Sanggunian ng Bagong Baao

Sanggunian ng Bagong Baao Mauban, Quezon

29/03/2026
BARANGAY ASSEMBLY DAY 2026Matagumpay na nairaos ang 1st Semester Barangay Assembly Day para sa taong 2026 na may temang ...
29/03/2026

BARANGAY ASSEMBLY DAY 2026

Matagumpay na nairaos ang 1st Semester Barangay Assembly Day para sa taong 2026 na may temang "Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran" ng Sanggunian ng Barangay Baao na ginanap kahapon, Marso 28, 2026, araw ng sabado sa ganap na ika-8:00 ng umaga.

Lubos na pasasalamat unang una sa ating Diyos na may Likha sa tagumpay ng programa na pinangunahan ng ating Sangguniang Barangay sa pamumuno ng ating butihing Punong Barangay, Russel Ricaro

Tinalakay ng ating Punong Barangay sa asembliya ang mga naisagawang programa at proyekto mula huling quarter ng taong 2025 hanggang unang quarter ng 2026. Tinalakay din ang mga ginagawang hakbangin ng Sangguniang Barangay para sa mas ikauunlad at ikaaayos ng ating Barangay.

Kasama sa tagumpay ng Asembliya ang ating mga miyembro ng pamunuan na sila Kgd. Angelo Encina, Kgd. Mario Labrada, Kgd. Palermo Gapasangra, Kgd. Anabelle Ojo, Kgd. Connie Monteverde, Kgd. Ryan Custodio at Kgd. Maria Ethel Ganacan at kanilang tinalakay ang mga Programa, Proyekto at Aktibidad na naimplement sa kani-kanilang hawak na Sitio at Komitiba. At ang bawat proyekto at programa para sa Barangay ay isinasagawa at ipinatutupad ng Pamunuan ng Barangay Baao nang may Pagtutulungan at Pagkakaisa.

Ipinahayag din ng ating Barangay Treasurer, Andrea Mae Diaz ang Status ng Pampinansyal sa Barangay. Kasama rin ang pagtatalakay ng ating Barangay Secretary, Salvacion Joan sa ating Barangay Compliance to Law and Issuances, pati na rin ang mga Resolusyon na isinusulong ng ating Sanggunian.

Inilahad din ng ating SK Chairperson, Adrian Banagan Baylon ang mga accomplishment ng mga programa at proyekto ng Sangguniang Kabataan, pati na rin ang mga isasagawa pang Programa, Proyekto at Aktibidad ngayong taon.

Nagsagawa din ng Public Hearing para sa isinusulong ng ating Sangguniang Kabataan Chairperson na Barangay Ordinance bilang 001 serye ng taong 2026.

Nagpahayag din ang mga Head ng Barangay Tanod- Rogelio Delos Santos, Head ng Barangay Health Workers- Marycelle Go, ang ating bagong appoint na Barangay Sanidad- Maygil Andaya, Barangay Nutrition Scholar- Razel Talaga, Pangulo ng 4K / Kababaihan- Kapitana Lyn Ricaro, Pangulo ng Senior Citizens Association Baao- Teresita Valencia, Pangulo ng Lawa at Bini- Pastor Roberto Pielago.

Maraming salamat din sa pagdalo ng mga mamamayan ng Barangay Baao, ika nga, kayo ang Bida dito. Salamat din sa pakikiisa ng mga Appointed Personnels ng Barangay na mga Brgy. Tanod, BHWs mga Lupon at iba pang mga sektor at NGOs.

Taos pusong pasasalamat din sa dumating nating mga bisita, na sila Kons. Michael Diasanta, Sec. Johnny Sangcap (Representative to Kons. Jenzo 'Asenso' Pastrana), Mr. Patrick Babilonia (Representative to the Vice Mayor's Office), at Ma'am Cherilyn Portes para sa kanilang Mensahe ng Suporta para sa ating asembliya.

CONGRATULATIONS sa tagumpay ng bawat isa!

25/03/2026

PALAALA: PARA SA LAHAT NG PET OWNERS SA MAUBAN! Handa na ba ang inyong mga furbabies para sa KAPON KARABAN 2026?
Good news, mga ka-Maubanin! Bukas ang ating programa para sa LAHAT NG BARANGAY. Kung hindi kayo nakapag-register online, huwag mag-alala dahil...

WALK-INS ARE WELCOME! Pumunta lamang nang maaga sa ating mga venue para masiguro ang inyong slot. Unahan sa 225 slots bawat araw!

SAAN AT KAILAN?

DAY 1: March 26, 2026 (Huwebes)
Brgy. Polo, Sitio Pilaway Multi-Purpose Covered Court
Simula 8:00 AM (Agahan para sa Walk-in!)

DAY 2: March 27, 2026 (Biyernes)
Brgy. Cagsiay 1 Brgy. Hall MRF
Simula 8:00 AM (Agahan para sa Walk-in!)

IMPORTANTENG PAALALA PARA SA WALK-IN:

Para siguradong maoperahan ang inyong alaga, sundin ang mga sumusunod:

STRICT FASTING: No food and water for 8-10 hours bago dalhin sa venue.

Magdala ng sariling cage/carrier (pusa) o leash/collar (a*o).

03/03/2026

Barangay Assembly Day = Araw ng Tanong, Suggestion, at Aksyon.

Hindi lang attendance β€” participation β€˜to.
May concern? May idea? May tanong?
Ito na ang tamang lugar para magsalita. πŸ’¬

Kung maingay ka online, mas kailangan ka sa Assembly.
See you! ✨

03/03/2026

Ito ay pagkakataon para makilahok, magtanong, at marinig ang boses mo.
Hindi lang ito compliance β€” ito ay citizen participation.

Kung may say ka online, mas may say ka dapat sa barangay. πŸ’¬
Participation is power. Kita-kits sa Assembly Day! ✨

Misa at Daang Krus sa 14 na IstasyonSalamat po Father at sa mga kasama Godbless πŸ™πŸ™πŸ™
20/02/2026

Misa at Daang Krus sa 14 na Istasyon

Salamat po Father at sa mga kasama
Godbless πŸ™πŸ™πŸ™

πŸ“’ PAUNAWA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY BAAO πŸ“’Ipinapaalam po namin sa lahat na may pagbabago sa layout ng ating mga baran...
05/02/2026

πŸ“’ PAUNAWA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY BAAO πŸ“’

Ipinapaalam po namin sa lahat na may pagbabago sa layout ng ating mga barangay clearances, certificates, endorsements, at certificates of indigency. Ito po ay alinsunod sa Memorandum Circular 2026-006 ng DILG, na mas kilala bilang β€œAnti-Epal Policy.”

πŸ“Œ Layunin ng nasabing patakaran na tanggalin ang paglalagay ng pangalan at larawan ng mga opisyal sa mga dokumento at proyektong pinopondohan ng pamahalaan, upang mapanatili ang pagiging patas, propesyonal, at makatao ng serbisyo publiko.

🧾 Ang malinaw na mensahe ng ating mga programa at proyekto ay: β€œMula sa buwis ng mamamayan ng Barangay Baao.”

🀝 Patuloy po nating paiigtingin ang ganitong uri ng pamamahala bilang patunay ng tapat, patas, at responsableng paglilingkod sa ating komunidad.

Sanggunian ng Bagong Baao

30/01/2026
19/09/2025
19/05/2025

Address

Brgy. Baao
Mauban
4330

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sanggunian ng Bagong Baao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sanggunian ng Bagong Baao:

Share