14/05/2019
Minamahal naming MERCEDEÑOS
Maraming salamat po sa mahigit dalawang dekada ng pagbibigay tiwala sa PAJARILLO-LO upang kayo ay aming mapagsilbihan. Hiling po namin na suportahan ninyo ang bagong administrasyon tulad ng ibinigay ninyong pagsuporta sa amin upang mas maging maunlad pa ang bayan ng Mercedes at ang bawat Mercedeño. Iwaksi na po natin ang resulta ng politika, magkaisa po tayo para sa ating minamahal na bayan ng Mercedes.