Municipal Agriculture of Morong Bataan

Municipal Agriculture of Morong Bataan ito po ang page ng municipal agriculture para sa ating mga kababayan na nagnanais na makahingi ng butong gulay at may ibang katanungan sa pagsasaka

21/11/2025
11/11/2025
03/11/2025

Inaanyayahan po ang lahat ng pet owners sa Morong, Bataan na makiisa sa isasagawang Anti-Rabies Vaccination, Neutering, Deworming, at Vitamins Injection ngayong Nobyembre 2025.

Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Pamahalaang Bayan upang mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga alagang hayop at masiguro ang kaligtasan ng komunidad.

Schedule per Barangay:
Nagbalayong – November 11–12, 2025
Binaritan – November 13–14, 2025
Poblacion – November 18–19, 2025
Sabang – November 20–21, 2025
Mabayo – November 25–26, 2025

📌Sa Covered Court ng Bawat Barangay

Hinihikayat ang bawat residente na dalhin ang kanilang mga alaga sa nakatakdang petsa upang makatanggap ng libreng serbisyo. Sama-sama nating pangalagaan ang ating mga fur babies at ang kalinisan ng ating bayan.

📍Ang Anti-Rabies Vaccination at Neutering ay para sa ating mga Fur babies;
📍Ang Deworming at Vitamins Injection naman po ay para sa ating mga baka at kalabaw.

Mga Dapat Tandaan:

📍Labinlima (15) lamang na hayop ang maaaring isailalim sa pagkakapon kada Barangay; kaya’t hinihikayat ang lahat na magpalista sa kani-kanilang barangay.
📍Ang pagkakapon o neutering ay isasagawa sa unang araw lamang ng nakatakdang iskedyul.
📍Kinakailangang naka-fasting ang a*o bago isailalim sa proseso ng pagkakapon.
📍Dapat may nakatalagang iisang lugar para sa mga baka at kalabaw na tatanggap ng vitamins injection at dapat may ipitan para sa vitamins.
📍Isasagawa nang house-to-house ang Anti-Rabies vaccination para sa mga a*o at pusa.
📍Hindi pinahihintulutang bakunahan ang mga a*o at pusa na may edad na tatlong buwan pababa, gayundin ang mga buntis at kakapanganak pa lamang.

Tuloy-tuloy ang pagsulong para sa isang mas ligtas at mas malusog na Morong!

18/10/2025

FuerTaste: A Cooperative Food Bazaar

In celebration of Cooperative Month, the Municipality of Morong, in cooperation with Barangay Poblacion, proudly launches FuerTaste — a gathering of flavors, community, and cooperation!

✨ Experience food products from different barangays all in one place — showcasing local creativity, entrepreneurship, and the spirit of unity that defines Morong.

🍴 Gutom ka? Tara na sa FuerTaste!
Discover unique dishes, local favorites, and proudly Morongeño flavors you’ll surely love.

📍 For entrepreneurs interested in joining the bazaar, please contact SB Jomar Castro, Kap Jay Garcia, or Barangay Poblacion to secure your spot.

Tuloy ang Pagsulong!
Let’s celebrate cooperation, community, and local taste — together at FuerTaste!




21/09/2025

𝐏𝐀𝐀𝐍𝐘𝐀𝐘𝐀!

Inaanyayahan po ang 50 kalahok mula sa Barangay Mabayo na makiisa sa gaganaping Organic Seminar ngayong Setyembre 23, 2025, 9:00 AM sa Mabayo Covered Court.

Layunin ng seminar na ito na magbigay-kaalaman ukol sa organikong pamamaraan at kahalagahan ng wastong waste segregation tungo sa isang malinis at maunlad na pamayanan.

Para sa mga interesado, maari kayong magtungo at magpalista sa Mabayo Barangay Hall

Sama-sama nating itaguyod ang isang luntiang kinabukasan!



20/09/2025

𝐏𝐀𝐀𝐍𝐘𝐀𝐘𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐆𝐑𝐈𝐂𝐔𝐋𝐓𝐔𝐑𝐀𝐋 𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑𝐏𝐑𝐈𝐒𝐄 𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄𝐒𝐇𝐎𝐋𝐃𝐄𝐑𝐒

Inaanyayahan ng Department of Agriculture – Region III sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ang lahat ng agricultural enterprise stakeholders na dumalo sa:

📌 Orientation at Registration para sa
Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Information System (FFEDIS)

🗓 Setyembre 29, 2025
📍 Barangay Poblacion, Covered Court
👥 Para sa 50 kalahok lamang

Dalhin ang mga kinakailangang dokumento:
1️⃣ PHOTOCOPY ng Mayor’s Permit
2️⃣ PHOTOCOPY ng Business Registration (DTI / CDA / SEC / DOLE)

Layunin ng FFEDIS na makatulong sa pagpapaunlad ng mga programang pangkabuhayan sa sektor ng agrikultura at pangingisda, at makalikom ng suporta mula sa iba’t ibang sektor.

📌Hanggang lunes nalang po ang confirmation para sa mga gustong makilahok, huwag sayangin ang oportunidad na ito, halina at makiisa!

📌Sa mga interesado at para sa may mga katanungan, maari ninyong kontakin si Mr. Jimboy Sandiego, OIC ng Department of Agriculture.



Address

Morong
2108

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639915128745

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Agriculture of Morong Bataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share