Yes Mariveles Tourism Office

Yes Mariveles Tourism Office Official page of Mariveles Tourism Office
(1)

Maligayang Kaarawan sa ating Municipal Tourism Officer, Mr. Jesus Russel T. Maninang!Maraming salamat sa iyong dedikasyo...
01/06/2026

Maligayang Kaarawan sa ating Municipal Tourism Officer, Mr. Jesus Russel T. Maninang!

Maraming salamat sa iyong dedikasyon, malasakit, at inspirasyong ibinabahagi sa pagsusulong ng turismo, kultura, at pamana ng Mariveles. Nawaโ€™y mapuno ang iyong espesyal na araw ng saya, pagmamahal, at mga biyaya kasama ang iyong pamilya at mga mahal sa buhay.

Hangad namin ang mabuting kalusugan, patuloy na tagumpay, at mas marami pang masasayang alaala sa mga darating na taon.

Muli, maligayang kaarawan at mabuhay!

๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ฅ๐ž๐ฌ ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ ๐๐ฅ๐š๐ง๐ง๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ - ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ“๐Ÿ๐Ÿ— ๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Œ๐š๐ซ๐ ๐ข๐ž'๐ฌ ๐๐ฅ๐š๐œ๐žMatagumpay na nagtapos ang limang...
31/05/2026

๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ฅ๐ž๐ฌ ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ ๐๐ฅ๐š๐ง๐ง๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ - ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ“
๐Ÿ๐Ÿ— ๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Œ๐š๐ซ๐ ๐ข๐ž'๐ฌ ๐๐ฅ๐š๐œ๐ž

Matagumpay na nagtapos ang limang araw na Mariveles Festival Planning and Management Workshop.

Sa huling araw ng workshop, ipinakita ng mga kalahok ang kanilang mga final output na sumasalamin sa mga kaalaman, kasanayan, at karanasang kanilang natutunan sa buong pagsasanay. Mula sa pagbuo ng konsepto, paglikha ng kuwento, musika, at choreography, naipamalas ng bawat grupo ang kanilang pagkamalikhain at dedikasyon sa paglinang ng isang festival na tunay na maipagmamalaki ng Mariveles.

Isinagawa rin ang awarding ceremony upang kilalanin ang pagsisikap ng lahat ng grupo at bigyang-pugay ang mga natatanging talento at kahusayang ipinakita ng mga kalahok sa buong workshop.

Taos-puso ring nagpapasalamat ang Municipal Tourism Office sa ating mga resource speakers na sina Mr. Nilo Agustin, Mr. Ato del Rosario, at Mr. Matthew Manalaysay sa kanilang pagbabahagi ng kaalaman, karanasan, at inspirasyon na naging gabay sa bawat kalahok sa buong programa.

Lubos na pasasalamat din sa Department of Tourism Region III, Bataan Provincial Tourism Office, Lokal na Pamahalaan ng Mariveles sa pangunguna ni Mayor Kuya AJ Concepcion, Vice Mayor Jesse Concepcion, Sangguniang Bayan ng Mariveles at Tourism Council Chairperson Atty. Fe Concepcion na patuloy na nagsusulong ng mga programang nagpapalakas sa kultura, sining, at turismo ng ating bayan.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng makabuluhang paglalakbay na ito. Tiyak na magsilbing simula ito ng mas makulay, mas makabuluhan, at mas napapanatiling mga pagdiriwang para sa Bayan ng Mariveles.

Para sa turismo at Mariveleรฑo, Yes Mariveles!

๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ฅ๐ž๐ฌ ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ ๐๐ฅ๐š๐ง๐ง๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ - ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ’๐Ÿ๐Ÿ– ๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Œ๐š๐ซ๐ ๐ข๐ž'๐ฌ ๐๐ฅ๐š๐œ๐žIsang makabuluhan na ikaapat na a...
28/05/2026

๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ฅ๐ž๐ฌ ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ ๐๐ฅ๐š๐ง๐ง๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ - ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ’
๐Ÿ๐Ÿ– ๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Œ๐š๐ซ๐ ๐ข๐ž'๐ฌ ๐๐ฅ๐š๐œ๐ž

Isang makabuluhan na ikaapat na araw para sa Mariveles Festival Planning and Management Workshop.

Lubos naming ikinarangal ang pagbisita nina Department of Tourism-Region III Regional Director Dr. Richard G. Daenos at OIC-Bataan Provincial Tourism Officer Dr. Danica C. Tigas-Rodriguez na nagbahagi ng kanilang mensahe ng suporta at pagpapaalala sa mahalagang papel ng bawat isa bilang mga tagapagtaguyod ng kultura at turismo ng Mariveles.

Mas lalo ding naging makabuhulan ang programa sa pagdalo at pagbibigay rin ng kanilang mensahe at buong suporta nina Mayor Kuya AJ Concepcion, Sangguniang Bayan Committee on Tourism Chairperson Hon. Dan Banal at Municipal Tourism Council Chairperson Atty. Fe Concepcion.

