Meycauayan City Jail - Female Dormitory

Meycauayan City Jail - Female Dormitory “Changing Lives Building a Safer Nation”

GABI NG PAGBABAHAGI AT AWITAN 🎶🎤🍽️ Isang makabuluhang gabi ang isinagawa para sa ating mga senior citizen PDL sa loob ng...
30/08/2026

GABI NG PAGBABAHAGI AT AWITAN 🎶🎤🍽️

Isang makabuluhang gabi ang isinagawa para sa ating mga senior citizen PDL sa loob ng Meycauayan City Jail Male and Female Dormitory sa pangunguna nina 𝗝𝗖𝗜𝗡𝗦𝗣 𝗠𝗔𝗥𝗞 𝗚𝗘𝗥𝗔𝗟𝗗 𝗖 𝗕𝗔𝗨𝗧𝗜𝗦𝗧𝗔, Tagapangasiwa ng Piitang Panlungsod, 𝗝𝗦𝗜𝗡𝗦𝗣 𝗔𝗟𝗘𝗝𝗔𝗡𝗗𝗥𝗢 𝗘 𝗧𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬, Katuwang na Tagapangasiwa ng Piitang Panlungsod at ni 𝗝𝗦𝗜𝗡𝗦𝗣 𝗠𝗔 𝗖𝗥𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗔 𝗥 𝗕𝗨𝗦𝗔𝗖𝗔𝗬, Gumaganap na Tagapangasiwa ng Piitang Panlungsod, tampok ang simpleng feeding activity at karaoke night.

Sa pamamagitan ng munting salu-salo at sama-samang pag-awit, nabigyan sila ng pagkakataong makapaglibang, at maramdaman ang saya at pagkalinga sa kabila ng kanilang kalagayan.





26/08/2026

VOICES FROM THE FRONTLINE | 26 August 2026
Hosted by: Katropang KASY, SPENCER & QUINN

20/08/2026

𝓜𝓪𝓵𝓲𝓰𝓪𝔂𝓪𝓷𝓰 𝓚𝓪𝓪𝓻𝓪𝔀𝓪𝓷, 𝓙𝓞2 𝓙𝓮𝓻𝓻𝔂 𝓜𝓪𝓮 𝓗 𝓜𝓪𝓼𝓪𝓭𝓪𝓸!

Sa araw na ito, kami ay nakikiisa sa pagdiriwang ng iyong kaarawan. Maraming salamat sa iyong dedikasyon, at walang sawang paglilingkod bilang bahagi ng ating hanay. Ang iyong sipag at malasakit ay nagsisilbing inspirasyon sa iyong mga kasamahan at sa komunidad na iyong pinaglilingkuran. 🎉

𝓖𝓐𝓑𝓘 𝓝𝓖 𝓢𝓘𝓝𝓘𝓝𝓖 𝓐𝓣 𝓚𝓤𝓛𝓣𝓤𝓡𝓐 Sa pangunguna nina 𝗝𝗖𝗜𝗡𝗦𝗣 𝗠𝗔𝗥𝗞 𝗚𝗘𝗥𝗔𝗟𝗗 𝗖 𝗕𝗔𝗨𝗧𝗜𝗦𝗧𝗔, Tagapangasiwa ng Piitang Panlungsod at ni 𝗝𝗦...
19/08/2026

𝓖𝓐𝓑𝓘 𝓝𝓖 𝓢𝓘𝓝𝓘𝓝𝓖 𝓐𝓣 𝓚𝓤𝓛𝓣𝓤𝓡𝓐

Sa pangunguna nina 𝗝𝗖𝗜𝗡𝗦𝗣 𝗠𝗔𝗥𝗞 𝗚𝗘𝗥𝗔𝗟𝗗 𝗖 𝗕𝗔𝗨𝗧𝗜𝗦𝗧𝗔, Tagapangasiwa ng Piitang Panlungsod at ni 𝗝𝗦𝗜𝗡𝗦𝗣 𝗠𝗔 𝗖𝗥𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗔 𝗥 𝗕𝗨𝗦𝗔𝗖𝗔𝗬, Gumaganap na Tagapangasiwa ng Piitang Panlungsod, matagumpay na isinagawa ang Gabi ng Sining at Kultura, kahapon Agosto 18, 2026, isang makabuluhang pagdiriwang na nagbigay-daan upang maipamalas ng ating mga PDL ang kanilang talento, pagkamalikhain, at pagmamahal sa kulturang Pilipino.

Tampok sa programa ang mga makukulay na pagtatanghal sa sayaw at awit ng ating mga PDL, na sinundan ng pagrampa ng mga kawani sa kanilang kasuotang kultural.

