08/05/2016
BALITA MULA SA BRIGADA NEWS FM COTABATO:
Limang mga Gobernador mula sa ARMM na utak umano sa hindi pagkakapasa sa BBL ibinunyag sa inilabas na Consolidated Position Paper
COTABATO CITY – Ipinamahagi naman ng Anak Bangsamoro sa mga nagsidalo ang kopya ng Consolidated Position Paper ng limang mga Gobernador ng probinsya sa ARMM na malinaw na pagtutol nila sa Bangsamoro Basic Law o BBL habang nasa kasagsagan ng peace rally kahapon sa Cotabato City Plaza.
Sa talumpati ng United Tri-Peoples in Mindanao Secretary General Abdullah Hamza, kanyang inisa-isa ang mga gobernador na may lagda kung saan sinasabing isa ito sa naging balakid upang hindi maipasa ng 16th Congress ang nasabing batas.
Ito rin umano ang mistulang dahilan upang makahanap ng lusot ang ayaw sa nasabing batas partikulra na si Sen. Marcos na gumawa mismo ng sarili nitong bersyon at tinawag na Bongbong Law.
Ito ay kinabibilangan nina Maguindanao Provincial Governor Esmael Mangudadatu, Sulu gov. Abdusakur Tan, Gov. Sahali ng Tawi-tawi, Mamintal Adiong ng Lanao del Sur, Gov. Akbar ng Basilan at si RLA Speaker Roonie Sinsuat. (Jom Dimapalao)
Balitang yan ay hatid ng:
Like and Share: Brigada News Fm Cotabato City