06/09/2026
๐ญ๐ฏ ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐๐ ๐๐ผ๐๐ฟ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐๐๐ ๐ป๐ด ๐ก๐ฒ๐ ๐ซ๐ฎ๐๐ถ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฆ, ๐๐๐บ๐ฎ๐ต๐ผ๐ธ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ผ๐๐ฟ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐๐บ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด
Labintatlong campus journalists mula sa New Xavier Elementary School (NXES) ang aktibong lumahok sa Division Journalism Training na ginanap noong Agosto 22, 2026 sa Matalam High School.
Layunin ng pagsasanay na higit pang malinang ang kaalaman, kasanayan, at kumpiyansa ng mga batang mamamahayag sa ibaโt ibang larangan ng campus journalism.
Gumabay sa mga kalahok sina Gng. Geneby C. Tasic at G. Dexter John F. Raquel bilang kanilang mga tagapagsanay, na patuloy na humuhubog sa kakayahan ng mga batang manunulat sa pagsusulat at responsableng pamamahayag.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang New Xavier Elementary School kay Gng. Noemi C. Lumogdang, Pangulo ng PTA, sa patuloy na suporta sa mga programang pangmag-aaral, lalo na sa pagpapaunlad ng campus journalism. Lubos ding pinasasalamatan ang Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Kibia sa pangunguna ng mga lokal na lider sa kanilang suporta at pakikiisa sa mga gawaing naglalayong mapaunlad ang talento at kakayahan ng mga mag-aaral.
Sa pamamagitan ng sama-samang suporta ng paaralan, mga magulang, at komunidad, patuloy na nabibigyan ng pagkakataon ang mga batang mamamahayag na matuto, magsanay, at gamitin ang kanilang tinig upang maghatid ng makabuluhang impormasyon sa kanilang kapwa mag-aaral.
๐๐ท๐ฐ ๐๐พ๐ฐ๐๐ช๐ด โข ๐ฉ๐๐๐๐๐
โ๏ธJiamie S. Gloriani