Office of the City Civil Registrar - City of Meycauayan, Bulacan

Office of the City Civil Registrar - City of Meycauayan, Bulacan Office of the City Civil Registrar
City of Meycauayan, Bulacan

MAHALAGANG PABATID
18/12/2025

MAHALAGANG PABATID

Suspendido ang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa 29 Disyembre 2025 (Lunes) at 2 Enero 2026 (Biyernes) para mabigyan ng oras ang mga kawani ng gobyerno na magdiwang ng Bagong Taon at makabiyahe nang ligtas.

Mananatiling bukas ang mga ahensiyang nagbibigay ng basic, vital, at health services, habang ang suspensyon ng trabaho sa mga pribadong kumpanya at opisina ay nakadepende sa desisyon ng kanilang pamunuan.

Para sa inyong kaalaman :
18/12/2025

Para sa inyong kaalaman :

𝑷𝒂𝒃𝒂𝒕𝒊𝒅 𝒔𝒂 𝑷𝒖𝒃𝒍𝒊𝒌𝒐:

Bukas, Dec. 19, 2025, hanggang 4:00 ng hapon lamang ang mga tanggapan ng City Hall upang bigyang-daan ang pagdaraos ng Year-End Assembly ng mga kawani.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pang-unawa.

09/12/2025
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Gintong Kawayan Festival at 19th Cityhood Anniversary ng Lungsod ng Meycauayan ay mat...
08/12/2025

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Gintong Kawayan Festival at 19th Cityhood Anniversary ng Lungsod ng Meycauayan ay matagumpay na ginanap ang Kasalang Bayan 2025 noong Ika-8 ng Disyembre, 2025.

Maraming salamat po Mayor Henry R. Villarica at Congw. Linabelle Ruth R. Villarica sa patuloy na pagsuporta sa programang ito ng Lungsod ng Meycauayan.

Kay Vice Mayor Jojie Violago sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Konsehal Atty. Lara Abracero, sa mga Konsehal at Punong Barangay at kay G. Boy Atienza maraming salamat po sa inyong pagdalo.

Taos puso po ang aming pasasalamat kay
G. Boy Atienza, G. Allan Oliquiano, Rev. Marcos C. Navales, Ganda's catering, at ang Heart and Soul Band.

Sa lahat po ng mga naging katuwang namin upang maisagawa ang programang ito maraming salamat po.

Congratulations and best wishes sa 81 couples na naging bahagi ng Kasalang Bayan 2025.

07/12/2025

MAHALAGANG PABATID!

Kami po ay humihingi ng paumanhin sa lahat ng couples na napabilang sa Kasalang Bayan. Hindi na po sa Kariktan ng Meycauayan Ecopark gaganapin ito bukas, Disyembre 8, 2025. Ang Kasalang Bayan po ay gaganapin na sa City of Meycauayan Convention Center sa Poblacion sa tabi ng St. Francis of Assisi Parish Church. Ang pagbabago po ng venue ay dahil na rin sa sama ng panahon na maaaring makaapekto sa gagawin nating seremonya. Kailangan po ay nasa Convention na kayo ng 8 to 8:30 am upang maihanda po kayo sa gagawin nating seremonya ng kasal. Wala na din pong service na inyong masasabayan dahil na rin po sa pagbabago ng venue.

Muli po ay humihingi po kami ng paumanhin sa inyong lahat. Gusto lang po namin masigurong magiging maayos ang lahat at magiging ligtas po kayo sa mahalagang araw sa buhay ninyo.

Pakicomment nyo na lamang po ang no. ninyo kung nabasa nyo na po ang aming mahalagang pabatid.

MARAMING SALAMAT PO.
Magkita kita po tayo lahat bukas.

Kasalang Bayan sa Kariktan 2025 Rehearsal/Orientation04 December 2025ctto📸 Palangga
04/12/2025

Kasalang Bayan sa Kariktan 2025
Rehearsal/Orientation
04 December 2025

ctto📸 Palangga

INFOGRAPHICS MAKING CONTEST28 November 2025Theme :  Right to be Counted:Civil Registration Data for Every Child's Well-b...
01/12/2025

INFOGRAPHICS MAKING CONTEST
28 November 2025
Theme : Right to be Counted:
Civil Registration Data for Every Child's Well-being

Sa pakikiisa sa pagdiriwang ng National Children's Month, ang Office of the City Civil Registrar kasama ang City Government of Meycauayan ay nagsagawa ng on-the-spot Infographics Making Contest na nilahukan ng 22 estudyante mula sa Public and Private Junior and Senior High School at 3 estudyante mula sa Polytechnic College of the City of Meycauayan.

Ang infographics making contest ay napapanahon dahil nililikha ng mga kalahok dito ang biswal na representasyon ng mga impormasyon o datos. Karaniwan itong gumagamit ng mga graphics, chart, at iba pang biswal na elemento upang ipakita ang impormasyon sa isang paraan na madaling maunawaan.

Congratulations!!!

