17/06/2026
𝑨𝑵𝑮 𝑺𝑼𝑺𝑼𝑵𝑶𝑫 𝑴𝑶𝑵𝑮 𝑻𝑹𝑨𝑩𝑨𝑯𝑶, 𝑵𝑨𝑺𝑨 𝑴𝑨𝑼𝑩𝑨𝑵𝑶𝑮 𝑱𝑶𝑩 𝑭𝑨𝑰𝑹 2026 𝑵𝑨!!! 🎉
Mula sa lokal, pambansa, at maging internasyonal na oportunidad ay papalapit na ang 𝙋𝙄𝙉𝘼𝙆𝘼𝙈𝘼𝙇𝘼𝙆𝙄𝙉𝙂 𝙀𝙈𝙋𝙇𝙊𝙔𝙈𝙀𝙉𝙏 𝙀𝙑𝙀𝙉𝙏 𝙎𝘼 𝘽𝘼𝙔𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝙈𝘼𝙐𝘽𝘼𝙉 ngayong kapistahan.
📅 𝗝𝘂𝗹𝘆 𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲 (𝗙𝗿𝗶𝗱𝗮𝘆) 𝟴:𝟬𝟬𝗮𝗺 - 𝟱:𝟬𝟬𝗽𝗺
Mauban Gymnasium
Brgy. Rizaliana, Mauban Quezon
✅ 21 Local Companies
✅ 5 International Companies
na may libo-libong job opportunities ang inaasahang makakasama ngayong MAUBANOG JOB FAIR 2026!
Handog ito ng ating Mayor Ninong Erwin Pastrana kasama ang buong Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Alween Manaog Sardea para sa ating mga kababayan, at isang proyekto ng Public Employment Service Office (PESO) Mauban sa pamumuno ng kanilang Department Head na si Ms. Maricon Kaye Pastrana Arenas at ng Department of Labor and Employment Service Office.
✨ Huwag mawalan ng pag-asa. Ang isang aplikasyon ay maaaring maging simula ng bagong oportunidad, bagong kabuhayan, at mas magandang kinabukasan para sa iyo at sa iyong pamilya.
📄 LIBRENG RESUME PRINTING para sa mga jobseekers sa PESO Office! Dalhin lamang ang inyong soft copy ng resume upang maiprint at magamit sa pag-aapply sa darating na Maubanog Job Fair 2026.