Jael Petalan

Jael Petalan “Tuloy ang Pagsagwan Tungo sa Kaunlaran”

𝐂𝐑𝐀𝐕𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐀𝐑𝐑𝐎𝐙 𝐂𝐀𝐋𝐃𝐎? 𝐒𝐀𝐆𝐎𝐓 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐌𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐆𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐌𝐎![Handog ng Barangay San Carlos, Sangguniang Kabataaan - San Carlos,...
19/08/2026

𝐂𝐑𝐀𝐕𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐀𝐑𝐑𝐎𝐙 𝐂𝐀𝐋𝐃𝐎? 𝐒𝐀𝐆𝐎𝐓 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐌𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐆𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐌𝐎!
[Handog ng Barangay San Carlos, Sangguniang Kabataaan - San Carlos, at Kababaihan ng Barangay San Carlos (KaBSaC)]

Ngayong tag-ulan, iba talaga ang sarap ng mainit-init na Arroz Caldo sa umaga! Kaya bukas, August 20, 2026 (Huwebes) maghanda na ng mangkok at maki-breakfast kasama ang buong barangay.

⏰ SCHEDULE NATIN:

🥣 6:30 AM – Kalye ng Macatual
🥣 7:00 AM – Kalye ng San Nicolas
🥣 7:30 AM – Kalye ng B. Rub
🥣 8:00 AM – Kalye ng Paguio

Tulad po ng ating nakagawian, maglabas lamang po ng inyong sariling mangkok upang sama-sama rin nating mabawasan ang paggamit ng plastic at disposable materials. Simpleng paraan, malaking tulong para sa ating kalikasan. 🌱

Kita-kits, mga Kabarangay! Mainit na agahan, masayang umaga!

[𝐎𝐁𝐈𝐓𝐔𝐀𝐑𝐘] | The Government of Barangay San Carlos extends its heartfelt condolences and prayers to the family and loved...
13/08/2026

[𝐎𝐁𝐈𝐓𝐔𝐀𝐑𝐘] | The Government of Barangay San Carlos extends its heartfelt condolences and prayers to the family and loved ones of the late 𝐍𝐞𝐦𝐞𝐜𝐢𝐚 𝐙𝐮𝐥𝐞𝐭𝐚 𝐙𝐮𝐢𝐥𝐚𝐧.

For those who wish to visit and pay their respects, the wake is being held at Paguio Street, Barangay San Carlos.

May the Lord grant comfort and strength to the bereaved family during this time of sorrow, and may her soul rest in eternal peace.

Our thoughts and prayers are with the family.

-Government of Barangay San Carlos

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Idinaos sa Barangay San Carlos ang pagpupulong ng Liga ng mga Barangay, na nagsilbing pagkakataon upang talakay...
12/08/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Idinaos sa Barangay San Carlos ang pagpupulong ng Liga ng mga Barangay, na nagsilbing pagkakataon upang talakayin ang mahahalagang usapin, programa, at mga hakbang para sa patuloy na pagpapabuti ng pamamahala at paghahatid ng serbisyo sa mga komunidad.

Naging daan din ang pagpupulong upang higit na mapagtibay ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga Punong Barangay sa pagsusulong ng mga programang makatutugon sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.

Ikinagalak naman ng Pamahalaang Barangay ng San Carlos ang pagkakataong maging punong-abala sa pagtitipon ng mga lider-barangay.

𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐓𝐈𝐆𝐃𝐀𝐒: 𝐍𝐚𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐞𝐭𝐬𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚!Alamin na po ang nakatakdang araw para sa inyong kalye para sa ating ...
11/08/2026

𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐓𝐈𝐆𝐃𝐀𝐒: 𝐍𝐚𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐞𝐭𝐬𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚!
Alamin na po ang nakatakdang araw para sa inyong kalye para sa ating pagbabakuna kontra Tigdas (Measles) at Rubella.

