30/05/2026
๐ ๐๐ป๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐น๐ถ๐๐ ๐ผ๐ณ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ฒ๐น๐ฒ๐, ๐๐ฑ๐ฒ๐ฎ๐น ๐๐๐ป๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐๐ ๐๐ฎ ๐๐ฌ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐น ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ต๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ถ๐น๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ป (๐๐๐ฃ๐) ๐๐๐ป๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐๐ ๐๐๐๐ฒ๐๐๐บ๐ฒ๐ป๐!
Muling pinatunayan ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles ang matatag nitong adbokasiya para sa kapakanan ng mga bata matapos itong kilalanin ng DILG bilang isa sa mga Outstanding Local Government Units na nakapagtamo ng Ideal Functionality sa FY 2026 Local Council for the Protection of Children (LCPC) Assessment.
Ang pagkilalang ito ay bunga ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan sa apat na mahahalagang larangan: Organizational Sustainability, Policies and Plans for Children, Budget Allocation for LCPC, at Service Delivery, Monitoring, and Management for Children.
Kabilang ang Mariveles sa mga LGU sa Gitnang Luzon na nagkamit ng pinakamataas na antas ng functionality, kung saan 119 sa 137 LGUs o 86.86% ng rehiyon ang nagtala ng Ideal Functionality ngayong taon.
Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan, mga katuwang na ahensya, at komunidad upang matiyak ang ligtas, maayos, at mapagkalingang kapaligiran para sa bawat batang Mariveleรฑo.
Ang pamahalaang bayan ay patuloy na nagsusulong ng mga programang nagbibigay-proteksyon, suporta, at pagkakataon upang marinig at mapahalagahan ang boses ng bawat bata sa ating bayan.
Muling pinatunayan ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles ang matatag nitong adbokasiya para sa kapakanan ng mga bata matapos itong kilalanin ng DILG bilang isa sa mga Outstanding Local Government Units na nakapagtamo ng Ideal Functionality sa FY 2026 Local Council for the Protection of Children (LCPC) Assessment.
Ang pagkilalang ito ay bunga ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan sa apat na mahahalagang larangan: Organizational Sustainability, Policies and Plans for Children, Budget Allocation for LCPC, at Service Delivery, Monitoring, and Management for Children.
Kabilang ang Mariveles sa mga LGU sa Gitnang Luzon na nagkamit ng pinakamataas na antas ng functionality, kung saan 119 sa 137 LGUs o 86.86% ng rehiyon ang nagtala ng Ideal Functionality ngayong taon.
Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan, mga katuwang na ahensya, at komunidad upang matiyak ang ligtas, maayos, at mapagkalingang kapaligiran para sa bawat batang Mariveleรฑo.
Patuloy nating isusulong ang mga programang nagbibigay-proteksyon, suporta, at pagkakataon upang marinig at mapahalagahan ang boses ng bawat bata sa ating bayan.