Task Force Balik-Loob

Task Force Balik-Loob Official page of the Task Force Balik-Loob
(3)

π€π‘πŒπ€π’ 𝐀𝐓 ππ€πŒππ€π’π€ππŽπ†, πˆπ’πˆππ”πŠπŽ 𝐍𝐆 𝐂𝐓𝐆 π‚πŽππ“π€π‚π“ 𝐒𝐀 π‚π€π†π€π˜π€πBANGAG, LAL-LO, CAGAYAN β€” Isang hinihinalang contact ng Communist ...
03/06/2026

π€π‘πŒπ€π’ 𝐀𝐓 ππ€πŒππ€π’π€ππŽπ†, πˆπ’πˆππ”πŠπŽ 𝐍𝐆 𝐂𝐓𝐆 π‚πŽππ“π€π‚π“ 𝐒𝐀 π‚π€π†π€π˜π€π

BANGAG, LAL-LO, CAGAYAN β€” Isang hinihinalang contact ng Communist Terrorist Group (CTG) ang kusang-loob na nagsubmite ng mga iligal na armas at pampasabog sa Military Community Support Sustainment Team (MCSST) ng 17th Infantry (DO or DIE) Battalion sa pamumuno ni Lt. Col. Alfie R. Sagario noong gabi ng Mayo 15, 2026. Kabilang sa mga isinaling kagamitang pandigma ang isang (1) homemade shotgun, isang (1) homemade carbine rifle na may magasin at mga bala, isang (1) homemade pistol, at ilang piraso ng high-explosive rifle gr***des.

Ayon sa militar, ang mapayapang pagsuko ay bunga ng kanilang pinaigting na pakikipag-ugnayan at localized peace-building efforts sa komunidad na nagpapatibay sa tiwala ng mamamayan sa pamahalaan. Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng yunit ang mga armas para sa dokumentasyon, habang muling nanawagan ang 17th IB sa iba pang kasapi ng CTG na magbalik-loob na rin para sa kapayapaan at matiwasay na makapiling ang mga mahal sa buhay.








𝐑𝐄𝐀𝐃: https://tinyurl.com/7uefr3tn

πŒπ„ππ’π€π‡π„ 𝐍𝐆 π‚π‡π€πˆπ‘ππ„π‘π’πŽπ 𝐍𝐆 π“π€π’πŠ π…πŽπ‘π‚π„ ππ€π‹πˆπŠ-π‹πŽπŽπ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 ππ€π†πƒπˆπ‘πˆπ–π€ππ† 𝐍𝐆 πˆπŠπ€-πŸ– π€ππˆππ„π‘π’π€π‘π˜πŽ 𝐍𝐆 ππ€π†πŠπ€πŠπ€π“π€π“π€π†Ngayong ipinagdi...
02/06/2026

πŒπ„ππ’π€π‡π„ 𝐍𝐆 π‚π‡π€πˆπ‘ππ„π‘π’πŽπ 𝐍𝐆 π“π€π’πŠ π…πŽπ‘π‚π„ ππ€π‹πˆπŠ-π‹πŽπŽπ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 ππ€π†πƒπˆπ‘πˆπ–π€ππ† 𝐍𝐆 πˆπŠπ€-πŸ– π€ππˆππ„π‘π’π€π‘π˜πŽ 𝐍𝐆 ππ€π†πŠπ€πŠπ€π“π€π“π€π†

Ngayong ipinagdiriwang natin ang ika-8 anibersaryo ng pagkakatatag ng Task Force Balik-Loob (TFBL), ating pinararangalan ang walong taon ng matapat na paglilingkod, dedikasyon, at sama-samang pagsisikap tungo sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan, pagkakaisa, at pambansang kaunlaran.

