09/07/2026
https://www.facebook.com/share/p/1aunigF4Wo/
๐ ๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐ง ๐๐๐๐ก๐๐ ๐ง๐จ๐ช๐๐ก๐ ๐ ๐๐ฌ ๐๐๐๐ฌ๐ข
Habang patuloy po nating binabantayan ang lagay ng panahon, nais ko pong paalalahanan ang bawat pamilyang Mariveleรฑo na maging handa sa anumang maaaring idulot ng bagyo.
1. Malinis na inuming tubig
2. Flashlight at ekstrang baterya
3. Fully-charged na cellphone at powerbanks
4. Extrang damit at kumot
5. Pito o whistle para sa senyales ng saklolo
6. First Aid Kit at mga kinakailangang gamot
7. Pagkaing hindi madaling mapanis gaya ng delata at biskwit
8. Mahalagang dokumento sa waterproof na lalagyan (valid IDs, titulo, birth certificates, atbp.)
9. Alkohol, face mask, at iba pang pangkalinisan
๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ:
1. Siguraduhing nakasave ang mga emergency hotlines ng Pamahalaang Bayan at ng inyong Barangay.
2. Alamin ang pinakamalapit na evacuation center at maging handa kung kinakailangang lumikas. (https://www.facebook.com/kuyaajconcepcionofficial/posts/pfbid02pMcd57CjJgYgzttvGNDAhCXwQXJf5Eo9BkGG4zJyo4adxuS6gDoJPG8i47SZi1mfl)
3. Huwag basta lumabas ng bahay lalo na sa kasagsagan ng bagyo.
4. Makinig lamang sa mga opisyal na abiso mula DOST-PAGASA, Provincial Disaster Risk Reduction Office, Municipal Government of Mariveles at MDRRMO Mariveles upang makaiwas sa maling impormasyon.
Sama-sama tayong magbantay, maghanda, at magtulungan upang mapanatiling ligtas ang ating pamilya at buong bayan ng Mariveles.
Mag-iingat po ang lahat.