FITS Center Mauban,Quezon - Office of the Municipal Agriculturist

FITS Center Mauban,Quezon - Office of the Municipal Agriculturist FITS Center Mauban allows farmers to have access to information and modern agricultural procedures

๐Š๐š-๐€๐ ๐ซ๐ข-๐Š๐จ๐ง๐ž๐ค: ๐”๐ ๐ง๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐“๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐ŸคMatagumpay na naisagawa ang Ka-Agri-Konek: Ugnayan ng Tanggapan at Bara...
30/03/2026

๐Š๐š-๐€๐ ๐ซ๐ข-๐Š๐จ๐ง๐ž๐ค: ๐”๐ ๐ง๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐“๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐Ÿค

Matagumpay na naisagawa ang Ka-Agri-Konek: Ugnayan ng Tanggapan at Barangay, isang inisyatiba na naglalayong mailapit at maihatid sa mga magsasaka at mangingisda ang mga programa at serbisyong pang-agrikultura ng Tanggapan ng Pambayang Agrikulturist sa pangunguna ni G. Werner S. Decena. Kabilang dito ang panayam at pagpaparehistro para sa RSBSA, NCFRS, at PCIC Insurance upang masiguro ang sapat na suporta, proteksyon, at benepisyo para sa sektor ng agrikultura.
Isinagawa ang aktibidad sa sumusunod na barangay:

March 26, 2026 | Ka-Agri-Konek at Barangay Sta. Lucia

Ang ganitong mga gawain ay buong pusong sinusuportahan ng Punong Bayan Erwin Pastrana , Pangalawang Punong Bayan Alween Manaog Sardea , at ng Komite sa Agrikultura sa pangunguna ni Konsehal Michael Diasanta, bilang patunay ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lokal na palakasin ang kabuhayan at kapakanan ng ating mga magsasaka at mangingisda. ๐ŸŒพ๐ŸŸ

๐’๐ˆ๐“๐„ ๐•๐€๐‹๐ˆ๐ƒ๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ž๐… ๐๐‘๐Ž๐๐Ž๐’๐„๐ƒ ๐‚๐Ž๐‘๐ ๐“๐„๐‚๐‡๐๐Ž ๐ƒ๐„๐Œ๐Ž ๐€๐‘๐„๐€ ๐ฅ ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Isinagawa ang site validation ng proposed corn techno ...
30/03/2026

๐’๐ˆ๐“๐„ ๐•๐€๐‹๐ˆ๐ƒ๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ž๐… ๐๐‘๐Ž๐๐Ž๐’๐„๐ƒ ๐‚๐Ž๐‘๐ ๐“๐„๐‚๐‡๐๐Ž ๐ƒ๐„๐Œ๐Ž ๐€๐‘๐„๐€ ๐ฅ ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Isinagawa ang site validation ng proposed corn techno demo area sa Brgy. San Isidro, kasabay ang pagsukat ng nasabing lugar na paglalagyan ng pagtataniman ng bagong hybrid variety ng mais.

Layunin ng gawaing ito na matiyak ang kaangkupan ng lugar para sa techno demo, maipakita ang epekto ng makabagong teknolohiya at hybrid varieties, at mapalakas ang produksyon ng mais sa pamamagitan ng tamang pamamaraan ng pagtatanim. Inaasahan din na magsisilbi itong modelo at gabay para sa mga magsasaka sa komunidad upang mapabuti ang kanilang ani at kita.

Ang aktibidad na ito ay isinagawa sa pangunguna ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor bilang bahagi ng patuloy na suporta sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura.

๐๐š๐ค๐š๐Ž๐ง๐ž ๐Œ๐š๐ฎ๐›๐š๐ง: ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ซ๐จ๐ฏ๐ž ๐๐ฅ๐š๐ง๐ญ๐ข๐ง๐  ๐€๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ ๐ฅ ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Nakilahok ang mga kawani ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor...
30/03/2026

๐๐š๐ค๐š๐Ž๐ง๐ž ๐Œ๐š๐ฎ๐›๐š๐ง: ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ซ๐จ๐ฏ๐ž ๐๐ฅ๐š๐ง๐ญ๐ข๐ง๐  ๐€๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ ๐ฅ ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Nakilahok ang mga kawani ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa proyektong pangkalikasan ng Menro Mauban na pagtatanim ng bakawan na isinagawa sa dulo ng Pansacola St., Brgy. Bagong Bayan.

