Sangguniang Kabataan ng Barangay Camalig Meycauayan City, Bulacan

Sangguniang Kabataan ng Barangay Camalig Meycauayan City, Bulacan Official page of Sangguniang Kabataan ng Barangay Camalig Meycauayan City, Bulacan - 2023

SK CAMALIG SPORTS FEST 2026 🏆🏀🏐ANUNSYO: 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐍𝐚! 📝Maaari na pong mag-register para sa iba’t ibang sports events ...
03/04/2026

SK CAMALIG SPORTS FEST 2026 🏆🏀🏐

ANUNSYO: 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐍𝐚! 📝

Maaari na pong mag-register para sa iba’t ibang sports events ng SK Camalig Sports Fest 2026!
No reservation of slots po tayo — FIRST COME, FIRST SERVE basis.

📢 MAKE READING A HABIT. Basahin pong mabuti ang mahahalagang gabay bago magsagot ng ating Google Forms.

📌 REGISTRATION LINKS

🏐 Volleyball
🔗 https://forms.gle/UMa8C6j5U5e7a6tSA

🏸 Badminton
🔗 https://forms.gle/9HMiPHdkFB5ZSZ5t6

♟️ Chess
🔗 https://forms.gle/fwjSLPeYGURTFJtP8

🏓 Pickleball
🔗 https://forms.gle/64mNUd2zEsUu7a1B9

🏓 Table Tennis
🔗 https://forms.gle/vRNMMTBsSsx9Z6uz5

📌 MGA PAALALA BAGO MAG-REGISTER
Ang palarong ito ay para lamang sa mga lehitimong residente ng Barangay Camalig.
FIRST COME, FIRST SERVE po tayo sa registration. Sa Google Forms lamang malalaman kung sinu-sinong participants/teams ang maaaring maisama sa screening ng Sangguniang Kabataan.
Walang division (NO DIVISION) para sa lahat ng sports events.
Hindi lahat ng magreregister ay siguradong makakasali, dahil ang lahat ng entries ay dadaan pa sa screening process ng Sangguniang Kabataan.
Sa screening, kinakailangan pong magdala ang bawat kalahok ng xerox copy ng valid ID na may address na nakarehistro sa Barangay Camalig.
Tanging ang mga makakapasa sa screening ang opisyal na makakasali sa nasabing sports fest.
Hintayin po ang official list ng mga teams/participants na sasailalim para sa screening na ipopost sa aming official page.

👍 I-like at i-follow ang aming page para sa mga mahahalagang anunsyo at updates!
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa! Kita-kits sa SK Camalig Sports Fest 2026! 🎉



LIBRENG THEORETICAL DRIVING COURSE ng LTO Region III at SK CAMALIG Marso 26 at 27, 2026 ginanap ang dalawang araw na pro...
28/03/2026

LIBRENG THEORETICAL DRIVING COURSE ng LTO Region III at SK CAMALIG

Marso 26 at 27, 2026 ginanap ang dalawang araw na programa ng Land Transportation Office at Sangguniang Kabataan ng Barangay Camalig na Libreng TDC para sa ating mga Camaligueño. Naging matagumpay ang ating programa na pinangunahan ng ating mga Sangguniang Kabataan at ni Ma'am Mahel Yambao na siyang naging facilitator ng aktibidad.

Sa pangangasiwa ni SK Chairperson Gelo San Pascual kasama ng kanyang mga SK Kagawad na sina Angelica Paula Trinidad, Michael James Moraga, Lhenard Echon, Kyle Delino, Akira Dizon, SK secretary Dex Pante at SK Editor Aaron Trinidad naging maayos ang pagdaraos ng ating Libreng TDC at murang medical para sa student permit.

Maraming salamat Camaligueño 🤍💚🤍💚

Punta na po tayo sa mga nagpalista 💚🤍💚
26/03/2026

Punta na po tayo sa mga nagpalista 💚🤍💚

MAHALAGANG ANUNSYO‼️‼️‼️Para sa mga nakapag register sa ating programa.FREE TDC Collab project ng SK Camalig at LTO may ...
20/03/2026

MAHALAGANG ANUNSYO‼️‼️‼️
Para sa mga nakapag register sa ating programa.

FREE TDC Collab project ng SK Camalig at LTO may nagbago ang schedule.

