06/04/2022
𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗-𝟭𝟵 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 mula ika-05 ng Abril, 2022.
Magandang hapon po.
Base sa datos ng ating MHO sa pamamagitan ng ating mga Contact Tracers, wala ( 0 ) naitalang bagong nag positibo mula sa ating bayan.
Isang(1) kababayan nating ang pumanaw mula sa Brgy. Balon Anito
Patuloy pong gumagaling ang ating mga kababayan. Ang isa (1) sa bagong nakarecover ay mula sa:
Isa mula sa Brgy.Lucanin
Sa kabuuan, pitong libo,apat na daan at tatlompu't tatlo(7,433) na ang mga naka-recover, tatlo (3) ang active cases, at dalawang daan at labing siyam ( 219 ) ang pumanaw na, sa pitong libo,anim na daan at limampu't lima (7,655) na mga kumpirmadong kaso.
Manatili na lang po tayo sa ating mga tahanan kung walang importanteng gagawin sa labas. Panatilihin po ang social distancing at magsuot ng facemask kung may pupuntahan.
Ugaliin pa rin po ang tamang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o mag disinfect gamit ang alcohol.
Sama-sama po tayong manalangin bilang nagkakaisang mamamayan ng Bayan ng Mariveles. Sa tulong at sa awa ng Panginoon ay malalampasan at mapagtatagumpayan natin ang krisis na ito.