Layunin ng gawaing ito na mapangalagaan at mapanatili ang ating mga baybaying-dagat at protekyon sa malalakas na alon, gayundin ang pagbibigay-proteksyon sa yamang-dagat at mga komunidad na umaasa rito bilang suporta din sa pangmatagalang kabuhayan ng ating mga mangingisda at magsasaka.

Ang ganitong mga inisyatibo ay patunay ng patuloy na pakikiisa ng ating tanggapan sa mga programang pangkalikasan at pangkabuhayan para sa kapakinabangan ng buong komunidad.

๐€๐๐€๐‚๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐€๐”๐๐€๐ ๐ฅ ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Matapos ang koleksyon ng sample ng Abaca sa Brgy. Cagsiay III ay ipinakita ni M...
30/03/2026

๐€๐๐€๐‚๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐€๐”๐๐€๐ ๐ฅ ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Matapos ang koleksyon ng sample ng Abaca sa Brgy. Cagsiay III ay ipinakita ni Municipal Agriculturist Werner S. Decena ang ating produkto sa mga prospective buyers mula sa pribadong kumpanya. Isang mahalagang hakbang sa pagbubukas ng mas malawak na oportunidad sa merkado at pagtitiyak na ang pinaghirapang ani ng ating mga magsasaka ay nagiging tunay na kita.

Layunin ng aktibidad na ito na maipakita ang kalidad at potensyal ng abaca bilang isang matibay at napapanatiling pinagkukunan ng kabuhayan, habang pinapalakas ang ugnayan sa mga mamimili at merkado.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Chairman on Food and Agriculture Councilor Michael Diasanta, Mr. Edwin Caramoan mula sa Office of the Mayor, gayundin sina Edmar Elorita (PhilFIDA), Ricardo G. Venzon Jr., at Julie Ann S. Vernon mula sa Abacatek bilang suporta sa patuloy na pag-unlad ng sektor ng agrikultura.

Ang ganitong mga gawain ay buong pusong sinusuportahan ng Punong Bayan Ninong Erwin Pastrana at Pangalawang Punong Bayan Alween Manaog Sardea

๐Œ๐จ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ ๐€๐›๐š๐œ๐š ๐š๐ง๐ ๐’๐จ๐ฅ๐š๐ซ ๐–๐š๐ญ๐ž๐ซ ๐’๐จ๐ฎ๐ซ๐œ๐ž ๐š๐ญ ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐‚๐š๐ ๐ฌ๐ข๐š๐ฒ ๐ˆ๐ˆ๐ˆ ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ•-๐Ÿ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Pinangunahan ng Tanggapan ng Pambayang ...
30/03/2026

๐Œ๐จ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ ๐€๐›๐š๐œ๐š ๐š๐ง๐ ๐’๐จ๐ฅ๐š๐ซ ๐–๐š๐ญ๐ž๐ซ ๐’๐จ๐ฎ๐ซ๐œ๐ž ๐š๐ญ ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐‚๐š๐ ๐ฌ๐ข๐š๐ฒ ๐ˆ๐ˆ๐ˆ ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ•-๐Ÿ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Pinangunahan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa Pamumuno ni Municipal Agriculturist - Werner S. Decena ang assessment at monitoring ng hindi nagagamit na solar water source para sa inaasahang pagkukumpuni at muling pagpapatakbo nito. Layunin ng gawaing ito na maibalik sa maayos na kondisyon ang nasabing sistema upang matiyak ang tuloy-tuloy, sapat, at maaasahang suplay ng tubig na makatutulong sa pagpapalakas ng produksyon, pagpapabuti ng ani, at patuloy na pagsuporta sa kabuhayan ng ating mga magsasaka.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng monitoring at pagkuha ng sample ng abaca para sa PhilFIDA upang masuri ang kalidad nito at matiyak na naaayon sa pamantayan, bilang suporta sa pagpapabuti ng produksyon at pag kakaroon ng kita ng mga magsasaka ng abaca. Isinagawa ito sa Sitio Kalabintian Cagsiay III Mauban, Quezon.

Patuloy ang ating pagtutok upang masigurong napapakinabangan ang mga proyekto para sa sektor ng agrikultura, katuwang ang adbokasiya ng ating Punong Bayan Ninong Erwin Pastrana , Pagalwang Punong Bayan Alween Manaog Sardea at Komitiba sa Agrikultura Kons. Michael Diasanta.

