19/05/2025
Alin ba talaga ang mas SUSTAINABLE na bag? Reusable like ecobags, single-use plastics, or paper bags?
Sa totoo lang, lahat ng ito ay may hindi magandang epekto sa ating kalikasan. Ang paper bags ay oo biodegradable at recyclable, pero ang produksyon nito ay nangangailangan ng maraming water, energy, at wood resources. Ang paggamit ng mga resources na ito ay nagdudulot ng mataas na carbon emissions. Maraming puno ang kailangang putulin para makagawa ng paper bags. Ang maganda lang dito ay mas mabilis siyang madecompose kumpara sa ibang packaging materials, kaya nababawasan ang basura. Pero hindi pa rin ito tunay na sustainable, lalo na’t ang sustainable forestry practices ay hindi pa ganap na naa-implement sa Pilipinas. Kaya yung paper cups kung kaya mo gamitin multiple times ay gawin mo. Ganoon din sa paper bags. Gamitin multiple times kung pwede pa.
Pagdating naman sa plastic, oo ito ay durable at lightweight, pero karaniwang non-biodegradable, kaya nagdudulot ng long-term pollution kung hindi maayos na mare-recycle. Isipin mo, 100 milyong Pilipino araw-araw ang gumagamit ng plastic at tinatapon agad pagkatapos gamitin. Kasama na dito ang mga sachet ng shampoo, toothpaste, sabon, at iba pa. Kaya kung may pera naman kayong pambili ng mga hindi sachet ay gawin niyo para refillable na lang. Kapag nire-recycle, may ecological consequences pa rin, at ang recycling requirements ay nagvavary depende sa klase ng plastic. Paano ka makakatulong? Gamitin mong muli ang plastic hangga’t maaari, at huwag agad itapon kung maayos pa. Pero, may health risks din kung palagi mong nirereuse ang plastic, lalo na kung ginagamit ito sa pagkain.
Sa kabilang banda, ang mga ecobags at ibang reusable bags ay maaaring magamit nang maraming beses hangga’t hindi pa sira. Ang mga reusable items tulad ng cloth bags, metal containers, o glass bottles ay malaking tulong sa pagbabawas ng basura at sa pagbabawas ng produksyon. Kapag nabawasan ang produksyon, nababawasan din ang carbon emissions. Isipin mo, kung 100 milyong Pilipino ang gagamit ng ecobags bawat buwan, malaki ang magiging epekto—hindi lang sa pagbawas ng basura kundi pati na rin sa pagbaba ng ating carbon footprint. Sa pagpili ng reusable bags, mahalagang itanong sa sarili na “gaano katagal ko ba ito mapapakinabangan?” . Mas maraming beses magamit mas maganda. Again, the keyword is “multiple times” but remember ano mang sobra ay masama.
So, alin ang mas sustainable? Para sa akin, yung magagamit mo nang MULTIPLE TIMES. Sulit kasi, hindi isang gamit lang na ginagamit at itinatapon na agad, na nakakasira sa kalikasan.
Yes, items that can be used multiple times!