Kaakibat ng temang β€œWalang Hanggang Serbisyo Para sa Isang Payapa at Maunlad na Bagong Pilipinas,” muli nating pinagtitibay ang ating matatag na adhikain na tulungan ang ating mga Friends Rescued (FRs) at kanilang mga pamilya na muling makabalik at maging ganap na bahagi ng lipunan nang may dignidad, pag-asa, at bagong layunin sa buhay. Sa pamamagitan ng mas pinaigting na pagtutulungan, makabuluhang mga programa, at taos-pusong malasakit, naging sagisag ang TFBL ng tunay na hangarin ng pamahalaan para sa kapayapaan at inklusibong pag-unlad.

Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang pagkilala sa ating mga tagumpay kundi pati na rin sa katatagan at katapangan ng bawat indibidwal na piniling tahakin ang landas ng kapayapaan.

Lubos akong nagpapasalamat sa ating mga katuwang na ahensya, mga lokal na pamahalaan, hanay ng seguridad, mga organisasyong sibiko, at iba pang stakeholders na patuloy na sumusuporta at nakikipagtulungan upang maging matagumpay at makabuluhan ang ating mga programa.

Sa ating pagpapatuloy, nawa’y lalo pa nating pagtibayin ang ating paninindigan sa pagtataguyod ng mga pamayanang nakabatay sa kapayapaan, pagkakaisa, at pangmatagalang kaunlaran. Sama-sama nating isulong ang isang Bagong Pilipinas kung saan ang bawat Pilipino ay may seguridad, dignidad, at pag-asang magkaroon ng mas maliwanag na kinabukasan.

Mabuhay ang Task Force Balik-Loob! Mabuhay ang Bagong Pilipinas!

𝐔𝐒𝐄𝐂. π€ππ†π„π‹πˆπ“πŽ 𝐌. 𝐃𝐄 π‹π„πŽπ
Chairperson, Task Force Balik-Loob

𝟏𝟏 π‘π„π’πˆπƒπ„ππ“π„ 𝐒𝐀 π‹π€ππ€πŽ 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑, πˆπ’πˆππ”πŠπŽ 𝐀𝐍𝐆 πŒπ†π€ π€π‘πŒπ€π’ 𝐀𝐓 ππ€πŒππ€π’π€ππŽπ†LANAO DEL SUR β€” Kusang-loob na isinuko ng labing-isang...
02/06/2026

𝟏𝟏 π‘π„π’πˆπƒπ„ππ“π„ 𝐒𝐀 π‹π€ππ€πŽ 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑, πˆπ’πˆππ”πŠπŽ 𝐀𝐍𝐆 πŒπ†π€ π€π‘πŒπ€π’ 𝐀𝐓 ππ€πŒππ€π’π€ππŽπ†

LANAO DEL SUR β€” Kusang-loob na isinuko ng labing-isang (11) indibidwal mula sa Marogong at Lumbatan ang kanilang mga armas at pasabog sa mga operatiba ng 101st Infantry (THREE RED ARROWS) Brigade sa pamumuno ni BGEN YASSER R BARA PA noong Mayo 20, 2026. Kabilang sa mga ibinigay na kagamitang pandigma ang 167 hand gr***des, isang (1) M14 rifle, dalawang (2) Garand rifles, isang (1) carbine rifle, mga magasin, at iba't ibang uri ng bala.

Ayon sa mga nagbalik-loob, nais nilang mamuhay nang matiwasay at malayo sa karahasan. Ipinahayag din nila ang interes na sumali sa recruitment ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) Active Auxiliary (CAA) upang maging produktibong mamamayan na katuwang sa pagpapanatili ng seguridad at pagkakaisa sa kanilang lugar.

Lubos namang nagpasalamat si BGEN BARA PA sa desisyon ng mga residente na sumunod sa batas at suportahan ang kapayapaan. Hinikayat niya ang mga ito na magpatuloy sa pagiging katuwang ng pamahalaan para sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng buong Lanao del Sur.