๐Š๐š-๐€๐ ๐ซ๐ข-๐Š๐จ๐ง๐ž๐ค: ๐”๐ ๐ง๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐“๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐ŸคMatagumpay na naisagawa ang Ka-Agri-Konek: Ugnayan ng Tanggapan at Bara...
23/03/2026

๐Š๐š-๐€๐ ๐ซ๐ข-๐Š๐จ๐ง๐ž๐ค: ๐”๐ ๐ง๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐“๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐Ÿค

Matagumpay na naisagawa ang Ka-Agri-Konek: Ugnayan ng Tanggapan at Barangay, isang inisyatiba na naglalayong mailapit at maihatid sa mga magsasaka at mangingisda ang mga programa at serbisyong pang-agrikultura ng Tanggapan ng Pambayang Agrikulturist sa pangunguna ni G. Werner S. Decena. Kabilang dito ang panayam at pagpaparehistro para sa RSBSA, NCFRS, at PCIC Insurance upang masiguro ang sapat na suporta, proteksyon, at benepisyo para sa sektor ng agrikultura.

Isinagawa ang aktibidad sa mga sumusunod na barangay:

March 4, 2026 | Ka-Agri-Konek at Barangay Liwayway
March 5, 2026 | Ka-Agri-Konek at Brgy.Remedios I
March 6, 2026 | Ka-Agri Konek at Brgy. Remedios II
March 12,2026 | Ka-Agri Konek at Brgy. Tapucan
March 13,2026 | Ka-Agri Konek at Brgy. Luya-luya
March 13, 2026 | Ka-Agri-Konek at Brgy. San Gabriel

Ang ganitong mga gawain ay buong pusong sinusuportahan ng Punong Bayan Ninong Erwin Pastrana , Pangalawang Punong Bayan Alween Manaog Sardea , at ng Komite sa Agrikultura sa pangunguna ni Konsehal Michael Diasanta, bilang patunay ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lokal na palakasin ang kabuhayan at kapakanan ng ating mga magsasaka at mangingisda. ๐ŸŒพ๐ŸŸ

16/03/2026

๐Ÿ“ข ๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Ipinababatid po ng Pamahalaang Lokal ng Mauban na pansamantalang isususpinde ang Compressed Workweek at ipatutupad ang 4-day 8:00 AM - 5:00 PM normal operations sa mga tanggapan ng Pamahalaang Lokal ng Mauban mula March 16โ€“19, 2026 (Lunes hanggang Huwebes).

Samantala, ang March 20, 2026 (Biyernes) ay idineklara bilang Regular Holiday kaugnay ng pagdiriwang ng Eidโ€™l Fitr.

Gayunpaman, ang mga tanggapan na may pangunahing tungkulin sa serbisyong pangkalusugan, tanggapan na may kinalaman sa pagtugon sa sakuna at kalamidad ay magpapatuloy sa kanilang regular na operasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa ating mga mamamayan.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa.

๐ƒ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐‚๐จ๐ฆ๐›๐ข๐ง๐ž ๐‡๐š๐ซ๐ฏ๐ž๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐š๐ญ ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ๐ฅ, ๐Œ๐š๐ฎ๐›๐š๐ง, ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง | ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Nagsagawa ng Demonstration of Combine...
16/03/2026

๐ƒ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐‚๐จ๐ฆ๐›๐ข๐ง๐ž ๐‡๐š๐ซ๐ฏ๐ž๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐š๐ญ ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ๐ฅ, ๐Œ๐š๐ฎ๐›๐š๐ง, ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง | ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Nagsagawa ng Demonstration of Combine Harvester sa Brgy. Santol, Mauban, Quezon katuwang ang DA-PhilRice kasama ang Tanggapan sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Officer-Werner S. Decena. Layunin ng aktibidad na ito na maipakita sa mga magsasaka ang paggamit ng makabagong makinarya na makatutulong upang mapabilis at mapabuti ang proseso ng pag-aani ng palay.

Dumalo at nakiisa sa nasabing demonstrasyon ang mga miyembro ng Brgy. Santol Rice Farmers Association at ang Mauban Rice Farmer Federation Members na nagkaroon ng pagkakataong makita at matutunan ang wastong paggamit ng combine harvester.

