11/04/2022
MARAMING SALAMAT PO BINARITAN AT POBLACION, sa inyong pagdagsa sa unang gabi ng ating Grand Rally kasama ang bando ng 1Bataan at Team Sulong Morong!
Ramdam na ramdam po natin ang solidong suporta at pagkakaisa ng taumbayan sa isinagawa nating Malawakang Pagpupulong kasama ang mga kababayan natin sa Brgy. Poblacion at Brgy. Binaritan.
Nasaksihan natin kung papaanong dinagsa ng mga tao ang ating liwasan upang kanilang maipakita at maiparamdam ang patuloy na pagsuporta at pagmamahal sa tambalan nina Mayor Cynthia Linao-Estanislao at Running Vice Mayor Leila Linao-Muรฑoz.
Sentro ng pagtitipon ang mga naisakatuparan nang proyekto at programa sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Cynthia sa mga nakalipas na panahon. Ibinahagi din ng partido ang kanilang mga nakahaing plano at proyekto para sa susunod pang mga taon. Prayoridad pa rin ng Team Sulong ang Kalusugan, Edukasyon, Agrikultura at Pagpapalago ng Turismo sa kanilang susunod na pagluklok sa termino.
Samantala, hindi naman napigilan ni Mayor Cynthia na maging emosyonal sa kanyang paghahayag ng damdamin sa harap ng ating mga kababayan. Ibinahagi niya ang kanyang mga naging sakripisyo bilang Ina ng ating bayan, at sa kanyang muling pagtakbo para sa huling termino ng kanyang panunungkulan, nais niyang mapabuti pa ang estado ng ating buong bayan. Hangad niya na makapaghatid pa ng dekalidad na serbisyo-publiko at maipagpatuloy pa ang mga programa at proyektong ibinalangkas kasama ang buong bando ng Team Sulong Morong.
Kitang-kita ang lakas at pagkakaisa sapagkat nakasama din natin sa pagtitipong ito ang ating magiging bagong Gobernador, Joet Garcia, Vice Gov. Cris Garcia, Congw. Gila Garcia, Pusong Pinoy Partylist Rep. Jett Nisay, mga Konsehal at mga magiging bokal ng 3rd District, Bokal Dr. Jorge Estanislao, Bokal Popoy Del Rosario, Bokal Angel Sunga at Bokal Bro. Harold Espeleta.
Para sa ma-Linao na kinabukasan, Vote Straight Team Sulong Morong at .
TAYO NA! MULING MAGKAISA, para sa pamumunong Maka-Diyos, Maka-Bayan at Serbisyong may Malasakit.
Sama-sama. Tulong-tulong. !