07/10/2026
๐ Mrs. Caring
Mga ka-4Ps, ngayong National Indigenous Peoples Month, kaisa ang 4Ps sa pagkilala at paggalang sa kultura, karapatan, at pagkakakilanlan ng ating Indigenous Peoples (IP) communities.
Ngayong taon, ipinagdiriwang natin ito sa temang โEmpowering Indigenous Peoples: Strengthening Rights, Culture and Ancestral Domains.โ
๐ฌ TANONG KAY MRS. CARING
โMrs. Caring, paano po nakatutulong ang 4Ps sa pagsusulong at pagprotekta sa kapakanan ng ating mga katutubong pamilya?โ
Sagot ni Mrs. Caring:
Mahalaga sa 4Ps na ang mga serbisyo para sa ating IP families ay angkop sa kanilang kultura, kalagayan, at pangangailangan. Kaya sa pamamagitan ng Pantawid Pamilya Indigenous Peoples Framework (PPIPF), patuloy na pinalalakas ang paraan ng pagpapatupad ng programa upang mas marinig ang boses ng mga katutubo at mas maging angkop sa kanilang mga komunidad ang mga serbisyo ng 4Ps.
Kabilang dito ang patuloy na profiling at validation ng IP families, pati ang pakikipag-ugnayan sa IP Parent Leaders, tribal leaders, Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMRs), at iba pang kinatawan ng komunidad.
Sa unang semestre ng 2026, mahigit 260,000 IP families na ang na-profile ng mga Field Offices bilang bahagi ng national monitoring at profiling activities.
Mahalaga ang mga hakbang na ito dahil mas nakikilala natin ang kalagayan at pangangailangan ng mga IP families. Sa pamamagitan din ng community consultations, localized communication and advocacy, case management, at pakikipagtulungan sa mga partner agencies, mas naiaangkop ang suporta ng 4Ps at mas nabibigyan ng pagkakataon ang mga IP families na makilahok sa mga usaping may epekto sa kanilang kapakanan.
Makikita rin ito sa Family Development Sessions o FDS, kung saan nagkakaroon ng pagkakataon ang mga pamilya na matuto at magbahagi ng kanilang karanasan tungkol sa kalusugan, edukasyon, pagiging magulang, karapatan, at iba pang mahahalagang usapin. Para sa ating IP families, mahalagang ang mga talakayang ito ay isinasaalang-alang ang kanilang kultura, paraan ng pamumuhay, at kalagayan.
Dahil ang pagprotekta sa kapakanan ng ating Indigenous Peoples ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng serbisyo. Kasama rito ang pakikinig sa kanilang boses, paggalang sa kanilang kultura, at pagbibigay sa kanila ng pagkakataong makilahok at makatulong sa paghubog ng kanilang sariling kinabukasan.
Sa 4Ps, kasama ang ating Indigenous Peoples sa pagbuo ng mas matatag, makatarungan, at maliwanag na kinabukasanโnang hindi isinasantabi ang kanilang kultura, karapatan, at pagkakakilanlan.
Mabuhay ang mga katutubong 4Ps! Mabuhay ang pamilyang 4Ps!