07/10/2026
FAMILY PLANNING OUTREACH
Inaanyayahan ang ating mga kababaihan na samantalahin ang Family Planning Outreach ng City Health Unit I para sa mga nais magpa implant insertion o removal.
Petsa: October 16, 2026
Oras: 8:00 AM hanggang 5:00 PM
Lugar: City Health Unit I, boundary ng Gasak at Bayugo
First come, first served!
Limited slots only.
Ang contraceptive implant ay isang ligtas at epektibong paraan ng family planning na nagbibigay ng pangmatagalang proteksyon laban sa hindi planadong pagbubuntis. Maliit itong flexible rod na inilalagay sa ilalim ng balat ng braso at unti unting naglalabas ng hormone upang maiwasan ang pagbubuntis.
Mga benepisyo ng implant:
β’ Lubos na epektibong paraan ng contraception
β’ Pangmatagalang proteksyon laban sa pagbubuntis
β’ Hindi kailangang uminom ng pills araw araw
β’ Maaaring alisin anumang oras kung nais nang magbuntis
β’ Reversible at maaaring bumalik ang fertility pagkatapos alisin
β’ Angkop para sa mga nais ng convenient at long term family planning method
Para sa mga interesado, mangyaring pumunta sa itinakdang lugar sa oras ng outreach. Limitado lamang ang slots, kaya first come, first served.
Planado at responsableng pamilya, mas matatag na kinabukasan!