Sangguniang Kabataan ng Barangay Binaritan

Sangguniang Kabataan ng Barangay Binaritan Official Page of the Sangguniang Kabataan of Barangay Binaritan, Morong, Bataan ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Happiest birthday to our Engineer and Number 1 SK Kagawad Loyd Albarda! ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚Thank you for your unwavering dedication to th...
24/03/2026

Happiest birthday to our Engineer and Number 1 SK Kagawad Loyd Albarda! ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚
Thank you for your unwavering dedication to the youth of our barangay. Greetings from your family ๐Ÿ’›

๐Ž๐ฎ๐ญ๐ซ๐ž๐š๐œ๐ก ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ | โ€œ๐™บ๐š ๐šŽ๐š—๐š๐š˜ ๐š—๐š ๐™ฟ๐šŠ๐š—๐šŠ๐š—๐šŠ๐š–๐š™๐šŠ๐š•๐šŠ๐š๐šŠ๐šข๐šŠ, ๐™ฐ๐š›๐šŠ๐š• ๐šœ๐šŠ ๐™ฟ๐šŠ๐š๐š™๐šŠ๐š™๐šŠ๐š‘๐šŠ๐š•๐šŠ๐š๐šŠโ€ ๐Ÿ’›Noong Marso 14, 2026 ay nagsagawa ang Morong Nati...
16/03/2026

๐Ž๐ฎ๐ญ๐ซ๐ž๐š๐œ๐ก ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ | โ€œ๐™บ๐š ๐šŽ๐š—๐š๐š˜ ๐š—๐š ๐™ฟ๐šŠ๐š—๐šŠ๐š—๐šŠ๐š–๐š™๐šŠ๐š•๐šŠ๐š๐šŠ๐šข๐šŠ, ๐™ฐ๐š›๐šŠ๐š• ๐šœ๐šŠ ๐™ฟ๐šŠ๐š๐š™๐šŠ๐š™๐šŠ๐š‘๐šŠ๐š•๐šŠ๐š๐šŠโ€ ๐Ÿ’›

Noong Marso 14, 2026 ay nagsagawa ang Morong National High School Teachers & Student Leaders kasama ang SK Binaritan at mga youth volunteers ng pagpapabasa at feeding program para sa mga bata ng Binaritan.

Lubos ang ating pasasalamat sa Morong National High School sa isang makabuluhang aktibidad para sa mga kabataan.

๐’๐Š ๐๐ข๐ง๐š๐ซ๐ข๐ญ๐š๐ง - ๐‹๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Š๐ข๐ง๐š๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Š๐š๐ง๐š๐ฐ๐š๐ง ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐ŸŽ“โœจIkatlong taon ng pagbibigay serbisyo (๐’‡๐’“๐’†๐’† ๐’ˆ๐’“๐’‚๐’…...
13/03/2026

๐’๐Š ๐๐ข๐ง๐š๐ซ๐ข๐ญ๐š๐ง - ๐‹๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Š๐ข๐ง๐š๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Š๐š๐ง๐š๐ฐ๐š๐ง ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐ŸŽ“โœจ

Ikatlong taon ng pagbibigay serbisyo (๐’‡๐’“๐’†๐’† ๐’ˆ๐’“๐’‚๐’…๐’–๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ ๐’‘๐’Š๐’„๐’•๐’–๐’“๐’†) ng SK Binaritan sa mga kabataang magsisipagtapos sa Kanawan Integrated School. Pagbati sa mga kabataan ng Kanawan, tuloy-tuloy lang sa pag-abot ng mga pangarap! ๐Ÿ’›

Special thanks to:
๐Ÿ“ธ: Sir Nelson P. Silva
๐Ÿง‘โ€๐ŸŽ“: Ms. Maribel Paguio Santos
๐Ÿ›: Ms. Mitch Alejo
๐Ÿซ: Kanawan IS headed by Sir Leo Domingo

Youth Leaders & Volunteers:
SK Cyrell Mae Magtanong Zalamea
SK Erick Jemiel Pastelero
SK Tiffany Joy Doctor
Paulene Pilipino
Kairos Pastelero


๐๐ข๐ง๐š๐ซ๐ข๐ญ๐š๐ง ๐•๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ฒ๐›๐š๐ฅ๐ฅ ๐“๐ž๐š๐ฆ ๐Ÿ’™๐ŸGinanap ngayong araw (Linggo) March 1, 2026 ang Binaritan Volleyball Training (Boys & Girls)...
01/03/2026

๐๐ข๐ง๐š๐ซ๐ข๐ญ๐š๐ง ๐•๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ฒ๐›๐š๐ฅ๐ฅ ๐“๐ž๐š๐ฆ ๐Ÿ’™๐Ÿ

Ginanap ngayong araw (Linggo) March 1, 2026 ang Binaritan Volleyball Training (Boys & Girls) sa BTPI Covered Court bilang paghahanda sa nalalapit na Inter-Barangay 2026.

