๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐ 

  • Home
  • Philippines
  • Morong
  • ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐ 

๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐ , Morong.

๐—ง๐—˜๐—˜๐—ก ๐—œ๐—ก๐—™๐—ข๐—ฅ๐— ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—–๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—ก๐—š ๐—•๐—ฅ๐—š๐—ฌ. ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š, ๐—”๐—–๐—–๐—ฅ๐—˜๐——๐—œ๐—ง๐—˜๐—— ๐—ก๐—”!Binisita po ngayong araw ng mga kawani ng Provincial Governm...
16/10/2023

๐—ง๐—˜๐—˜๐—ก ๐—œ๐—ก๐—™๐—ข๐—ฅ๐— ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—–๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—ก๐—š ๐—•๐—ฅ๐—š๐—ฌ. ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š, ๐—”๐—–๐—–๐—ฅ๐—˜๐——๐—œ๐—ง๐—˜๐—— ๐—ก๐—”!

Binisita po ngayong araw ng mga kawani ng Provincial Government of Bataan at Provincial Population Office sa pangunguna ni Mrs. Rossana P. Verdida ang ating Teen Information Center at Adolescent Health Friendly Facility upang kanilang personal na makita ang ating pasilidad na nagbibigay serbisyo at kalinga sa mga Kabataan.

Matatandaang inilunsad po noong October 30, 2018 sa ating lumang gusali ang Teen Information Center kasama ang mga opisyales ng ating lokal na pamahalaan at pamahalaang barangay at hanggang ngayon ay tuloy-tuloy po ang paglingap at paghahatid nito ng ibayong serbisyo para sa mga Kabataang Nagbalayong.

Ngayong accredited na ng Provincial Population Office ang ating TIC, sisikapin pa po nating palakasin at patatagin pa ang pasilidad na ito hanggang sa mga susunod na Sangguniang Kabataan Officials ng ating barangay.

Maraming salamat po Municipality of Morong Bataan, Pamahalaang Barangay ng Nagbalayong, Sangguniang Kabataan at lalo't higit sa Nagkakaisang Kabataan ng Nagbalayong sa tagumpay na ito.

Mabuhay tayong lahat.
Padayon Kabataang Nagbalayong! โœŠ๐Ÿผโค๏ธ



๐Ÿด๐—ง๐—› ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ ๐—ฆ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™ ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—šAgenda:โœ“ Accomplishment Report for the 1st and 2nd Quarterโœ“ Lingg...
13/08/2023

๐Ÿด๐—ง๐—› ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ ๐—ฆ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™ ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š

Agenda:
โœ“ Accomplishment Report for the 1st and 2nd Quarter
โœ“ Linggo ng Kabataan 2023
โœ“ Signing of Resolutions

Para sa Nagkakaisang Kabataan ng Nagbalayong. Padayon! โœŠ๐Ÿผโค๏ธ


Linggo ng Kabataan! (malapit na)
12/08/2023

Linggo ng Kabataan! (malapit na)

๐—œ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—š | Happy International Youth Day!

Maraming salamat mga Kabataan sa pagpapatunay na tayo ang pagasa ng ating bayan.
Ipagpatuloy natin ang pagiging kasangkapan ng pagbabago sa ating komunidad.

Tayo ang lakas ng lipunan. Padayon Kabataan! โœŠ๐Ÿผโค๏ธ

International Youth Day 2023โ€™s theme: โ€œGreen Skills for the Youth: Towards a Sustainable World.โ€




28/07/2023

๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—œ๐—ž๐—”๐—ฆ | Nakataas na sa Red Rainfall Warning ang buong lalawigan ng Zambales at Bataan, 8:07 ngayong gabi (July 28, 2023).

Asahan ang matinding pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa kung kaya't pinaaalalahanan ang bawat Kabarangay nating naninirahan sa mabababang lugar na lumikas muna.

Ibayong pag-iingat po sa ating lahat mga KaBarangay.
Ang taimtim na panalangin ay matibay na sandata. โค๏ธ๐Ÿ™๐Ÿผ

SOURCE: NDRRMC


28/07/2023

๐—ข๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—” | Panalangin upang ipag-adya sa mga kalamidad.

Amang Makapangyarihan, Itinataas namin sa Iyo ang aming mga pusong nagpapasalamat sa kagandahan ng Iyong nilikha kung saan kami ay bahagi sa pagkalinga Mong nagtataguyod sa aming mga pangangailangan at sa karunungan Mong gumagabay sa takbo ng daigdig.

Kinikilala namin ang aming mga pagkakasala sa Iyo at sa sangnilikha. Hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan.

Pinagkamali namin ang iyong utos na pangasiwaan ang daigdig. Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian at ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at kawalang pakialam. Ang "global warming" ay laganap na.

Ang mga bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan, paglindol, at iba pang kalamidad ay patuloy na tumitindi sa pananalanta. Lumalapit kami sa Iyo, Mapagmahal na Ama at humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan.

Hinihiling namin na kami, kasama ng aming mga mahal sa buhay at pinagpagurang ari- a***n at ipag-adya sa banta ng mga kalamidad, likas man o kagagawan ng tao.

Iniluluhog namin gawin kaming mapanagutang katiwala ng Iyong nilikha at maging bukas-palad na kapwa sa mga nangangailangan.
Sa Pangalan ni Hesus.

Amen.