𝐑𝐄𝐀𝐃: https://tinyurl.com/5xdath3w

𝟐 πƒπ€π“πˆππ† 𝐍𝐏𝐀 𝐒𝐀 πŒπ€π’ππ€π“π„, π’π”πŒπ”πŠπŽ 𝐀𝐓 𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 π“π”π‹πŽππ† 𝐒𝐀 ππ€πŒπ€π‡π€π‹π€π€πMASBATE β€” Kusang-loob na sumuko sa 65th Infantry (ST...
01/06/2026

𝟐 πƒπ€π“πˆππ† 𝐍𝐏𝐀 𝐒𝐀 πŒπ€π’ππ€π“π„, π’π”πŒπ”πŠπŽ 𝐀𝐓 𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 π“π”π‹πŽππ† 𝐒𝐀 ππ€πŒπ€π‡π€π‹π€π€π

MASBATE β€” Kusang-loob na sumuko sa 65th Infantry (STALWART) Battalion sa ilalim ng 9th Infantry (SPEAR) Division, Philippine Army sa pamumuno ni MAJ GEN. ALDWINE I. ALMASE PA ang dalawang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Masbate upang muling makapiling ang kanilang pamilya at magsimula ng tahimik na buhay.

Mainit silang tinanggap ni Lt. Col Ray Sicsican, Commanding Officer ng 65IB, na nagbigay-diin sa patuloy na pag-asa at oportunidad na hatid ng pamahalaan. Nakatakdang tumanggap ang mga nagbalik-loob ng tulong pinansyal, pagsasanay sa kasanayan, medical support, at psychosocial counseling sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Nagpasalamat naman ang militar sa pakikipagtulungan ng mga pamilya at lokal na komunidad na naging daan sa pagsuko ng dalawa. Kasabay nito, patuloy ang panawagan ng mga awtoridad sa iba pang kasapi ng NPA na magbalik-loob na rin upang mapanatili ang kapayapaan sa lalawigan.








𝐑𝐄𝐀𝐃: https://tinyurl.com/ys8s42rb

ππ€π‘π€ππ†π€π˜ πŒπ€πŒπ€ππŽπŠ 𝐒𝐀 𝐒𝐔𝐋𝐔, πˆπƒπˆππ„πŠπ‹π€π‘π€ππ† πŒπ€ππ€π˜π€ππ€; π‘π„π’πˆπƒπ„ππ“π„, ππ€π†π’π”πŠπŽ 𝐍𝐆 ππ€π‘πˆπ‹SULU β€” Opisyal nang idineklara ang Barangay ...
31/05/2026

ππ€π‘π€ππ†π€π˜ πŒπ€πŒπ€ππŽπŠ 𝐒𝐀 𝐒𝐔𝐋𝐔, πˆπƒπˆππ„πŠπ‹π€π‘π€ππ† πŒπ€ππ€π˜π€ππ€; π‘π„π’πˆπƒπ„ππ“π„, ππ€π†π’π”πŠπŽ 𝐍𝐆 ππ€π‘πˆπ‹

SULU β€” Opisyal nang idineklara ang Barangay Mamanok sa bayan ng Pandami bilang isang mapayapa at "gun-free" na komunidad noong Mayo 12, 2026. Bilang patunay ng kanilang suporta sa kapayapaan, boluntaryong isinuko ng mga residente ang isang (1) M1 Garand rifle.

Ang pormal na turnover ay dinaluhan ng 104th Infantry β€œPara sa Bayan” Battalion sa pamumuno ni LTC ROY R DALUMPINES INF (GSC) PA, kasama ang lokal na pulisya at mga kinatawan ng barangay sa Camp Berto, Barangay Hambilan. Ayon kay LTC DALUMPINES INF (GSC) PA, ang deklarasyong ito ay bahagi ng mas pinaigting na peacebuilding efforts ng Task Group Ganarul katuwang ang mga lokal na pamahalaan at Philippine National Police (PNP).

Pinuri rin ni BGEN ALARIC A DELOS SANTOS PA ng 1102nd Infantry β€œGanarul” Brigade ang kooperasyon ng komunidad, kung saan umabot na sa 151 iba't ibang uri ng baril ang narekober ng yunit sa ikalawang distrito ng Sulu simula noong Enero 1, 2026.








