Barangay Baseco Country, Mariveles, Bataan

Barangay Baseco Country, Mariveles, Bataan *Barangay Baseco Country
Since 1972

31/08/2026

๐— ๐—”๐—š๐—”๐—ก๐——๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช, ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—กฬƒ๐—ข๐—ฆ!

Atin pong ipinapaalam sa ating mga kababayan na magkakaroon ng ๐—ฆ๐—”๐— ๐—˜ ๐——๐—”๐—ฌ ๐—ฅ๐—˜๐—ค๐—จ๐—˜๐—ฆ๐—ง, ๐—ฆ๐—”๐— ๐—˜ ๐——๐—”๐—ฌ ๐—ฅ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—ฆ๐—˜ ng ๐—ฃ๐—ฆ๐—”-๐—”๐˜‚๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—•๐—ถ๐—ฟ๐˜๐—ต, ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ, ๐—ฎ๐˜ ๐——๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐—ต ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐˜€ sa Huwebes ng umaga, September 3, 2026, sa Municipal Lobby.

Ang serbisyong ito ay libre at para lamang po sa ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐Ÿญ๐Ÿฑ๐Ÿฌ ๐—ฎ๐—ฝ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ผ. Magdala ng Birth Certificate at Valid ID.

Sa pakikipagtulungan ng Philippine Statistics Authority (PSA) at ng Lokal na Pamahalaan ng Mariveles sa pamamagitan ng Local Civil Registry Office (LCRO), patuloy po nating isinusulong ang digitalization ng mga serbisyo upang mapabilis at mapadali ang pagkuha ng mahahalagang dokumento para sa ating mga mamamayan.

Inaanyayahan po natin ang lahat na samantalahin ang programang ito. Maraming salamat po.

Big shout out to my newest top fans! ๐Ÿ’Ž Marie Grace Delima, Akosi DonakDrop a comment to welcome them to our community,  ...
04/07/2026

Big shout out to my newest top fans! ๐Ÿ’Ž Marie Grace Delima, Akosi Donak

Drop a comment to welcome them to our community, fans

16/03/2026
Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Rhodoreen Castillo, Mhark Ella, Sandy Gutiera, Ico Yhael
13/01/2026

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Rhodoreen Castillo, Mhark Ella, Sandy Gutiera, Ico Yhael

23/11/2025

ALAM NIYO BA?
Dito sa Pilipinas ay ipinatutupad ang RA No. 8976 o ang "Philippine Food Fortification Act of 2000", kung saan ang mga produktong pagkaing dumadaan sa mga proseso ay kinakailangang dagdagan ng mga bitamina at mineral bago ilabas sa merkado, alinsunod sa mga tuntunin at regulasyon ng nasabing batas.

Ito rin ay maigting na ipinatutupad dito sa Lalawigan ng Bataan kung saan ay buwan-buwan ang monitoring na isinasagawa ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa mga sari-sari stores upang masiguro na ang mga produktong kanilang ibinebenta ay dumaan sa food fortification.

Ngayong National Food Fortification Day, nais hikayatin ng Bataan Provincial Health Office ang lahat na makiisa sa pagsulong ng tamang nutrisyon para sa lahat. Tangkilikin ang mga masusustansyang produkto na dumaan sa food fortification.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng nutrisyong sapat para sa mas matatag na pamilyang Bataeรฑo.


23/11/2025

ALAM NIYO BA?
Ngayong buwan ng Nobyembre ay ipinagdiriwang sa Pilipinas ang Malaria Awareness Month. Ang malaria ay sakit na dulot ng parasitikong Plasmodium, na naipapasa naman sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok na Anopheles.

