17/08/2026
PATULOY ANG SEARCH AND RETRIEVAL OPERATION PARA KAY PRINCE NOAH ABENES
Noong Agosto 16, 2026, matapos i-report sa LDRRM Office ng Mayantoc ang insidente ng pagkalunod sa Brgy. Labney, Mayantoc, agad na rumesponde ang ating team sa liderato ni Sor Michael N. Corpuz at ng Brgy Captain ng Kabney, Kap Baun, upang magsagawa ng search and rescue operation. Sa kabila ng agarang paghahanap, hindi pa rin natagpuan ang biktima.
Ngayong araw, Agosto 17, pinangunahan ni Mayor Iluminado E. Pobre Jr., bilang Chairman ng LDRRMC, ang pagpupulong kasama ang DILG, PNP, BFP, LDRRM Officer sa pangunguna ni LDRRM Head Michael Corpuz, at ang Brgy. Captain ng Labney, upang pag-usapan ang susunod na hakbang para sa patuloy na search and retrieval operation.
Muling nagsagawa ng operasyon ngayong hapon ang search and rescue team kasama ang Search and Rescue Unit ng BFP Tarlac Province. under rhe batoon of SIr Dave Busto, BFP Mayantoc , Nagpatuloy ang paghahanap hanggang sa paglubog ng araw, ngunit sa kasamaang-palad ay hindi pa rin nakita si Prince Noah Abenes.
Bukas, muling magpapatuloy ang operasyon sa pag-asang matagpuan na si Prince.
Sa lahat ng aming kababayan, patuloy po nating ipagdasal na matagpuan si Prince Noah at maiuwi na sa kanyang pamilya. 🙏
At sa lahat ng rescuers, responders, at volunteers na patuloy na tumutulong sa paghahanap, maraming salamat sa inyong tapang, sakripisyo, at malasakit. Nawa’y patuloy kayong gabayan at panatilihing ligtas habang ginagampanan ninyo ang inyong tungkulin.
Patuloy ang paghahanap. Patuloy ang pag-asa. 🙏