𝐑𝐄𝐀𝐃: https://www.facebook.com/share/p/17tSSrhx4p/

𝐏𝐂𝐆-ππ’π–πƒπŽ, 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐒𝐄 π‚πŽππ…π„π‘π„ππ‚π„ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ πƒπ€π“πˆππ† 𝐑𝐄𝐁𝐄𝐋𝐃𝐄 𝐒𝐀 πˆπ‹π€π‹πˆπŒ 𝐍𝐆 π„π‚π‹πˆπCAGAYAN β€” Nagsagawa ng Case Confere...
30/05/2026

𝐏𝐂𝐆-ππ’π–πƒπŽ, 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐒𝐄 π‚πŽππ…π„π‘π„ππ‚π„ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ πƒπ€π“πˆππ† 𝐑𝐄𝐁𝐄𝐋𝐃𝐄 𝐒𝐀 πˆπ‹π€π‹πˆπŒ 𝐍𝐆 π„π‚π‹πˆπ

CAGAYAN β€” Nagsagawa ng Case Conference ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan (PGC) at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) noong Mayo 13, 2026 para sa 14 na Friends Rescued (FRs) mula sa Baggao na nasa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Iniharap ng 17th Infantry β€œDo or Die” Battalion sa pamumuno ni LTC ALFIE S SAGARIO INF (GSC) PA ang mga FRs sa mga katuwang na ahensya tulad ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Agriculture Office Baggao, at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Layunin ng pagpupulong na talakayin ang mga pinakahuling ulat at suriin ang kasalukuyang sitwasyon ng mga FRs upang matiyak ang patuloy na pagkakaloob ng mga angkop na interbensyon, serbisyong suporta, at tulong para sa kanilang matagumpay na muling pagbabalik-loob sa lipunan.








𝐑𝐄𝐀𝐃: https://www.facebook.com/share/p/1B9q4cEhhz/

πŸ‘πŸ—π­π‘ πˆππ…π€ππ“π‘π˜ ππ€π“π€π‹π‹πˆπŽπ, πˆππˆπ‹π”ππ’π€πƒ 𝐀𝐍𝐆 π…π‘πˆπ„ππƒπ’ 𝐑𝐄𝐒𝐂𝐔𝐄𝐃 π€π’π’π„πŒππ‹π˜ 𝐒𝐀 πŒπ€π†π’π€π˜π’π€π˜NORTH COTABATO β€” Matagumpay na inilunsad ng ...
29/05/2026

πŸ‘πŸ—π­π‘ πˆππ…π€ππ“π‘π˜ ππ€π“π€π‹π‹πˆπŽπ, πˆππˆπ‹π”ππ’π€πƒ 𝐀𝐍𝐆 π…π‘πˆπ„ππƒπ’ 𝐑𝐄𝐒𝐂𝐔𝐄𝐃 π€π’π’π„πŒππ‹π˜ 𝐒𝐀 πŒπ€π†π’π€π˜π’π€π˜

NORTH COTABATO β€” Matagumpay na inilunsad ng 39th Infantry β€œSmash’Em” Battalion ang Friends Rescued (FR) Assembly kamakailan sa Munisipalidad ng Magsaysay, Davao del Sur upang palakasin ang suporta sa mga nagbalik-loob.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng 39IB, sa pamumuno ni LTC HECTOR A ESTOLAS INF (GSC) PA, katuwang si Mayor Arthur P. Davin, ang 1002nd Infantry β€œBagwis” Brigade na pinamumunuan ni BGEN APOLLO JUN F LAMATON, KALINAW Davao del Sur, at mga kinatawan mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO). Dinaluhan ito ng 46 na benepisyaryo ngayong Mayo 2026.

Sa pamamagitan ng malawakang inter-agency collaboration, pormal na inorganisa ang mga dating rebelde bilang isang ganap na People’s Organization (POs) na pinangalanang Magsaysay Reintegration and Development for Farmers Association (MaRDeFA) kasabay ng paghalal sa kanilang mga bagong pinuno.

