Congressman Patrol Bustos

Congressman Patrol Bustos Lahat ay panalo sa Bayung Kwatro Distrito!

Matagal nang nagdurusa ang ating mga kababayan. Kaya wala nang ibang paraan kung hindi ang magkaisa at lumaban. Ngunit a...
30/05/2026

Matagal nang nagdurusa ang ating mga kababayan. Kaya wala nang ibang paraan kung hindi ang magkaisa at lumaban.

Ngunit ang pagkakaisa at paglaban ay nag-uugat sa paninindigan. Paninindigan para sa ating mga sarili, sa ating mga anak, sa ating mga magulang, sa ating mga mahal sa buhay, at sa ating bayan - PANININDIGAN AT HINDI PAGBITAW SA LABAN.

Huwag nawa nating sukuan ang kinabukasan ng ating mga anak. Huwag nawa nating ipamana sa kanila ang baha, kahirapan, at problema.

May pag-asa pa. Kailangan lang nating lumaban at manindigan.

Hindi lang sa litrato. Hindi lang dahil may video. At mas lalong hindi bilang pakitang-tao.
28/05/2026

Hindi lang sa litrato. Hindi lang dahil may video. At mas lalong hindi bilang pakitang-tao.

Panindigan ang sukatan ng tunay na malasakit sa sarili, pamilya, at bayan.
26/05/2026

Panindigan ang sukatan ng tunay na malasakit sa sarili, pamilya, at bayan.

25/05/2026

KAPAG ANG NAHALAL AY CORRUPT, TAONGBAYAN ANG NAGHIHIRAP.

Panginoon, marami pong pagsubok ang pinagdaraanan ng aming bayan sa kasalukuyan. Nawa po ay lagi Ninyo kaming tanglawan ...
24/05/2026

Panginoon, marami pong pagsubok ang pinagdaraanan ng aming bayan sa kasalukuyan. Nawa po ay lagi Ninyo kaming tanglawan upang mahanap sa aming mga puso ang pagkakaisa, pagmamahalan, at katotohanan.

Nawa po ay ilayo Ninyo kami sa mga taong mapagsamantala, mapang-abuso, mga tiwali, at mapanlinlang na patuloy na umaalipin sa aming mga kababayan.

Inilalagak po namin ang aming buong pananampalataya at pag-asa sa Inyo.

Maraming salamat po.

May iba’t ibang anyo, hugis, at kulay ang pagiging isang ina ngunit lahat sila ay salamin ng pagmamahal at pagkalinga. K...
09/05/2026

May iba’t ibang anyo, hugis, at kulay ang pagiging isang ina ngunit lahat sila ay salamin ng pagmamahal at pagkalinga.

Kaya naman ngayong araw na ito at sa araw-araw na nabubuhay tayo sa mundo, nararapat lamang na sila ay ating pahalagahan at pasalamatan.

Happy Mother’s Day po!

Sa lahat ng mga Manggagawang Pilipinong huwaran ng kasipagan at katatagan sa buhay, saludo po ako sa inyong pagsusumikap...
01/05/2026

Sa lahat ng mga Manggagawang Pilipinong huwaran ng kasipagan at katatagan sa buhay, saludo po ako sa inyong pagsusumikap para sa ikauunlad ng inyong mga sarili, pamilya, at mga mahal sa buhay.

Kaya naman ang boses niyo ay nararapat lamang pakinggan at bigyang-halaga dahil kayo ang tunay na TINIG NG TAONGBAYAN.

Mabuhay po ang mga Manggagawang Pilipino!

Ang atin pong pinakamainit na pagbati sa mga bagong pasang Doktor ng Bayan, nitong nakaraang 2026 Physicians Licensure E...
10/04/2026

Ang atin pong pinakamainit na pagbati sa mga bagong pasang Doktor ng Bayan, nitong nakaraang 2026 Physicians Licensure Examination, lalo na kay Dr. Diane Melanie B. Manimbo ng Bayan ng Candaba.

Congratulations!
We are so proud of you!

Sama-sama nating salubungin ang liwanag - liwanag na maghahatid sa atin sa paghilom, pagpapatawad, at pag-usad. Siya ay ...
05/04/2026

Sama-sama nating salubungin ang liwanag - liwanag na maghahatid sa atin sa paghilom, pagpapatawad, at pag-usad.

Siya ay namatay at muling nabuhay para sa atin. Kaya nararapat lamang na ito ay ating gunitain sa pamamagitan ng pag-aalay ng ating mga sarili para sa iba.

Happy Easter po!

Sa panahon ng kadiliman at walang katiyakan, lagi nawa tayong manalig sa pag-ibig at katapatan ng Panginoon. Sisilang di...
04/04/2026

Sa panahon ng kadiliman at walang katiyakan, lagi nawa tayong manalig sa pag-ibig at katapatan ng Panginoon.

Sisilang din ang liwanag.

Ngayong Biyernes Santo ay sinasariwa natin ang pinakadakilang sakripisyo ng ating Panginoong Hesukristo, na nagbuwis ng ...
03/04/2026

Ngayong Biyernes Santo ay sinasariwa natin ang pinakadakilang sakripisyo ng ating Panginoong Hesukristo, na nagbuwis ng Kaniyang dugo sa Bundok ng Kalbaryo upang tubusin tayo mula sa ating mga kasalanan.

Nawa ay pagnilayan nating lahat ito at isabuhay ang lahat ng Kaniyang gabay at turo.

Address

Masantol

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Congressman Patrol Bustos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share