo na sa mga oras ng gabi. Ang inyong patuloy na suporta at malasakit sa pagpapaunlad ng turismo at kapakanan ng ating komunidad ay tunay na kahanga-hanga.

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon at malasakit para sa Bayan ng Mulanay. ๐ŸŒด




Ngayong darating na Biyernes Santo, masasaksihan natin ang Parada ng Panata sa ating bayan. Ang mga Centurion at mga nam...
01/04/2026

Ngayong darating na Biyernes Santo, masasaksihan natin ang Parada ng Panata sa ating bayan. Ang mga Centurion at mga namamanata ay lilibot sa ganap na ika-8:00 ng umaga, bilang pagpapahayag ng kanilang taimtim na pananampalataya, debosyon, at panata.

Ang gawaing ito ay isang tradisyong minana at patuloy na pinagyayaman ng mga Mulanayinโ€”sumasalamin sa ating malalim na ugnayan sa pananampalataya at sa mayamang kulturang ating ipinagmamalaki.

Sa ganap naman na ika-7:00 ng gabi, matapos ang Prusisyon ng Paglilibing sa Panginoon, isasagawa ang film showing ng Pagpapakasakit at Pagkamatay ng ating Panginoong Hesukristo bilang bahagi ng ating paggunita.

Sa araw na ito, inaanyayahan ang lahat na maglaan ng panahon para sa taimtim na pagninilay at panalangin, bilang pag-alala sa sakripisyo at pagmamahal ng ating Panginoon.




Opisyal nang sinimulan ang paghahanda para sa Launching ng BonPen Circuit nitong ika-25 ng Marso, nagsimula ang site ass...
27/03/2026

Opisyal nang sinimulan ang paghahanda para sa Launching ng BonPen Circuit nitong ika-25 ng Marso, nagsimula ang site assessment na pinangunahan ng Tanggapang Panturismo ng ating lalawigan, ito ay mahalagang hakbang upang masigurong handa ang bawat destinasyon na pupuntahan ng mga turista.

Sa unang bahagi ng circuit, bibisitahin ang mga bayan ng Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Pitogo, General Luna, Mulanay, Catanauan at Macalelon. Layunin ng gawaing ito na mas mapaganda ang presentasyon ng bawat lugar, maisaayos ang kahandaan ng mga destinasyon, at higit sa lahat maipakita ang tunay na yaman ng Bondoc Peninsula, mula sa tanawin hanggang sa mga pagkaing lokal.



Happy Birthday to our ever hardworking and supportive Provincial Tourism Officer.Thank you for your unwavering dedicatio...
26/03/2026

Happy Birthday to our ever hardworking and supportive Provincial Tourism Officer.

Thank you for your unwavering dedication, leadership, and commitment to the continuous growth of tourism in our province. Your passion and service are truly commendable and inspiring.

Wishing you good health, more blessings, and continued success in all your endeavors.





Narito ang talaan ng mga gawain ngayong Mahal na Araw sa Parokya ng San Pedro Apostol, Mulanay, Quezon.Sa panahong ito n...
26/03/2026

Narito ang talaan ng mga gawain ngayong Mahal na Araw sa Parokya ng San Pedro Apostol, Mulanay, Quezon.

Sa panahong ito ng pagninilay, tayo ay inaanyayahang maglaan ng oras para sa panalangin at pangingilin. Nawaโ€™y maging makabuluhan at puno ng pananampalataya ang ating paggunita sa Mahal na Araw.





Address

Egualidad Street
Mulanay
4312

Opening Hours

Monday 8am - 5am
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5am

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mulanay Tourism posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share