Naging mas makabuluhan ang programa sa pamamagitan ng pakikiisa ng ating Panauhing Pandangal, G. Rizaldy T. Doctor mula sa City Tourism Office, na nagbigay ng inspirasyon at suporta sa mga kalahok at sa buong pamayanan ng piitan.

Ang pagdiriwang na ito ay isinagawa bilang bahagi ng Buwan ng Wika 2026 na may temang: “𝚆𝚒𝚔𝚊𝚗𝚐 𝙵𝚒𝚕𝚒𝚙𝚒𝚗𝚘 𝚊𝚝 𝙰𝙸: 𝙺𝚊𝚜𝚊𝚗𝚐𝚔𝚊𝚙𝚊𝚗 𝚜𝚊 𝙿𝚊𝚗𝚊𝚗𝚊𝚕𝚒𝚔𝚜𝚒𝚔 𝚊𝚝 𝚃𝚞𝚕𝚊𝚢 𝚜𝚊 𝚈𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚗𝚐 𝙸𝚖𝚙𝚘𝚛𝚖𝚊𝚜𝚢𝚘𝚗.”





𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗠𝗣𝗔𝗟𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦𝗔𝗞𝗜𝗧: 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗜𝗕𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗣𝗜𝗥𝗜𝗧𝗪𝗔𝗟𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗔𝗧 𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗗𝗟Sa magkahiwalay na araw, isinagawa ang...
13/08/2026

𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗠𝗣𝗔𝗟𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦𝗔𝗞𝗜𝗧: 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗜𝗕𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗣𝗜𝗥𝗜𝗧𝗪𝗔𝗟𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗔𝗧 𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗗𝗟

Sa magkahiwalay na araw, isinagawa ang dalawang makabuluhang gawain para sa kapakanan at rehabilitasyon ng mga Taong Pinagkaitan ng Kalayaan ng Meycauayan City Jail Male and Female Dormitories, sa pamumuno nina 𝐉𝐂𝐈𝐍𝐒𝐏 𝐌𝐀𝐑𝐊 𝐆𝐄𝐑𝐀𝐋𝐃 𝐂 𝐁𝐀𝐔𝐓𝐈𝐒𝐓𝐀, Tagapangasiwa ng Panlungsod na Piitan, at 𝐉𝐒𝐈𝐍𝐒𝐏 𝐌𝐀 𝐂𝐑𝐈𝐒𝐓𝐈𝐍𝐀 𝐑 𝐁𝐔𝐒𝐀𝐂𝐀𝐘, Gumaganap na Tagapangasiwa ng Piitang Lungsod.

Isang gawaing espirituwal ang isinagawa para sa 29 na PDL sa pangunguna ni 𝐑𝐞𝐯. 𝐅𝐫. 𝐑𝐨𝐧𝐞𝐥𝐥𝐞 𝐒. 𝐃𝐚𝐠𝐨𝐧, OSA ng San Isidro Labrador Parish, Malhacan, sa pamamagitan ng pagkukumpisal na nakatulong sa pagpapatibay ng kanilang pananampalataya, emosyonal na katatagan at pag-asa.

Noong Agosto 11, 2026 naman, taos-pusong tinanggap ng pasilidad ang Sound System Equipment na ipinagkaloob ng 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 𝐋𝐚𝐛𝐫𝐚𝐝𝐨𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐢𝐬𝐡 𝐂𝐡𝐮𝐫𝐜𝐡 bilang suporta sa mga programa, aktibidad, gawaing espirituwal, at opisyal na pagtitipon ng mga PDL.

Lubos ang pasasalamat ng Meycauayan City Jail – Male at Female Dormitories sa San Isidro Labrador Parish sa patuloy na malasakit, pakikiisa, at suporta sa pagsusulong ng rehabilitasyon, pananampalataya, at pagbabagong-buhay ng mga PDL.

𝗧𝗔𝗢𝗦-𝗣𝗨𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗕𝗨𝗟𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗡𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡!Taos-pusong nagpapasalamat ang Meycauayan City Jail – Male at Female Do...
12/08/2026

𝗧𝗔𝗢𝗦-𝗣𝗨𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗕𝗨𝗟𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗡𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡!

Taos-pusong nagpapasalamat ang Meycauayan City Jail – Male at Female Dormitories kay 𝐇𝐨𝐧. 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐇𝐞𝐧𝐫𝐲 𝐑. 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐫𝐢𝐜𝐚,
Punong Lungsod ng Meycauayan City Bulacan, sa makabuluhang pagkakaloob ng apat (4) na yunit ng IWATA Aircooler.

