02/06/2026
๐๐๐ง๐ญ๐๐ฒ ๐๐ฅ๐๐ญ ๐๐๐ง๐๐ก๐จ๐ง: ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฅ๐ข๐ฐ๐๐ง๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐ ๐ง๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ญ, ๐๐ฅ ๐๐ขรฑ๐จ, ๐๐ญ ๐๐๐๐ญ ๐๐ง๐๐๐ฑ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ญ๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐จ-๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐จ๐ง
Sa gitna ng nararanasang matinding sikat ng araw na sinasabayan ng biglaang pagbuhos ng ulan sa hapon, patuloy na pinaiigting ng Department of Science and Technology Ilocos Region (DOST Ilocos Region) ang pagbibigay ng mga napapanahong impormasyon ukol sa lagay ng panahon at klima sa bansa. Bilang tugon sa mga katanungan ng publiko matapos ang Episode 8 ng Tekno PreSyensya, muling naghatid ang ahensya ng talakayan sa pamamagitan ng Episode 10 na pinamagatang โBantay Ulat Panahon: Habagat-El Niรฑo Outlook and Heat Index Monitoring.โ Tampok muli sa programa si Engr. Mark Louie A. Vergara, Weather Specialist II ng Northern Luzon-West Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), na nagbigay-linaw sa kasalukuyang lagay ng panahon at mga inaasahang pagbabago sa mga susunod na buwan.
Ipinaliwanag ni Engr. Vergara na nananatiling nasa neutral condition ang bansa, ngunit may mataas na posibilidad na mabuo ang isang malakas na El Niรฑo sa pagitan ng Hunyo hanggang Agosto at maaaring magpatuloy hanggang unang bahagi ng 2027. Binigyang-diin ni Engr. Vergara na isang malaking maling akala na ang nararanasang init ngayon ay bunsod na ng El Niรฑo; sa katunayan, ang simula ng phenomenon na ito ay posibleng magdala muna ng mas maraming pag-ulan at mas matitinding bagyo sa kanlurang bahagi ng bansa dahil sa paglakas ng hanging habagat na hihilahin nito, bago tuluyang maranasan ang tagtuyot sa pagtatapos ng taon.
Kaugnay nito, binigyang-pansin din sa talakayan ang Bagyong Jiangmi (Bagyong Domeng sa kasalukuyan), na bagamat hindi direktang magla-landfall ay nagsisilbing isa sa mga mitsa para sa opisyal na pagpasok ng tag-ulan dahil sa paghila nito sa hanging habagat. Ang transisyong ito ang dahilan sa kasalukuyang nararanasang panaka-naka hanggang sa malalakas na pag-ulan sa hapon sa ibang lugar sa rehiyon, na dulot ng mga localized thunderstorms sa gitna ng matinding init na nararanasan tuwing umaga at tanghali.
Tinalakay rin sa episode ang konsepto ng heat index o โdamang init,โ na tumutukoy sa init na nararamdaman ng katawan batay sa kombinasyon ng temperatura at relative humidity o halumigmig (dami ng singaw ng tubig sa hangin). Binigyang-paalala ang publiko hinggil sa mga posibleng epekto ng matinding init at pagbabago ng panahon sa agrikultura, tulad ng stress sa mga pananim at alagang hayop, gayundin sa kabuhayan at kalusugan, kabilang ang peligro ng heat stress, heat exhaustion, at heat stroke, lalo na sa mga manggagawang nasa labas tulad ng magsasaka, street sweepers, traffic enforcers, at construction workers.
Bilang praktikal na paghahanda sa mga tahanan, payo ni Engr. Vergara na buksan ang mga magkakatapat na bintana para sa maayos na airflow, at nagbabala na ang paggamit ng electric fan sa isang kulob na lugar ay maaari lamang magpaikot ng mainit na hangin kung walang tamang bentilasyon. Hinikayat din ang lahat na regular na subaybayan ang opisyal na heat index forecasts at weather advisories ng DOST-PAGASA upang makapaghanda nang maayos, at agad na tugunen ang anumang sintomas ng heat-related illnesses sa pamamagitan ng tamang pahinga, pag-inom ng sapat na tubig, at pag-iwas sa direktang sikat ng araw.
โMainit man o maulan sa gitna ng pabago-bagong panahon, ang pinakamahalaga ay ang pagkakaroon ng tamang impormasyon mula sa mga opisyal na mapagkukunan. Iwasan natin ang fake news at ugaliing maging handa sa lahat ng hamon ng panahonโiyan ang isa sa pinakamabisang proteksyon para sa ating mga kababayan,โ ayon kay Engr. Vergara.
Sa pamamagitan ng Tekno PreSyensya, patuloy na pinalalakas ng DOST Ilocos Region ang pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon tungkol sa panahon at klima upang labanan ang maling impormasyon sa digital platforms at mapanatili ang kaligtasan ng publiko gamit ang mga beripikadong ulat mula sa DOST-PAGASA.