Ginamit din nina LTC ESTOLAS INF (GSC) PA at Mayor Davin ang pagkakataon upang ihatid ang mga pangunahing serbisyong panlipunan at pangkabuhayan, habang muling nanawagan sa mga natitira pang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na pormal nang sumuko upang makapagsimula ng ligtas, payapa, at produktibong buhay kasama ang kanilang pamilya.








𝐑𝐄𝐀𝐃: https://www.facebook.com/share/p/17gYs4YEtT

𝐅𝐑𝐒, 𝐈𝐏𝐬, 𝐀𝐓 π’π”ππƒπ€π‹πŽ 𝐒𝐀 πˆπ’π€ππ„π‹π€, πŒπ€πŠπˆπŠπˆππ€ππ€ππ† 𝐒𝐀 π‹πˆππ‘π„ππ† π’πŠπˆπ‹π‹π’ π“π‘π€πˆππˆππ† 𝐍𝐆 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 𝐀𝐓 πŸ“πŸŽπŸππƒ ππ‘πˆπ†π€πƒπ„ILAGAN CITY, ISABELA β€”...
28/05/2026

𝐅𝐑𝐒, 𝐈𝐏𝐬, 𝐀𝐓 π’π”ππƒπ€π‹πŽ 𝐒𝐀 πˆπ’π€ππ„π‹π€, πŒπ€πŠπˆπŠπˆππ€ππ€ππ† 𝐒𝐀 π‹πˆππ‘π„ππ† π’πŠπˆπ‹π‹π’ π“π‘π€πˆππˆππ† 𝐍𝐆 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 𝐀𝐓 πŸ“πŸŽπŸππƒ ππ‘πˆπ†π€πƒπ„

ILAGAN CITY, ISABELA β€” Daan-daang dating rebelde, katutubo, sundalo, at mga residente mula sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs) sa Northern Luzon ang makikinabang sa libreng skills training at livelihood opportunities. Ito ay matapos magsanib-puwersa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Isabela School of Arts and Trades, at ang 502nd Infantry β€œLiberator” Brigade sa pamumuno ni BGEN RHODERICK L PARALLAG PA sa pamamagitan ng nilagdaang Memorandum of Understanding (MOU) noong Mayo 5, 2026.

Sa ilalim ng kasunduan na sumusuporta sa pangkabuhayang programa ng administrasyong Marcos, ang TESDA ang magbibigay ng de-kalidad at competency-based training, mga pasilidad, at certified trainers.

Layunin ng programang ito na mabigyan ng sapat na kaalaman, kasanayan, at oportunidad sa kabuhayan ang mga benepisyaryo upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay, mapalakas ang kanilang kakayahang pangkabuhayan, at maisulong ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa mga komunidad sa Northern Luzon.








𝐑𝐄𝐀𝐃: https://pia.gov.ph/.../tesda-army-expand-skills-training.../

𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐀 𝐍𝐏𝐀 𝐒𝐀 π’π€π‘π€ππ†π€ππˆ, ππ€πŠπ€π“π€ππ†π†π€π 𝐍𝐆 π“π”π‹πŽππ† πŒπ”π‹π€ 𝐒𝐀 ππ€πŒπ€π‡π€π‹π€π€π πŒπ€π“π€ππŽπ’ π’π”πŒπ”πŠπŽSARANGANI PROVINCE β€” Apat (4) na miyemb...
27/05/2026

𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐀 𝐍𝐏𝐀 𝐒𝐀 π’π€π‘π€ππ†π€ππˆ, ππ€πŠπ€π“π€ππ†π†π€π 𝐍𝐆 π“π”π‹πŽππ† πŒπ”π‹π€ 𝐒𝐀 ππ€πŒπ€π‡π€π‹π€π€π πŒπ€π“π€ππŽπ’ π’π”πŒπ”πŠπŽ

SARANGANI PROVINCE β€” Apat (4) na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa ilalim ng Regional Operations Command, Far South Mindanao Regional Committee (FSMRC) na kinilalang sina alyas King, Jack, at Alas mula sa Maasim, at si Mobil, isang menor de edad mula sa Kiamba ang boluntaryong sumuko sa pamahalaan.