Ang schedule ng ating Libreng Theoretical Driving Course at murang Medical para sa student permit ay gaganapin na sa MARCH 26 -27, 2026, Huwebes at Biyernes alas otso ng umaga, sa covered court ng ating barangay.

Manatiling updated Camaligueño!

ANNOUNCEMENT ‼️‼️‼️Puno na po ang ating mga SLOTS for our FREE TDC or Theoretical Driving Course on March 27 to 28, 2026...
18/03/2026

ANNOUNCEMENT ‼️‼️‼️

Puno na po ang ating mga SLOTS for our FREE TDC or Theoretical Driving Course on March 27 to 28, 2026.

“NOTE: All registrants will be validated. Please wait for further announcements.”

Maraming salamat po Camaligueño

💚🤍💚🤍

Hello CAMALIGUEÑO 🙂Narito na ang inaabangan ninyong Libreng Theoretical Driving Course handog ng Land Transportation Off...
18/03/2026

Hello CAMALIGUEÑO 🙂

Narito na ang inaabangan ninyong Libreng Theoretical Driving Course handog ng Land Transportation Office at ng Sangguniang kabataan ng Barangay Camalig. 💚🤍💚🤍

Ito ay para sa mga mamamayan ng Barangay Camalig na nais kumuha ng Student's License. Kasama ng Libreng TDC na ito ay ang murang license fee at Medical para sa ating mga kabarangay.

📝 Mga dapat tandaan:
▫️Mag register sa pamamagitan ng pag direct message dito sa ating official page.
▫️ito ay para lamang sa mga residente ng Barangay Camalig.
▫️Magdala ng anumang Government ID o Birth Certificate sa araw ng event.

📝 Mahalagang Paalala:
▫️Para po sa mga 16-anyos ay kailangan ng parent consent at photocopy ng Government ID ng magulang na may tatlong pirma.

Ito ay gaganapin sa March 27 - 28, 2026 sa Covered Court ng ating Barangay.

▫️200 SLOTS ONLY ‼️‼️‼️
Kaya pm na Camaligueño

17/03/2026

👀🔜

"Maliwanag na Ngiti, Malusog na Pamumuhay"Enero 13, 2026 ginanap ang ORAL and Dental Health AWARENESS program ng Sanggun...
13/01/2026

"Maliwanag na Ngiti, Malusog na Pamumuhay"

Enero 13, 2026 ginanap ang ORAL and Dental Health AWARENESS program ng Sangguniang kabataan ng Barangay Camalig katuwang ang MCsmile Dental Clinic.

Pinangunahan ni Dra. Marivic Cimafranca Sanchez-Bejar isang License Dentist ang nasabing oryentasyon kung saan sila ay nagkaloob ng tatlong benepisyaryo na mabibigyan ng libreng serbisyo.

Samantala, pinagkalooban ni SK Chairperson Gelo San Pascual at ng Sangguniang kabataan ang mga hindi nabunot sa palabunutan kaya naman walang umuwing luhaan dahil ang bawat isa ay mapagkakalooban ng serbisyong dental.

Sa ilalim ng Komite ng Pangkalusugan na pinangungunahan ni SK Kagawad Akira Dizon, naging matagumpay ang nasabing programa.

Ang bawat isa ay magkakaroon ng maliwanag na ngiti, para sa mas maganda at mas malusog na pamumuhay 🦷🦷🦷🤍💚🤍

Disyembre 30, 2025Buwanang SesyonGinanap ang buwanang sesyon para sa buwan ng Disyembre nitong Disyembre 30, 2025 sa bul...
13/01/2026

Disyembre 30, 2025

Buwanang Sesyon

Ginanap ang buwanang sesyon para sa buwan ng Disyembre nitong Disyembre 30, 2025 sa bulwagan ng Barangay ganap na ika-9 ng umaga.

Napag usapan ang Katipunan ng Kabataan at mga planong programa para sa darating na taong 2026.

Ito ay pinangunahan ni SK Chairperson Gelo San Pascual kasama ng kanyang mga kagawad na sina Angelica Paula Trinidad, Michael James Moraga, Jandel La Guardia Donato, Lhenard Echon, Kyle Delino at Chase Carillo.

Address

Meycauayan

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Barangay Camalig Meycauayan City, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share