25/08/2026
Yellow Firebirds namayagpag, hinirang na Overall Champion
Nangibabaw ang kupunan ng Team Yellow Firebirds matapos makapagtala ng pinakamataas na puntos sa katatapos na School Intramurals sa Bala National High School 2026.
Nanguna sila sa unang araw kung saan mula sa kanilang pangkat ang hinirang na Mr. & Ms. Intramurals at kampeon din sa Folkdance.
Ipinakita rin ng kanilang mga atleta ang kanilang determinasyong manalo sa mga sumunod na dalawang araw.
Mula sa kanilang kupunan ang nakakuha sa unang puwesto sa mga larong basketball, chess blitz, sepak takraw, shot put, badminton, table tennis at track & field na nakapagbigay ng kalamangan sa overall standing.
Sa kabuuan nakakuha sila ng 15 gintong medalya,9 na pilak,7 tanso, at 1 laso.
Nahirang silang kampyeon sa puntos na 453. Sinundan ng Team Blue Dragons na may 326, Red Wolves na may 299 at Green Jaguars na may 279 kabuuang puntos.
Binuo ang Team Yellow ng mga atleta at g**o ng Baitang 12 – Bamboo, 11 – Firetree, 11 - Camachile at 9 -Coconut.
Balita ni Antonette Sambilad