19/01/2025
Mayor Raprap ilulunsad ang Proyektong Pang-Kultura para sa mga Kapatid nating Moro!
Isinusulong ni Incoming Mayor Raprap ang pagtatayo ng Bangsamoro Cemetery, Halal Market, at Halal Slaughterhouse sa Matalam bilang simbolo ng respeto at malasakit sa ating mga kapatid na Moro. Ang mga proyektong ito ay magsisiguro ng tamang serbisyong pang-relihiyon at makatarungang kalakalan para sa komunidad ng mga Moro.
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, magiging mas makatarungan at inklusibo ang serbisyo sa lahat ng mamamayan, anuman ang relihiyon at kultura. Sa Bagong Matalam, ang bawat komunidad ay may pantay-pantay na karapatan at oportunidad upang isulong ang kani-kanilang kultura at tradisyon!