Mahal na Birhen ng Lourdes, Ipanalangin Mo po kami! ๐Ÿ™๐Ÿผโค๏ธ




KAISA ANG BUONG Sangguniang Kabataan ng Nagbalayong, nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga manlalarong walang sawang na...
22/07/2023

KAISA ANG BUONG Sangguniang Kabataan ng Nagbalayong, nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga manlalarong walang sawang nakikilahok sa mga gawaing may layuning pag-isahin at pagtibayin ang pwersa ng mga Kabataan.

Palagi tayong naka-agapay sa mga makabuluhang programang katulad nito. Padayon Kabataan! ๐Ÿ’ช๐Ÿผโค๏ธ



๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ก๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š, ๐—›๐—”๐—ก๐——๐—”๐—ก๐—š-๐—›๐—”๐—ก๐——๐—” ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—จ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—•๐—œ๐—ก๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก ๐—ข๐—Ÿ๐—ฌ๐— ๐—ฃ๐—œ๐—–๐—ฆ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ.Bilang pagtugon sa im...
20/07/2023

๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ก๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š, ๐—›๐—”๐—ก๐——๐—”๐—ก๐—š-๐—›๐—”๐—ก๐——๐—” ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—จ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—•๐—œ๐—ก๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก ๐—ข๐—Ÿ๐—ฌ๐— ๐—ฃ๐—œ๐—–๐—ฆ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ.

Bilang pagtugon sa imbitasyon ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Binaritan na makiisa sa gaganaping Binaritan Olympics 2023, ipinamahagi ngayong araw ng SK Nagbalayong ang mga Jersey Uniform na susuutin ng ating mga mahuhusay na Kabataan na silang kalahok para sa iba't-ibang kategorya ng palaro simula ngayong darating na Sabado, July 22, 2023.

Ito po ay upang masuportahan ng Sangguniang Kabataan ng Nagbalayong ang mga Kabataang Manlalaro na silang kakatawan at magrerepresenta ng Barangay Nagbalayong sa kompetisyong ito na lalahukan din ng iba pang mga Kabataan sa ibang Barangay dito sa Bayan ng Morong.

Mula po sa Sangguniang Kabataan ng Nagbalayong, tayo po ay lubos na nagpapasalamat higit sa mga Kabataan ng ating barangay na silang walang sawang tumutugon sa mga gawaing nagbubuklod at nagpapalakas pa ng ating pwersa. Bilang kinatawan ng Kabataang Nagbalayong, naniniwala po tayo na mas malaki ang magiging ambag ng Kabataan kapag ibinigay natin ang pakikiisa at suportang kanilang kailangan.

Para sa mga taong naka-alalay sa programang ito, mabuhay po kayong lahat. Maraming salamat!

Padayon, Kabataang Nagbalayong! โœŠ๐Ÿผโค๏ธ



Mula sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Nagbalayong, isang mainit na pagbati sa lahat ng mga Kabataang Magaaral na nags...
10/07/2023

Mula sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Nagbalayong, isang mainit na pagbati sa lahat ng mga Kabataang Magaaral na nagsipagtapos at magsisipagtapos.

Padayon, Kabataang Nagbalayong! Mabuhay tayong lahat. โœŠ๐Ÿผโค๏ธ





๐—•๐—ข๐—Ÿ๐—” ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—” ๐——๐—ฅ๐—ข๐—š๐—”, ๐—œ๐—ก๐—œ๐—›๐—”๐—ก๐——๐—ข๐—š ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—ž ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช.Kasama po sa ibinalangkas na programa ng San...
09/07/2023

๐—•๐—ข๐—Ÿ๐—” ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—” ๐——๐—ฅ๐—ข๐—š๐—”, ๐—œ๐—ก๐—œ๐—›๐—”๐—ก๐——๐—ข๐—š ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—ž ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช.

Kasama po sa ibinalangkas na programa ng Sangguniang Kabataan ng Nagbalayong sa ilalim ng Sports Development ang "Bola Kontra Droga". Ang programang ito ay may layuning makapagpamahagi ng Sports Materials partikular ang mga bola at iba pang mga kagamitan sa palakasan para sa mga Kabataan na nakatira sa iba't-ibang panig ng Barangay Nagbalayong.

Naniniwala po tayo na sa pamamagitan ng programang ito, ang SK Nagbalayong ay makatutulong sa ating mga Kabataan na sila ay mailihis sa masasamang bisyo at sa halip sila ay mabigyan ng libangang makapagpapalakas pa sa kanilang mga pangangatawan.

Upang maging posible po ang lahat ng ito, ang pwersa ng Sangguniang Kabataan Nagbalayong ay nagtungo ngayong araw sa bawat Sitio at ilang Basketball Court na nasasakupan ng ating barangay, upang personal na maibigay sa mga Kabataan ang mga bola, basketball board at standard size ng basketball ring with net na malaki ang magiging kapakinabangan sa larangan ng palakasan.

Nagpapasalamat po tayo sa mga Kabataan at mga taong patuloy na tumatangkilik at palaging nasa likuran ng mga programang inilulunsad ng SK Nagbalayong mula noon magpahanggang ngayon. Kayong lahat ang inspirasyon namin sa tagumpay ng mga programang katulad nito.

Padayon, Kabataang Nagbalayong! โœŠ๐Ÿผโค๏ธ



Address

Morong
2108

Telephone

+639273217680

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐ :

Share