Taos-pusong pasasalamat kay sir Elmer (Boonz) Santos sa muling pagpapahiram ng mga kagamitang pang volleyball at sa mga manlalaro ng ating barangay na naglaan ng kanilang oras upang mag-ensayo. Pasasalamat din sa pamunuan ng BTPI sa pagpapahiram ng court na pinagdarausan ng ating training.

Patuloy ang suporta ng buong Konseho ng SK Binaritan sa paglinang at paghasa ng talento sa larangan ng volleyball. Ating pong suportahan ang mga Kabataang manlalaro ng Binaritan! โœจ


๐“๐ฎ๐ง๐ž-๐”๐ฉ ๐†๐š๐ฆ๐ž | ๐“๐ž๐š๐ฆ ๐๐ข๐ง๐š๐ซ๐ข๐ญ๐š๐ง & ๐“๐ž๐š๐ฆ ๐Œ๐š๐›๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ€Ginanap ngayong araw (Sabado), Pebrero 28, 2026 ang Tune-Up Game ng kupunan...
28/02/2026

๐“๐ฎ๐ง๐ž-๐”๐ฉ ๐†๐š๐ฆ๐ž | ๐“๐ž๐š๐ฆ ๐๐ข๐ง๐š๐ซ๐ข๐ญ๐š๐ง & ๐“๐ž๐š๐ฆ ๐Œ๐š๐›๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ€

Ginanap ngayong araw (Sabado), Pebrero 28, 2026 ang Tune-Up Game ng kupunan ng Binaritan at Mabayo (25 below) sa BTPI Covered Court.

Lubos ang ating pasasalamat sa pagpapaunlak ng Team Mabayo sa ating imbitasyon sa pangunguna ni SB James Darwin Castro at SK Mabayo Officials upang sila ay makalaro sa larangan ng Basketball.

Nais din po naming pasalamatan ang ating masipag na coach ng Binaritan na si sir Carmelo Barrera sa pagbabahagi ng kanyang oras at talento para sa mga kabataang manlalaro ng Binaritan.

Sabay-sabay po nating pagyamanin at suportahan ang talento ng mga manlalarong kabataan sa Morong, Bataan ๐Ÿ’™


Happiest birthday SK Kagawad Patrick! ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚Thank you for your unwavering dedication to the youth of our barangay. Greetings...
25/02/2026

Happiest birthday SK Kagawad Patrick! ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚
Thank you for your unwavering dedication to the youth of our barangay. Greetings from your family ๐Ÿ’›

๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐๐ข๐ง๐š๐ซ๐ข๐ญ๐š๐ง ๐‘๐ข๐ฏ๐ž๐ซ ๐‚๐ฅ๐ž๐š๐ง-๐”๐ฉ ๐ƒ๐ซ๐ข๐ฏ๐ž ๐ŸƒKahapon araw ng Linggo (February 22, 2026) ay nagsagawa ang Barangay Binaritan ...
23/02/2026

๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐๐ข๐ง๐š๐ซ๐ข๐ญ๐š๐ง ๐‘๐ข๐ฏ๐ž๐ซ ๐‚๐ฅ๐ž๐š๐ง-๐”๐ฉ ๐ƒ๐ซ๐ข๐ฏ๐ž ๐Ÿƒ

Kahapon araw ng Linggo (February 22, 2026) ay nagsagawa ang Barangay Binaritan ng clean-up drive sa Morong River (Hanging Bridge) kasama ang masisipag na mga Barangay Kagawad, Barangay Tanod, SK Binaritan Officials, at ilang mga estudyante na buong pusong nakiisa para sa ikagaganda at ikalilinis ng ating ilog.

Palagi po nating panatilihin ang disiplina at kalinisan sa ating kalikasan, isang hakbang upang maprotektahan ang ating likas na yaman.


Maligayang Kaarawan SB Member Hon. Jomar A. Castro ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚ Pagbati mula sa iyong SK Binaritan family ๐Ÿ’›
19/02/2026

Maligayang Kaarawan SB Member Hon. Jomar A. Castro ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚ Pagbati mula sa iyong SK Binaritan family ๐Ÿ’›

๐ŸŽ‰ ๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐’๐ ๐Œ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐‡๐จ๐ง. ๐‰๐จ๐ฆ๐š๐ซ ๐€. ๐‚๐š๐ฌ๐ญ๐ซ๐จ! ๐ŸŽ‰

Sa espesyal na araw na ito, taos-puso kaming bumabati at nagpapasalamat sa inyong patuloy at tapat na paglilingkod sa bayan ng Morong.

Bilang masipag na Chairman sa larangan ng mga panuntunan, kooperatiba, kalikasan, paggawa at karapatang pantao, at aktibong katuwang sa usaping legal, agrikultura, pamilihan, at iba pang mahahalagang komite ng Sangguniang Bayan, tunay na makikita ang inyong dedikasyon at malasakit para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas upang mas marami pa kayong mapaglingkuran.

