26/05/2026
โค๏ธโค๏ธโค๏ธ
โ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐จ๐จ๐ซ๐๐ข๐ง๐๐ญ๐จ๐ซ๐ฌโ ๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ฌ๐๐ฌ๐ข๐ง: ๐๐๐ก๐ข๐ฅ๐๐ง ๐๐ฎ๐ง๐ ๐๐๐ค๐ข๐ญ โ๐๐ข ๐๐ ๐๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฅ๐ ๐๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐๐
Sa Barangay Alasasin, tuwing may ayuda gaya ng Pamaskong Handog, groceries, bigas, o iba pang assistance, hindi na kailangang pumila nang matagal sa Barangay Hall ang mga residente.
Ibig sabihin, iwas na sa mahabang pila sa ilalim ng init ng araw, gastos sa pamasahe papunta sa barangay, at maging sa pagliban pa sa trabaho para lamang makahabol sa distribution. Para sa maraming pamilya, malaking ginhawa ito lalo na sa mga may trabaho, senior citizens, at may maliliit na anak.
Paano ito nagagawa?
Dahil ito sa gumaganang sistemang tinatawag nilang โBarangay Coordinators.โ Sa halip na magsiksikan ang libo-libong residente sa isang lugar, may mga nakatalagang coordinators sa ibaโt ibang sitio na nagsisilbing tulay ng barangay at komunidad.
Sa sistemang ito, ang mga goods tulad ng groceries, bigas, at iba pang ayuda ay dinadala o ipinapamahagi sa pamamagitan ng mga sitio coordinators. Sila ang tumutulong sa maayos na paglista, pag-update ng beneficiaries, at pakikipag-ugnayan sa mga residente upang masigurong organisado at patas ang distribution.
Humigit-kumulang 20+ coordinators ang tumutulong sa barangay para mapanatiling maayos ang sistema. Sa kabila ng humigit-kumulang 8,200+ households/families at mahigit 24,000+ residente, masinop nilang ina-update ang mga listahan upang matiyak na walang maiiwan at lahat ay mabibigyan ng tamang impormasyon at serbisyo.
Sa katunayan, tuwing may Pamaskong Handog mula sa local government unit, kapansin-pansin ang bilis ng pamamahagi dahil hindi na kailangang magsimula sa magulong pila o dagsaan. Mas napapabilis ang proseso dahil may organisadong sistema na umaabot hanggang sitio level.
Isang sistemang maaring maging inspirasyon o modelo para sa ibang barangay? Sa panahon na mahalaga ang mabilis, organisado, at maayos na serbisyo publiko, maaaring isang epektibong paraan ito para mapabilis ang distribution ng ayuda at mas mailapit ang serbisyo sa bawat tahanan.