Ang pagtanggap sa donasyon ay isinagawa sa pangunguna nina 𝐉𝐂𝐈𝐍𝐒𝐏 𝐌𝐀𝐑𝐊 𝐆𝐄𝐑𝐀𝐋𝐃 𝐂 𝐁𝐀𝐔𝐓𝐈𝐒𝐓𝐀, Tagapangasiwa ng Panlungsod na Piitan at 𝗝𝗦𝗜𝗡𝗦𝗣 𝗠𝗔 𝗖𝗥𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗔 𝗥. 𝗕𝗨𝗦𝗔𝗖𝗔𝗬, Gumaganap na Tagapangasiwa ng Piitang Lungsod.

Malaking tulong ang mga ito sa pagbibigay ng mas maayos at komportableng pasilidad para sa mga Taong Pinagkaitan ng Kalayaan.





📻 MAKABULUHANG PAKIKIPANAYAM SA 𝙍𝘼𝘿𝙔𝙊 𝙆𝘼𝙋𝙄𝙏𝙊𝙇𝙔𝙊Isang makabuluhang pakikipanayam sa Radyo Kapitolyo ang isinagawa upang m...
12/08/2026

📻 MAKABULUHANG PAKIKIPANAYAM SA 𝙍𝘼𝘿𝙔𝙊 𝙆𝘼𝙋𝙄𝙏𝙊𝙇𝙔𝙊

Isang makabuluhang pakikipanayam sa Radyo Kapitolyo ang isinagawa upang maibahagi sa mga tagapakinig ang mga programa, gawain, at pagsisikap ng Meycauayan City Jail – Female Dormitory.

Ang pakikipanayam ay pinangunahan ni SJO3 Jenny B Ramirez, Acting Assistant City Jail Warden, kasama sina JO1 Carisma D Saldivar at JO1 Francine Terry D Dayao, na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga gawaing pangkabuhayan at mga aktibidad ng mga PDL.

Kabilang sa mga tampok na tinalakay ang mga produktong gawa ng mga PDL bilang bahagi ng kanilang mga gawaing pangkabuhayan. Ang mga produktong ito ay bunga ng kanilang kasipagan, pagkamalikhain, at mga kasanayang kanilang natututunan habang nasa loob ng piitan—mga kakayahang maaari nilang magamit sa kanilang muling pagbabalik sa pamilya at pamayanan.

Ibinahagi rin ang mga gawain at aktibidad ng mga PDL para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, na naglalayong maipakita ang kanilang mga talento at mapalalim ang pagpapahalaga sa wikang Filipino at kulturang Pilipino.

Ang mga gawaing ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Meycauayan City Jail – Female Dormitory, sa ilalim ng pamumuno ni 𝙅𝙎𝙄𝙉𝙎𝙋 𝙈𝘼 𝘾𝙍𝙄𝙎𝙏𝙄𝙉𝘼 𝙍 𝘽𝙐𝙎𝘼𝘾𝘼𝙔, Acting City Jail Warden, na maisulong ang mga programang nagbibigay sa mga PDL ng pagkakataong matuto, lumikha, maipamalas ang kanilang kakayahan, at magkaroon ng pag-asa para sa panibagong simula.





Mula sa Meycauayan City Jail Female Dormitory na pinamumunuhan ni JSINSP MA CRISTINA R BUSACAY, Acting City Jail Warden,...
04/08/2026

Mula sa Meycauayan City Jail Female Dormitory na pinamumunuhan ni JSINSP MA CRISTINA R BUSACAY, Acting City Jail Warden, Isang Maligayang Kaarawan kay Mayor Atty. Henry R. Villarica!

Dalangin namin ang inyong patuloy na kalusugan, sigla, at tagumpay sa pag-akay sa ating lungsod patungo sa mas maunlad at masayang kinabukasan!

Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Meycauayan, Maligayang Kaarawan, Mayor Atorni Henry R. Villarica!

Hangad namin na pagpalain pa kayo ng mabuting kalusugan, lakas at marami pang taon ng masigasig at tapat na paglilingkod para sa patuloy ninyong tagumpay at patungo sa mas maunlad na Lungsod ng Meycauayan.