Mabuhay po kayo at ang inyong adhikain para sa isang mas maunlad na Morong! ๐Ÿ’šโœจ

Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Binaritan ay taos-pusong nakikiramay sa buong pamilya. Hanggang sa muling pagseserb...
17/02/2026

Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Binaritan ay taos-pusong nakikiramay sa buong pamilya. Hanggang sa muling pagseserbisyo sa Kabataan, KK Secretary Bien Vicedo! ๐Ÿ•Š๏ธ๐Ÿค๐Ÿ™๐Ÿป

Isang kapwa kabataan na naglingkod para sa ating Bayan. Paalam KK Secretary ng Poblacion, Bien Vicedo ๐Ÿ•Š๏ธ๐Ÿค

Ang iyong SK Morong family ay nalulungkot sa iyong maagang paglisan. Maraming salamat sa maikling panahon na nakasama ka namin upang paglingkuran ang ating mga kapwa Kabataan. Baunin mo ang aming panalangin at pagmamahal. ๐Ÿ™๐Ÿป

Sa mga panahong ang isang kababayan ay humaharap sa matinding pagsubok, ang tunay na lakas ng komunidad ay nasusukat sa ...
12/02/2026

Sa mga panahong ang isang kababayan ay humaharap sa matinding pagsubok, ang tunay na lakas ng komunidad ay nasusukat sa pagkakaisa at malasakit.

Muli, ang kabataan ng Morong ay nagtitipon bilang iisa, dala ang iisang layunin na maghatid ng pag-asa at suporta para kay Bien Vicedo, na kasalukuyang lumalaban sa Liver Cancer.

Si Bien ay hindi lamang isang kabataan ng Brgy. Poblacion, kundi isang masipag na lingkod-bayan at Katipunan ng Kabataan Officer na naging bahagi ng maraming adbokasiya at gawain para sa komunidad. Ngayon, tayo naman ang kanyang kakampi.

Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa aming mga fundraising initiatives. Ang bawat pakikilahok, suporta, at ambag ay magsisilbing mahalagang bahagi ng kanyang gamutan at patuloy na laban.

Sama-sama nating ipakita na ang diwa ng bayanihan ay nananatiling buhay sa puso ng bawat taga-Morong.

๐Ÿ“Œ Para sa karagdagang detalye, maari po kayong makipag-ugnayan sa aming mga volunteer youth leaders:

SK Chairman โ€“ Poblacion: Lance Edward Fernandez
SK Chairman โ€“ Binaritan: Godwin Paguio Bermejo
SK Chairman โ€“ Sabang: Jayson Reyes Topasi
SK Chairman โ€“ Nagbalayong: Jhoven Jay Manalo Omoy
SK Kagawad โ€“ Yor Trillo
SB Ac Noriega Millares
Kagawad Kevin Ivan Domingo Nano
Kagawad Johnchel Cel Castro
Engr. Maria Vinus Paguio
KK President: John Jerick Gonzales Ruiz
BECS President: Iwa Marie

Higit sa lahat, patuloy nating ipagdasal ang kagalingan ni Bien, nawaโ€™y muli niyang maipagpatuloy ang kanyang paglilingkod sa ating komunidad.

Magkita-kita po tayo. Para kay Bien. Para sa Bayanihan.

Ctto: Juno Paguio

๐๐ข๐ง๐š๐ซ๐ข๐ญ๐š๐ง ๐•๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ฒ๐›๐š๐ฅ๐ฅ ๐“๐ซ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ๐ฌ ๐ŸGinanap kaninang umaga (Pebrero 8, 2026) sa Hilltop Covered Court ang Volleyball Tryouts (...
08/02/2026

๐๐ข๐ง๐š๐ซ๐ข๐ญ๐š๐ง ๐•๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ฒ๐›๐š๐ฅ๐ฅ ๐“๐ซ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ๐ฌ ๐Ÿ

Ginanap kaninang umaga (Pebrero 8, 2026) sa Hilltop Covered Court ang Volleyball Tryouts (Boys & Girls). Ito ay pinangunahan ng kanilang mga coach na sina Sir B**g Molina at Sir Jayson Tallorin. Kasama at nagbigay din suporta sina Jerich Flojo at Erah Albarda.

Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Binaritan ay lubos na nagpapasalamat kay Sir Elmer Santos sa pagpapahiram ng mga kagamitan pang volleyball. Kami rin po ay nagpapasalamat sa Barangay Sabang sa pangunguna ni Kgg. Federico E. Taba (Kap. Puti) sa pagpapahiram ng Hilltop Covered Court upang maisagawa at mairaos ang Volleyball Tryouts bilang paghahanda sa darating na Inter-Barangay 2026.

Sabay-sabay nating suportahan at ipakita ang galing at husay ng mga manlalarong balibolista ng Barangay Binaritan. ๐Ÿ’™โœจ


Address

Binaritan
Morong
2108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Barangay Binaritan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share