Sila ay pormal na iniharap sa mga lokal na pinuno ng kanilang mga munisipalidad sa pamamagitan ng 603rd Infantry β€œPersuader” Brigade sa pamumuno ni BRIGADIER GENERAL MICHAEL A SANTOS PA, Commander ng 603rd Bde, at 105th Infantry β€œSaifullah” Battalion sa pamumuno ni LTC ERIKZEN C DACOCO INF (GSC) PA, Commander ng 105IB, kung saan sila nakatanggap ng bigas at paunang tulong-pinansyal.

Ayon sa isinagawang debriefing, tumakas at sumuko ang mga naturang indibidwal sa Kiamba dahil sa gutom at takot. Bilang suporta, nagpaabot naman sina Maasim Mayor Zyrex Pacquiao at Kiamba Mayor George Falgui ng livelihood assistance sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).








𝐑𝐄𝐀𝐃: https://www.facebook.com/share/p/1CkcCgPd4F

ππ„πŒπ‘π‚ 𝐍𝐆 𝐍𝐏𝐀 𝐒𝐀 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐆𝐀, π“π”π‹π”π˜π€π 𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐁𝐔𝐖𝐀𝐆 πŒπ€π“π€ππŽπ’ 𝐍𝐆 π’π”ππŽπƒ-π’π”ππŽπƒ 𝐍𝐀 ππ€π†π’π”πŠπŽAGUSAN DEL SUR β€” Opisyal nang idineklara n...
26/05/2026

ππ„πŒπ‘π‚ 𝐍𝐆 𝐍𝐏𝐀 𝐒𝐀 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐆𝐀, π“π”π‹π”π˜π€π 𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐁𝐔𝐖𝐀𝐆 πŒπ€π“π€ππŽπ’ 𝐍𝐆 π’π”ππŽπƒ-π’π”ππŽπƒ 𝐍𝐀 ππ€π†π’π”πŠπŽ

AGUSAN DEL SUR β€” Opisyal nang idineklara ng 401st Infantry β€œUnite N Fight” Brigade sa pamumuno ni COL GLENN JOY U AYNERA INF (GSC) PA, ang Acting Commander ng 401st Bde, ang tuluyang pagbagsak ng Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) matapos ang sunod-sunod na pagsuko ng apat (4) na natitirang miyembro nito noong Mayo 15 at 16, 2026.

Noong Mayo 15 sa Surigao del Sur, unang sumuko sina Lovilito Lamela alyas β€œBero/Hapon” na isang Squad Leader ng Regional Sentro de Gravidad (RSDG), at Gina Sawan alyas β€œLG,” isang medic, bitbit ang isang (1) AK-47 rifle, isang (1) rifle gr***de, isang (1) scope, at tatlong (3) magasin.

Sumuko naman si Eusebio β€œSilvio” Gultiano Peru alyas β€œLee/Tarzan” noong Mayo 16. Sa tulong ng magkasanib na puwersa ng 75IB, 3SFBn, PIU SDS, at Marihatag MPS, narekober mula sa kanya ang isang (1) R4 rifle na may anim (6) na bala. Samantala, pinangasiwaan naman ng 29IB sa Agusan del Norte ang pagsuko ng isa pang miyembro na si Cheryl Tremidal Neniel alyas β€œMelon/Cry-Cry” mula sa Squad 2 ng Sub-Regional Sentro de Grabidad – Westland (SRSDG WL) sa Cabadbaran City.

Ayon kina COL AYNERA PA at MGEN MARION T ANGCAO PA, Commander ng Joint Task Force Diamond, ang tagumpay na ito ay malinaw na patunay na wala nang patutunguhan ang armadong pakikibaka. Anila, patuloy and kahandaan ang pamahalaan na magbigay ng tulong sa pamamagitan ng mga programang pang-reintegrasyon para sa tuluyang pagbabagong-buhay ng mga nagbalik-loob.








𝐑𝐄𝐀𝐃: https://www.facebook.com/share/p/1LWMhJt4o3/

Address

Montalban

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Task Force Balik-Loob posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Task Force Balik-Loob:

Share