18/06/2026
๐๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ค๐ฎ๐ง๐, ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ญ ๐๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐
๐๐จ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ-๐ข๐ข๐ณ๐ข๐ญ ๐ข๐ต ๐จ๐ถ๐ณ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ช๐ช๐ด๐ข ๐ด๐ข ๐ฆ๐ข๐ณ๐ต๐ฉ๐ฒ๐ถ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐ฅ๐ณ๐ช๐ญ๐ญ ๐ฃ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฉ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข ๐ด๐ข ๐ญ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ฐ๐ญ ๐ข๐ต ๐ช๐ฃ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ณ๐ฉ๐ฆ๐ฏ๐ด๐ช๐บ๐ข.
Balita nina: Athea Borondia at Jasmin Sofocado
Matagumpay na isinagawa ng Meycauayan West Central Integrated School (MWCIS), katuwang ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) Meycauayan Rescue, ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Hunyo 18, 2026, ganap na alas-9 ng umaga, bilang bahagi ng pagpapalakas ng kahandaan ng komunidad ng paaralan sa panahon ng sakuna.
Pinangunahan nina G. Jerick Q. De Guzman at Dr. Edgar Allan R. Calora ang naturang aktibidad, katuwang ang mga g**o at kawani ng paaralan upang matiyak ang maayos, maayos, at ligtas na pagsasagawa ng drill.
Sa unang warning signal, nanatili sa loob ng mga silid-aralan ang mga mag-aaral at g**o upang isagawa ang wastong โDuck, Cover, and Holdโ procedure. Pagsapit ng ikalawang signal, maayos na lumikas ang mga mag-aaral mula sa Elementarya hanggang sa AM shift ng Junior High School, kabilang ang mga nasa Grade 8 at Grade 10, sa gabay ng kanilang mga g**o.
Matapos ang paglikas, nagtungo ang mga mag-aaral at g**o sa field ng paaralan na nagsilbing evacuation area ng MWCIS. Dito isinagawa ang mga susunod na bahagi ng drill dahil mas ligtas ang lugar at malayo sa mga gusali, puno, at iba pang estrukturang maaaring pagmulan ng debris sakaling magkaroon ng lindol.
Sinubaybayan at sinuri ang aktibidad ng mga kinatawan ng LDRRMO Meycauayan Rescue sa pangunguna ni Team Leader Rod Carlo Temblique. Nakiisa rin sa aktibidad ang mga Mother Leaders ng St. Francis Gasak, mga kawani ng City Hall, at ilang miyembro ng Sangguniang Kabataan.
Sa kasagsagan ng drill, dalawang mag-aaral mula Grade 8 ang nakaranas ng pagkahilo dahil sa matinding init ng panahon. Agad silang nabigyan ng paunang lunas at kinakailangang atensiyong medikal ng mga g**o at miyembro ng rescue team.
Matapos ang aktibidad, nagsagawa ng ebalwasyon ang LDRRMO at mga g**o upang talakayin ang mga dapat pang pagbutihin sa pagpapatupad ng mga emergency procedure. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng palagiang pagdadala ng pito at Student ID upang mapadali ang pagkilala at pagtukoy sa mga mag-aaral sakaling magkaroon ng emerhensiya.
Sa kabuuan, naging maayos at organisado ang pagsasagawa ng NSED sa MWCIS. Sa tulong ng mga g**o, kawani ng paaralan, at mga katuwang na ahensiya, natiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa buong proseso ng drill. Layunin ng naturang aktibidad na higit pang palakasin ang kahandaan, disiplina, at kamalayan ng komunidad ng paaralan sa tamang pagtugon sa mga sakuna at emerhensiya.