𝓟𝓻𝓸𝓶𝓸𝓽𝓲𝓷𝓰 𝓜𝓸𝓻𝓪𝓵 𝓪𝓷𝓭 𝓢𝓹𝓲𝓻𝓲𝓽𝓾𝓪𝓵 𝓓𝓮𝓿𝓮𝓵𝓸𝓹𝓶𝓮𝓷𝓽 𝓽𝓱𝓻𝓸𝓾𝓰𝓱 𝓟𝓪𝓻𝓽𝓷𝓮𝓻𝓼𝓱𝓲𝓹  𝓒𝓮𝓻𝓮𝓶𝓸𝓷𝓲𝓪𝓵 𝓢𝓲𝓰𝓷𝓲𝓷𝓰 𝓸𝓯 𝓜𝓮𝓶𝓸𝓻𝓪𝓷𝓭𝓾𝓶 𝓸𝓯 𝓐𝓰𝓻𝓮𝓮𝓶𝓮𝓷𝓽Just in! Thr...
04/08/2026

𝓟𝓻𝓸𝓶𝓸𝓽𝓲𝓷𝓰 𝓜𝓸𝓻𝓪𝓵 𝓪𝓷𝓭 𝓢𝓹𝓲𝓻𝓲𝓽𝓾𝓪𝓵 𝓓𝓮𝓿𝓮𝓵𝓸𝓹𝓶𝓮𝓷𝓽 𝓽𝓱𝓻𝓸𝓾𝓰𝓱 𝓟𝓪𝓻𝓽𝓷𝓮𝓻𝓼𝓱𝓲𝓹 𝓒𝓮𝓻𝓮𝓶𝓸𝓷𝓲𝓪𝓵 𝓢𝓲𝓰𝓷𝓲𝓷𝓰 𝓸𝓯 𝓜𝓮𝓶𝓸𝓻𝓪𝓷𝓭𝓾𝓶 𝓸𝓯 𝓐𝓰𝓻𝓮𝓮𝓶𝓮𝓷𝓽

Just in!

Through the leadership of 𝐉𝐂𝐈𝐍𝐒𝐏 𝐌𝐀𝐑𝐊 𝐆𝐄𝐑𝐀𝐋𝐃 𝐂 𝐁𝐀𝐔𝐓𝐈𝐒𝐓𝐀, City Jail Warden, Male Dormitory; 𝐉𝐒𝐈𝐍𝐒𝐏 𝐀𝐋𝐄𝐉𝐀𝐍𝐃𝐑𝐎 𝐄 𝐓𝐀𝐍𝐓𝐀𝐘, Assistant City Jail Warden, Male Dormitory; 𝐉𝐒𝐈𝐍𝐒𝐏 𝐌𝐀. 𝐂𝐑𝐈𝐒𝐓𝐈𝐍𝐀 𝐑 𝐁𝐔𝐒𝐀𝐂𝐀𝐘, Acting City Jail Warden, Female Dormitory; and 𝐒𝐉𝐎𝟑 𝐉𝐄𝐍𝐍𝐘 𝐁. 𝐑𝐀𝐌𝐈𝐑𝐄𝐙, Acting Assistant City Jail Warden, Female Dormitory, the Meycauayan City Jail successfully conducted the 𝘊𝘦𝘳𝘦𝘮𝘰𝘯𝘪𝘢𝘭 𝘚𝘪𝘨𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘔𝘦𝘮𝘰𝘳𝘢𝘯𝘥𝘶𝘮 𝘰𝘧 𝘈𝘨𝘳𝘦𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵 (𝘔𝘖𝘈) with its valued partner institution - Prison Ministry and Christ Commision Fellowship Marilao and San Isidro Labrador Parish Malhacan, reaffirming its commitment to promoting the moral and spiritual development of Persons Deprived of Liberty (PDL).

Morever the said activity was graced by JSUPT CRISTINA P CASTILLO, Regional Chief of Directorial Staff, JSUPT LORD ROGELIO T MONTERO V, Provincial Jail Administrator of BJMP Provincial Office–Bulacan, and JSINSP JAN VINCENT V DAMIAN, Chief, Chaplaincy Service Section signifying the Bureau’s continued support for programs geared towards the welfare and development of Persons Deprived of Liberty (PDL).





30/07/2026

Through the leadership of JCINSP DJOHANNY L DOMINGO, City Jail Warden Male Dormitory and JSINSP MA CRISTINA R BUSACAY, Acting City Jail Warden Female Dormitory, Healthy cooking, teamwork, and creativity took center stage as the Persons Deprived of Liberty (PDL) of the Meycauayan City Jail Female and Male Dormitory actively participated in the Nutri Cook Fest in celebration of Nutrition Month 2026.

The activity showcased nutritious, affordable, and delicious meals using locally available ingredients, highlighting the importance of proper nutrition, food safety, and healthy eating habits.





Address

Brgy. Camalig, City Of Meycauayan, Bulacan
Meycauayan
3020

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Meycauayan City Jail - Female Dormitory posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share