Ang mga sintomas nito ay hindi nalalayo sa trangkaso, at kadalasang lumalabas pagkatapos ng 10-15 araw mula nang makagat ng lamok:
-Fever (lagnat)
-Chills (panginginig)
-Sweating (hindi normal na pagpapawis)
-Headache (pananakit ng ulo)
-Diarrhea (pagtatae)
-Vomiting (pagsusuka)
-Muscle aches (pananakit ng kalamnan)
-Fatigue (pagkapagod)

Sa kasalukuyan, nananatiling Malaria-Free ang Lalawigan ng Bataan, ang kauna-unahang naideklarang lalawigan sa buong Central Luzon noong 2017. Patuloy pa rin na ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na palaging maging maingat, protektahan ang sarili laban sa kagat ng lamok:
-Magsuot ng mahahabang damit
-Gumamit ng kulambo at insect repellant tuwing tutungo sa lugar na may mga naitalang kaso ng malaria.
-Sakaling makaranas ng mga sintomas na nabanggit sa loob ng dalawang linggo, magtungo agad sa pinakamalapit na health center.

Maging maalam, iwasan ang lamok, labanan ang malaria. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malaria-free na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeรฑo.


23/11/2025

ALAM NIYO BA?
Ang tema ng World Toilet Day na ipinagdiriwang ngayong araw ay: "Sanitasyon ay pahalagahan, para sa maayos at malusog na pamayanan".

Ang World toilet Day ay ipinagdiriwang tuwing ika-19 ng Nobyembre kada taon, na naglalayong bigyang halaga ang karapatan ng bawat tao sa sanitasyon. Sa tema ng taong ito, nais ipaalala sa publiko na ang kalusugan at kaayusan ng isang komunidad ay hindi lamang responsibilidad ng iisa. Ito ay makakamit sa pagkakaroon ng kooperasyon at kagustuhan ng lahat na gawing ligtas ang pamayanang kanilang sinasakupan.

Ngayong araw, nais ipaalala ng Provincial Health Office na kung ang bawat isa ay gagamit ng maayos na palikuran, at kung ito'y mapananatiling malinis, maiiwasan ang pagkalat ng bacteria at virus mula sa dumi ng tao na maaaring magdulot ng iba't-ibang sakit.

Tandaan, ang kalinisan ay karapatan at obligasyon ng bawat isa. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang maayos, malinis, at ligtas na lalawigan para sa mas matatag na pamilyang Bataeรฑo.


23/11/2025

ALAM NIYO BA?
Ang 11 munisipalidad at ang Lungsod ng Balanga dito sa Bataan ay mayroong accredited Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP). Kauna-unahan sa buong Central Luzon na nakapagkumpleto ng lahat ng LGUs na may accredited-CBDRP.

Para sa mga indibidwal o sa mga may kamag-anak na dumadaan sa pagkalulong, maaari kayong magtungo sa pinakamalapit na RHU sa inyong lugar upang kayo'y mabigyan ng suporta at tulong para sa mas epektibong pagtigil ng inyong bisyo.

Sa pagdiriwang ng 'Drug Abuse Prevention and Control Week' ngayong ikatlong linggo ng Nobyembre, nais ipaalala ng Bataan Provincial Health Office na laging piliin at pahalagahan ang kalusugan para sa kinabukasan mo at ng iyong pamilya. Maging bahagi ng isang maayos at malusog na komunidad.

Ang tema ng pagdiriwang na ito ngayong taon ay "Sa Bagong Pilipinas, Kalusugan ay Pinapahalagahan, Droga ay Inaayawan".

Iwasan ang droga! Tandaan, kapalit ng panandaliang libang na dulot ng droga ay ang pagkasira ng inyong mental at pisikal na kalusugan, pagkawasak ng pamilya, at pagkasira ng inyong maayos na estado sa lipunan. Bukod pa rito ay mataas din ang tyansang ikaw ay makulong, at magdulot ng pagkabaliw o kamatayan.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malusog at drug-free na bagong Pilipinas para sa mas matatag na pamilyang Bataeรฑo.


Address

Rizal Street Brgy. Baseco Country
Mariveles
2105

Telephone

6135498

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Baseco Country, Mariveles, Bataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Baseco Country, Mariveles, Bataan:

Shortcuts

Share