31/03/2026
𝐎𝐩𝐥𝐚𝐧: 𝐒𝐞𝐦𝐚𝐧𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐚 2026
Narito ang ilang mahalagang anunsyo na may kaugnayan sa mga magaganap na programa ng Parokya ni San Agustin sa darating na Semana Santa:
Abril 1 & 3 (𝗠𝗶𝘆𝗲𝗿𝗸𝘂𝗹𝗲𝘀 𝗮𝘁 𝗕𝗶𝘆𝗲𝗿𝗻𝗲𝘀)
- Asahan ang mabigat na daloy na trapiko sa lugar ng Poblacion mula ika-5:00 ng hapon hanggang ika-10:00 ng gabi;
Abril 3 (𝗕𝗶𝘆𝗲𝗿𝗻𝗲𝘀)
- Asahan ang bahagyang pagbagal ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng J.P. Rizal Street mula ika-5:00 hanggang ika-7:00 ng umaga.
Nagtayo rin ng “Lakbay Alalay” booth sa harap ng simbahan kung saan magtatalaga ng mga kawani mula sa MDRRMO, Mendez Traffic Management Group, Mendez BFP at Mendez PNP upang magbigay ng tulong at paunang lunas sa mga emergency.
Kaisa po ang Lokal na Pamahalaan sa pagnanais na magkaroon ng ligtas, makabuluhan at mapayapang pagdiriwang ng Semana Santa para sa ating mga kapamilyang Mendezeño.