01/06/2026
Ngayong umaga, Hunyo 1, 2026, ay isinagawa ang Opisyal na Pagbubukas ng Brigada Eskwela 2026 sa Mendez Town Covered Court, kasabay ng lingguhang pagtataas ng Watawat ng Pilipinas, na may temang "Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman."
Dinaluhan ito ng mga g**o, magulang, mga mag-aaral, at iba pang mga stakeholder na nagkaisang makibahagi sa paghahanda ng mga paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Vice Mayor Raygan na taon-taon ay pinatutunayan ng Brigada Eskwela na ang edukasyon ng kabataan ay hindi lamang responsibilidad ng paaralan kundi ng buong komunidad. Aniya, sa pagsisimula nito ngayong araw, sama-sama tayong tutulong para sa ikabubuti ng ating mga mag-aaral at ng ating mga paaralan. Ang pakikiisa at pagtutulungan ng bawat isa ay mahalaga upang matiyak ang maayos, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran para sa pagkatuto.
Dagdag pa niya na ang Sangguniang Bayan ay laging handang umalalay at sumuporta sa mga programa at pangangailangan ng mga paaralan bilang katuwang sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon at kapakanan ng mga kabataan sa bayan ng Mendez.