06/05/2026
FREE ASSESSMENT SA MGA PERSON WITH DISABILITY ( PWD) , ISINAGAWA.
Matagumpay na naisagawa ang LIBRENG ASSESSMENT sa sampung (10) PWD mula sa ibat- ibang Barangay ng Mercedes na pinangasiwร an ng PBF Prosthesis and Brace Center sa tulong din ng Camarines Norte Provincial PDAO.
Lima (5) sa mga PWD na sumailalim sa Free Assessment ang posibleng makatanggap ng LIBRENG Hearing Aid samantala 5 naman ang posibleng makatanggap ng Artificial Legs (Prosthesis)
Ayon kay Ms. Jessa Mae Braga, PWD Focal Person na ang mga devices na maaaring matanggap ng mga qualified beneficiaries ay mag mumula sa tanggapan ng Pangulong Marcos.
Ang naging Free Assessment activity ay bilang tugon sa mga kahilingan ng ating mga persons with disability na nangangailangan ng assistive device.
Isinagawa ito Mayo 6, 2026 sa Brgy 2, Covered Court Daet Camarines Norte.
Ang aktuwal na pagkakaloob ng mga devices ay atin din pong ilalathala kapag meron na.