Kasama rin sa aktibidad ang mga mag-aaral mula sa Pambayang Kolehiyo ng Mauban na kumukuha ng kursong Bachelor of Technical-Vocational Teacher Education (Food & Services Mgt/Agricultural Crops Production) upang masaksihan at magkaroon ng kaalaman ang mga kabataan tungkol sa paggamit ng makabagong teknolohiya at makinarya sa sektor ng agrikultura.

Muli pasasalamat kay Cong. Mark Enverga sa pag susulong ng mga programang pang agrikultura ganun din sa Punong Bayan Mayor Ninong Erwin Pastrana at Pangalwang Punong Bayan Alween Manaog Sardea at Committe on Food and Agriculture Kons. Michael Diasanta.

๐Œ๐จ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐Œ๐ž๐š๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐•๐š๐ฅ๐ฎ๐ž ๐‚๐ซ๐จ๐ฉ๐ฌ ๐€๐ซ๐ž๐š๐ฌ ๐ฅ ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ’ ๐š๐ง๐ ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Nagsagawa ang Tanggapan ng Pambayang Agri...
16/03/2026

๐Œ๐จ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐Œ๐ž๐š๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐•๐š๐ฅ๐ฎ๐ž ๐‚๐ซ๐จ๐ฉ๐ฌ ๐€๐ซ๐ž๐š๐ฌ ๐ฅ ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ’ ๐š๐ง๐ ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Nagsagawa ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ng monitoring at pagsukat ng High Value Crops Area sa Brgy. San Vicente at Brgy. Concepcion. Layunin ng gawaing ito na makakalap ng tamang datos tungkol sa lawak at kasalukuyang estado ng mga taniman upang makapagbigay ng angkop na programa at mga kinakailangang agricultural inputs para sa mga nagtatanim ng gulay at iba pang high value crops.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, mas matutukoy ng tanggapan ang mga pangangailangan ng mga magsasaka at maipapatupad ang mga programang makatutulong sa pagpapalago ng kanilang produksyon.

Katuwang ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa gawaing ito ang mga opisyal at miyembro ng Samahan sa Industriya ng Paggugulayan (SIPAG) na patuloy na nakikipagtulungan upang mapaunlad ang sektor ng gulayan sa kanilang mga barangay.

๐•๐š๐ฅ๐ข๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐Œ๐š๐ฎ๐›๐š๐ง ๐‚๐จ๐ซ๐ง ๐†๐ซ๐จ๐ฐ๐ž๐ซ๐ฌ ๐€๐ฌ๐ฌ๐จ๐œ๐ข๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ซ๐จ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ž๐ ๐„๐ช๐ฎ๐ข๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐˜๐ž๐š๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ• | ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Nagsagawa ng ...
16/03/2026

๐•๐š๐ฅ๐ข๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐Œ๐š๐ฎ๐›๐š๐ง ๐‚๐จ๐ซ๐ง ๐†๐ซ๐จ๐ฐ๐ž๐ซ๐ฌ ๐€๐ฌ๐ฌ๐จ๐œ๐ข๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ซ๐จ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ž๐ ๐„๐ช๐ฎ๐ข๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐˜๐ž๐š๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ• | ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Nagsagawa ng validation ang Regional Agricultural Engineering Division (RAED) under Corn Banner Program sa Brgy. Lual Bo., Mauban, Quezon upang beripikahin ang samahan ng Mauban Corn Growers Association kung sila ay pasok sa pamantayan ng ahensya para mabigyan ng kapaki-pakinabang na kagamitan, tulad ng pump at engine, para sa taong 2027.

Layunin ng nasabing validation na masuri ang kakayahan at pangangailangan ng samahan upang matiyak na ang mga kagamitang ipagkakaloob ay makatutulong sa pagpapabuti ng kanilang produksyon sa pagsasaka ng mais.

Kabilang sa isinagawang validation ang pangulo ng samahan na si Pangulong Wilfredo Laurin at ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pamumuno ni Municipal Agriculturist Werner S. Decena, na patuloy na sumusuporta sa mga programa at proyektong pang-agrikultura para sa kapakanan ng mga magsasaka sa bayan ng Mauban.

Address

St. Buenaventure
Mauban
4330

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when FITS Center Mauban,Quezon - Office of the Municipal Agriculturist posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to FITS Center Mauban,Quezon - Office of the Municipal Agriculturist:

Share