22/05/2026
🐶🐱 LIBRENG KAPON PARA SA MGA A*O AT PUSA!
Magkakaroon ng Free Spay (babaeng alaga) and Neuter (lalaking alaga) and TNVR (Trap-Neuter-Vaccinate-Return) Program sa Bayan ng Lian sa pakikipagtulungan ng Biyaya Animal Care Foundation at Municipal Agriculture Office.
Date: May 31, 2026 (Sunday)
Time: 8:00 AM to 5:00 PM
Venue: Lian Town Plaza Covered Court
Target ng programa ang 200 dogs and cats lamang. Maximum of 2 pets per person ang maaaring iparehistro.
PRE-REGISTRATION REQUIRED
Maaaring magparehistro sa Municipal Agriculture Office sa tapat ng Munisipyo ng Lian, Lunes hanggang Huwebes, 7:00 AM hanggang 6:00 PM (except holidays).
Hanapin lamang sina:
Kizzia Bianca C. Pedraza
Agriculture Aide
09611178153
Andrei Ermal C. Lapitan
Livestock Inspector I
09175109357
Sabihin lamang na magpaparehistro para sa Libreng Kapon Program.
Paalala:
Priority ang unang 200 registered dogs and cats. Tatanggap din ng walk-in sa araw ng event depende sa availability, ngunit uunahin ang mga naka-pre-register.
Mga qualification ng pet:
• 6 months old and above
• Dapat malusog at walang sakit
• Regular kumain, umiihi, at dumudumi
• Required ang fasting ng 6 to 8 hours bago ang operation
• No food and no water before surgery
Ang laboratory exam tulad ng CBC ay optional lamang ngunit highly recommended para sa kaligtasan ng inyong alaga.
Wala pong babayaran. Libre ang kapon para sa qualified dogs and cats.
Requirements ng pet owner:
Wala namang kailangang requirements, ngunit may waiver form na ipapa-fill out sa araw ng event.
Mga dapat tandaan sa araw ng operasyon:
• Ang mga pusa ay dapat may kulungan o carrier
• Ang mga a*o naman ay dapat nakatali o nakakulong para sa kaligtasan ng lahat
Post-operation medications:
Pagkatapos ng operation, magbibigay ng reseta ang veterinarians. Ang pagbili ng gamot ay sagot na ng pet owner.
Karagdagang abiso:
Ayon sa Biyaya Animal Care Foundation, hangga't maaari ay iwasan munang magdala ng female (babae) na small breed dogs tulad ng Shih Tzu, Chihuahua, Pomeranian, at iba pang katulad nito para sa spaying procedure dahil maselan ang operasyon para sa kanila.
Bakit mahalaga ang pagpapakapon?
• Nakatutulong ito upang maiwasan ang hindi planadong pagdami ng a*o at pusa
• Nakababawas ng paglalagalag ng mga alaga na maaaring magdulot ng aksidente o heatstroke ngayong mainit na panahon
• Nakatutulong upang mabawasan ang aggression at posibilidad ng animal bite incidents
• Makatutulong sa mas maayos at mas ligtas na komunidad
• Maaari rin itong makatulong sa pangmatagalang kalusugan ng inyong mga alaga
Think Kapon Every Sea*on!
Hindi lang ito para sa population control. Ang pagpapakapon ay isang hakbang tungo sa responsableng pag-aalaga at mas maayos na kapakanan ng ating mga alagang a*o at pusa.
Ang programang ito ay pangungunahan ng Biyaya Animal Care Foundation na siyang magpo-provide ng veterinary supplies, medicines, surgical materials, at manpower para sa buong event. Ang Municipal Agriculture Office naman ay tutulong sa registration at event assistance.