27/08/2026
π₯ MOBILE BUCAS COMMUNITY HEALTH ACCESS | SERBISYONG PANGKALUSUGAN PARA SA MGA PDL π©Ί
Isinagawa ang Mobile Bucas Community Health Access sa Meycauayan City Jail β Male Dormitory sa tulong at pakikipagtulungan ng Joni Villanueva General Hospital, Bocaue, Bulacan, sa pangunguna ni G. Laurenz Ruiz Centeno, kasama ang kanilang mga nursing staff at sampung (10) kawani.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, nabigyan ang ating mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ng access sa mga pangunahing serbisyong pangkalusugan, konsultasyon, pagsusuri, at kaukulang gabay medikal.
π Ang programang ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng BJMP at mga katuwang na institusyon upang maisulong ang kalusugan, kapakanan, dignidad, at kagalingan ng bawat PDL.
π Maraming salamat sa Joni Villanueva General Hospital sa inyong serbisyo, malasakit, at pakikiisa sa layuning mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng ating mga PDL.
βKalusugan ay Karapatan, Serbisyo ay Para sa Lahat!β