20/08/2025
πππππ πππππ πππππππ ππππππππππ, πππππππ ππ ππππ ππππππππ ππππππππ ππππ ππ ππππ ππππ
πππππ π
πππππππ ππππ
πππππππ: Ang Coast Guard Station (CGS) Marinduque, katuwang ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Mogpog at Marine Environmental Protection Enforcement and Response Unit (MEP-ERU) Marinduque, ay aktibong nakiisa sa isinagawang tree planting activity ngayong araw, 17 Mayo 2025, sa Barangay Amoingon, Boac, Marinduque.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Boac Mayflower Festival 2025, na layuning itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan at hikayatin ang pakikiisa ng komunidad sa mga gawaing pangkalikasan.
Ipinapakita ng gawaing ito ang patuloy na pagtupad ng Philippine Coast Guard sa tungkulin nitong pangalagaan ang kapaligiran at makipagtulungan sa ibaβt ibang sektor para sa ikabubuti ng kalikasan at ng sambayanan.
Ang PCG ay nananatiling kaisa ng mga lokal na pamahalaan at mga mamamayan sa pagsusulong ng isang luntiang Marinduque para sa mga susunod na henerasyon.
π΅π