Junior/Senior High School Level
1st Place PhP5,000.00
JEROME PACHECO
Meycauayan National High School
Coach : Francis Claire A. Roca

2nd Place PhP3,500.00
JUSTINE JAY U. OJANO
Academic Senior High School of the City of Meycauayan
Coach : Jeanilyn B. Laurio

3rd Place PhP2,000.00
JAN ERIC L. REVELO
Nazarenus College and Hospital Foundation, Inc.
Coach : Alvin Guache

College Level
1st Place PhP5,000.00
VALERIE S. CUARTILLO
Polytechnic College of the City of Meycauayan
Coach : Ruel M. Ros

2nd Place PhP3,500.00
GENINE HARBHIE N. GALUTERA
Polytechnic College of the City of Meycauayan
Coach : Ruel M. Ros

3rd Place PhP2,000.00
ALDESA MAE M. ZAMORA
Polytechnic College of the City of Meycauayan
Coach : Michael C. Cariaga, MaED, LPT, CRP

Consolation Prize : PhP500.00 each

Maraming salamat sa lahat na naging kabahagi ng tagumpay ng programa naming ito lalo na kay Ma'am Vilma Rupac, City Social Welfare and Development Officer, na patuloy kaming sinusuportahan sa aming mga programa sa pamamagitan ng Local Council for the Protection of Children (LCPC).

30/11/2025

PABATID SA MGA MEYCAUEÑOS NA KABILANG SA KASALANG BAYAN SA KARIKTAN :

Ang rehearsal at orientation po ay gaganapin sa Huwebes, ika-4 ng Disyembre, 2025 sa Kariktan ng Meycauayan Ecopark, Pajo, Meycauayan City, Bulacan.

Maaari po kayong magsuot ng terno (couple twinning outfit) o kung anumang magandang kasuotan kung nais ninyong kumuha ng litrato ninyo na ang background ay ang magandang tanawin sa Kariktan Ecopark. Pwede na ring magsilbi nyo itong Prenup Photoshoot.

Sa mga nais sumabay sa libreng sakay papunta sa Kariktan Ecopark ay magpunta lamang kayo sa aming tanggapan sa cityhall Saluysoy sa Huwebes, sa ganap na Ika 7:30 ng umaga. Hanggang 8:00 ng umaga po namin kayo hihintayin dahil aalis ng saktong 8:00 ang maghahatid sa atin sa Kariktan Ecopark. At sa mga nakatira malapit na sa Kariktan Ecopark ay dumiretso na lamang doon ng Ika 8:30 ng umaga. Magkita kita na lamang po tayo doon.

Mangyari lamang pong ilagay ninyo sa comment ang inyong numero nung nag apply kayo at sabihin ninyo kung sasabay kayo sa amin sa pagpunta sa Kariktan ng Meycauayan Ecopark para amin kayong mailista.

MARAMING SALAMAT PO.

REHISTRADO NA AKO!FREE REGISTRATION OF BIRTHWeek 4 (November 24 and 25, 2025)Brgy. BANCAL, LONGOS and GASAKSpecial Thank...
30/11/2025

REHISTRADO NA AKO!

FREE REGISTRATION OF BIRTH
Week 4 (November 24 and 25, 2025)

Brgy. BANCAL, LONGOS and GASAK

Special Thanks to Sir Rafael T. Balagtas III of PSA Bulacan, Sir John Heidel Raquel and Sir Bernard Celestino of Philsys Bulacan.

MAHALAGANG PABATID PARA SA MGA MEYCAUEÑOS 📢📢📢Ngayong araw, November 28, 2025 na po ang deadline ng pagpapasa ng inyong m...
27/11/2025

MAHALAGANG PABATID PARA SA MGA MEYCAUEÑOS 📢📢📢

Ngayong araw, November 28, 2025 na po ang deadline ng pagpapasa ng inyong mga application para sa Kasalang Bayan sa Kariktan. Magsadya na po kayo sa aming tanggapan na matatagpuan sa 1st Flr. City Hall Saluysoy, Meycauayan City, Bulacan. Pumunta kayo ng inyong partner dala ang kumpletong requirements.

Maraming salamat po.

MAHALAGANG PABATID!!!Dahil sa mga Meycaueños na gusto pang humabol at sumali sa KASALANG BAYAN sa KARIKTAN ay amin pong ...
23/11/2025

MAHALAGANG PABATID!!!

Dahil sa mga Meycaueños na gusto pang humabol at sumali sa KASALANG BAYAN sa KARIKTAN ay amin pong ine extend ang pagpapasa ng inyong mga application hanggang Biyernes, ika-28 ng Nobyembre, 2025. Magsadya na po kayo sa aming tanggapan na matatagpuan sa 1st Flr. City Hall Saluysoy, Meycauayan City, Bulacan. Pumunta kayo ng inyong partner dala ang kumpletong requirements.

Maraming salamat po.

Address

Mc Arthur Highway, Brgy. Saluysoy
Meycauayan
3020

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the City Civil Registrar - City of Meycauayan, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share