Ipinakita rin ng bawat grupo ang kanilang mga choreographed storyline batay sa kani-kanilang konsepto at natatanging konteksto ng festival. Sa pamamagitan ng galaw, musika, at kwento, mas nabigyang-buhay ang kanilang mga ideya tungo sa paglikha ng isang festival na tunay na sumasalamin sa pagkakakilanlan ng Mariveles.

Patuloy ang ating paglalakbay sa paghubog ng mas makabuluhan at makulay na festival para sa bayan ng Mariveles.

Para sa turismo at Mariveleรฑo, Yes Mariveles!

Nakikiisa ang Mariveles Tourism Office sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Watawat bilang paggunita sa kasaysayan, kaba...
28/05/2026

Nakikiisa ang Mariveles Tourism Office sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Watawat bilang paggunita sa kasaysayan, kabayanihan, at kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno.

Sa bawat pagwagayway, nawaโ€™y manatiling buhay sa ating puso ang diwa ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at pagiging tapat sa watawat.

Inaanyayahan ang bawat Mariveleรฑo na buong pagmamalaking itaas at ipakita ang pambansang watawat sa ating mga tahanan, paaralan, at tanggapan bilang simbolo ng ating pagiging Pilipino.

Mabuhay ang bandilang Pilipino! Mabuhay ang Bayan ng Mariveles!

๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ฅ๐ž๐ฌ ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ ๐๐ฅ๐š๐ง๐ง๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ - ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ‘๐Ÿ๐Ÿ• ๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Œ๐š๐ซ๐ ๐ข๐ž'๐ฌ ๐๐ฅ๐š๐œ๐žPatuloy ang paghubog ng kaalaman ...
27/05/2026

๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ฅ๐ž๐ฌ ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ ๐๐ฅ๐š๐ง๐ง๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ - ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ‘
๐Ÿ๐Ÿ• ๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Œ๐š๐ซ๐ ๐ข๐ž'๐ฌ ๐๐ฅ๐š๐œ๐ž

Patuloy ang paghubog ng kaalaman at pagkamalikhain sa ikatlong araw ng Mariveles Festival Planning and Management Workshop.

Sa araw na ito, natutunan ng mga kalahok ang mga pangunahing elemento at kahalagahan ng notes at beats sa pagbuo ng festival music bilang pundasyon ng mas buhay at makabuluhang pagtatanghal. Mas lalo rin nilang naunawaan kung paano nagiging mahalagang bahagi ang musika sa pagkukuwento at pagbibigay-damdamin sa isang festival performance.

Ipinresenta rin ng bawat grupo ang kanilang mga konseptuwalisadong storyline na sumasalamin sa kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan ng Mariveles. Kasabay nito, natutunan nila kung paano bumuo at mag-choreograph ng mga galaw batay sa daloy at mensahe ng kanilang kuwento upang mas maging makahulugan at kapana-panabik ang kanilang presentasyon.

Isang hakbang pa tungo sa paglikha ng isang festival na tunay na maipagmamalaki ng bawat Mariveleรฑo.

Para sa turismo at Mariveleรฑo, Yes Mariveles!

๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ฅ๐ž๐ฌ ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ ๐๐ฅ๐š๐ง๐ง๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ - ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ” ๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Œ๐š๐ซ๐ ๐ข๐ž'๐ฌ ๐๐ฅ๐š๐œ๐žNaging mas masigla at mas makahul...
26/05/2026

๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ฅ๐ž๐ฌ ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ ๐๐ฅ๐š๐ง๐ง๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ - ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ
๐Ÿ๐Ÿ” ๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Œ๐š๐ซ๐ ๐ข๐ž'๐ฌ ๐๐ฅ๐š๐œ๐ž

Naging mas masigla at mas makahulugan ang ikalawang araw ng Mariveles Festival Planning and Management Workshop.

Sa araw na ito, aktibong nagbahagi ng mga ideya at konsepto ang mga kalahok para sa pagbuo ng isang festival program na tunay na magpapakita ng kultura, pagkakakilanlan, at diwa ng Mariveles. Mula sa pagpaplano ng mga aktibidad hanggang sa paghubog ng mas makabuluhang pagdiriwang, ipinakita ng bawat kalahok ang kanilang pagkamalikhain at malasakit para sa bayan.

Sumailalim din sila sa isang masinsinang dance class upang matutunan ang pundasyon ng choreography bilang paghahanda sa pagbuo ng festival dance na magbibigay-buhay at kulay sa mga susunod na pagdiriwang ng Mariveles.

Patuloy ang paglalakbay tungo sa mas makulay, organisado, at makabuluhang festival para sa ating bayan.

Para sa turismo at Mariveleรฑo, Yes Mariveles!

๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ฅ๐ž๐ฌ ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ ๐๐ฅ๐š๐ง๐ง๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ - ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Œ๐š๐ซ๐ ๐ข๐ž'๐ฌ ๐๐ฅ๐š๐œ๐žMatagumpay na sinimulan ang unang...
26/05/2026

๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ฅ๐ž๐ฌ ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ ๐๐ฅ๐š๐ง๐ง๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ - ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ
๐Ÿ๐Ÿ“ ๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Œ๐š๐ซ๐ ๐ข๐ž'๐ฌ ๐๐ฅ๐š๐œ๐ž

Matagumpay na sinimulan ang unang araw ng 5-day Mariveles Festival Planning and Management Workshop.

Sa unang sesyon ng pagsasanay, mas pinalalim ng mga kalahok ang kanilang pag-unawa sa ugat ng kulturang Pilipino at kung paano ito naging pundasyon ng ating mga pagdiriwang at tradisyon. Nagkaroon din ng mas malapit na pagtalakay sa mga nakaraang mga festival ng Mariveles bilang bahagi ng paglinang ng mas makabuluhan na pagdiriwang para sa bayan.

Bukod dito, nagsimula rin ang pagbuo ng isang sustainable cultural festival na tunay na magpapakita ng pagkakakilanlan, kasaysayan, at kultura ng Mariveles.

Lubos na pasasalamat sa ating Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Kuya AJ Concepcion, Vice Mayor Jesse Concepcion, Sangguniang Bayan ng Mariveles at Municipal Tourism Council Chairperson Atty. Fe Concepcion, gayundin sa Department of Tourism Region III at Bataan Provincial Tourism Office sa patuloy na pagsuporta at pagtaguyod ng mga programang pang turismo.

Para sa turismo at Mariveleรฑo, Yes Mariveles!

๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ฅ๐ž๐ฌ ๐‡๐ข๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐œ๐š๐ฅ ๐‚๐ข๐ซ๐œ๐ฎ๐ข๐ญ ๐“๐จ๐ฎ๐ซ - ๐‡๐š๐ง๐ ๐š๐ ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ข๐œ ๐Œ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ๐Ÿ๐Ÿ’ ๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Ikinagagalak ng Mariveles Tourism Office na pangunah...
25/05/2026

๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ฅ๐ž๐ฌ ๐‡๐ข๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐œ๐š๐ฅ ๐‚๐ข๐ซ๐œ๐ฎ๐ข๐ญ ๐“๐จ๐ฎ๐ซ - ๐‡๐š๐ง๐ ๐š๐ ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ข๐œ ๐Œ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ
๐Ÿ๐Ÿ’ ๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Ikinagagalak ng Mariveles Tourism Office na pangunahan at samahan ang mga bisita mula sa Hangad Music Ministry sa pamamagitan ng Diocesan Shrine of St. Nicholas de Tolentino Parish sa isang makabuluhang paglalakbay sa Mariveles Historical Circuit.

Sa pagbisita sa ilan sa mahahalagang makasaysayang lugar ng bayan, mas lalong nakilala ng ating mga bisita ang mayamang kasaysayan, kultura, at mga kuwento ng katatagan at pananampalataya na bumubuo sa pagkakakilanlan ng Mariveles.

Maraming salamat sa inyong pagbisita at sa pagbibigay-halaga sa ating lokal na pamana. Nawaโ€™y naging makabuluhan at di-malilimutang karanasan ang inyong paglalakbay sa aming bayan. Hangad naming muli kayong matanggap sa Bayan ng Mariveles.

Para sa turismo at Mariveleรฑo, Yes Mariveles!

The Bataan Tourism Souvenir Shop, located inside the Bataan Tourism Center, is now officially recognized as the FIRST an...
25/05/2026

The Bataan Tourism Souvenir Shop, located inside the Bataan Tourism Center, is now officially recognized as the FIRST and ONLY accredited tourist shop in the province by the Department of Tourism.

This milestone is more than a recognition. It reflects our shared commitment to uplift local craftsmanship, support Bataan artisans, and proudly promote homegrown products through Galing Bataan.

The shop features a selection of Galing Bataan products, both food and non-food items, showcasing the creativity, culture, and rich flavors of our province, all thoughtfully made and proudly local.

Every item carries a story of our people, our culture, and our pride as Bataeรฑos, lovingly created and meaningfully shared with every visitor who walks through our doors.

For inquiries and visits, you may contact through the details below:
Contact Number: 0930 530 1746
Email Address: [email protected]
page: Bataan Tourism Service Cooperative
Location: Bataan Tourism Center (https://maps.app.goo.gl/sid97UHHJevm5EWk7)


Address

Poblacion
Mariveles
2105

Opening Hours

Monday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Yes Mariveles Tourism Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Yes Mariveles Tourism Office:

Share