29/08/2026
Kahapon, Agosto 28, 2026, masayang ipinagdiwang ng aming mga mag-aaral ang Buwan ng Wika sa simpleng paraan, nagsuot ng kasuotang Filipino, nakibahagi sa aming munting Pyesta sa Nayon, nagsalo-salo sa Boodle Fight, at higit sa lahat, nagsaya sa sayawan habang tumutugtog ang kanilang mga paboritong musika!
Sa simpleng pagsasama-sama, tawanan, sayawan, pagkain, at pagbabahagi ng kultura, nakalikha tayo ng masasayang alaala at naipakita ang pagmamahal sa ating wika at kulturang Filipino.
Simpleng selebrasyon. Masayang puso. Makabuluhang alaala.
📌 PAALALA: Ang post na ito ay para sa educational purposes only at ibinahagi nang may pahintulot ng mga magulang/guardian ng mga batang tampok sa mga larawan.