Tingnan ang schedule sa ibaba at makiisa sa ating Ligtas Tigdas vaccination activity.
📍 Vaccination Site: Barangay Health Station – San Carlos

Hinihikayat po natin ang lahat ng mga magulang na dalhin at pabakunahan ang kanilang mga anak. Ang bakuna ay mahalagang proteksiyon laban sa Tigdas at Rubella—mga sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon, lalo na sa mga bata.

Kita-kits po sa Barangay Health Station!

𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐓𝐈𝐆𝐃𝐀𝐒: 𝐀𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐦𝐚, 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐤𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐭𝐚!May mga katanungan po ba kayo tungkol sa Tigdas (Measles), Rube...
10/08/2026

𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐓𝐈𝐆𝐃𝐀𝐒: 𝐀𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐦𝐚, 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐤𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐭𝐚!

May mga katanungan po ba kayo tungkol sa Tigdas (Measles), Rubella, at sa bakuna laban dito?

Narito ang ating FAQs upang mabigyan ng malinaw at tamang impormasyon ang bawat magulang at masagot ang ilan sa mga karaniwang katanungan tungkol sa sakit at pagbabakuna.

Mga Nanay at Tatay, huwag po nating hintaying magkasakit ang ating mga anak bago sila protektahan. Ang pagbabakuna ay isa sa pinakamabisang paraan upang makaiwas sa Tigdas at Rubella at sa mga komplikasyong maaaring idulot ng mga ito.

𝐁𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧. 𝐌𝐚𝐠𝐭𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠. 𝐀𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐦𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧. 𝐀𝐭 𝐡𝐢𝐠𝐢𝐭 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭—𝐌𝐀𝐆𝐏𝐀𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀! 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧, 𝐤𝐚𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧.

Isa sa mga pinakamasayang bahagi ng aking kaarawan ay ang makapagbahagi rin ng simpleng saya sa ating mga bata.Maraming ...
10/08/2026

Isa sa mga pinakamasayang bahagi ng aking kaarawan ay ang makapagbahagi rin ng simpleng saya sa ating mga bata.

Maraming salamat sa aking Papa Jun, Mama Susan, Ate Josa, at Joshua sa pagtutulung-tulong upang mapasaya natin ang mga bata sa pamamagitan ng munting ice cream treat noong aking kaarawan.

Maraming salamat din sa aking mga kaibigan na walang pag-aalinlangang tumulong sa pagpapamahagi. Mas naging magaan, masaya, at makabuluhan ang simpleng gawaing ito dahil kasama ko kayo.

Higit sa lahat, salamat sa Diyos sa biyaya ng pamilya na laging nakaalalay at handang sumuporta, at sa biyaya ng mga kaibigang laging handang tumulong.
🙂

𝐓𝐇𝐀𝐍𝐊 𝐘𝐎𝐔 𝐋𝐎𝐑𝐃! 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐄𝐒𝐓 𝐊𝐀 𝐓𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀!Maraming, maraming salamat po sa lahat ng nakibahagi at nakisalo sa Simpleng Agahan s...
10/08/2026

𝐓𝐇𝐀𝐍𝐊 𝐘𝐎𝐔 𝐋𝐎𝐑𝐃! 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐄𝐒𝐓 𝐊𝐀 𝐓𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀!

Maraming, maraming salamat po sa lahat ng nakibahagi at nakisalo sa Simpleng Agahan sa aking Kaarawan. 💙

Taos-puso rin po akong nagpapasalamat sa Chel’s Gotohan para sa masarap na lugaw, at higit sa lahat, sa ating mga volunteers na buong pusong naglaan ng oras at tumulong upang maging maayos at masaya ang simpleng salu-salo natin.

Simple man ang ating agahan, naging espesyal naman ito dahil sa inyong pakikiisa, mga ngiti, pagbati, at pagmamahal.

Maraming salamat po sa inyong lahat! Tunay na mas masarap ipagdiwang ang biyaya ng buhay kapag ito ay naibabahagi sa kapwa.

Address

Mariveles

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jael Petalan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category