01/09/2026
LARO NG LAHI: SUCCESSFULLY CONCLUDED!
Pawis? Meron. Tawanan? Sobra. Competitive? Medyo… pero friendly!🏆
Matagumpay na naisagawa ang Laro ng Lahi bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan ng Barangay Villa Isla! 🎉
Mula sa bawat sigawan at tawanan hanggang sa bawat takbuhan, habulan, at paligsahan, muling nabuhay ang mga larong kinalakihan ng ating mga Pilipino. Masaya mang maglaro, mas mahalaga ang pagkakaisa, pakikipagkaibigan, sportsmanship, at pakikilahok na ipinakita ng ating kabataan. 🤝💚
Hindi lang tayo naglaro—bumalik tayo sa mga larong walang Wi-Fi, walang battery, at walang “low storage,” pero punong-puno ng saya!😂
Maraming salamat sa lahat ng kabataang nakiisa, nakisaya, at nagpakita ng kanilang energy! Kayo ang patunay na kahit maraming bagong uso ngayon, may puwang pa rin sa puso ng kabataan ang mga larong Pinoy.🇵🇭✨
Laro ng Lahi done!✅
Saya? 100%.
Pawis? 100%.
Memories? Priceless.
Tuloy-tuloy ang saya, pagkakaisa, at pagkilos para sa kabataan!
PART I