21/05/2026
𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗙𝗼𝗿𝘂𝗺 𝗼𝗻 𝗛𝗲𝗿𝗶𝘁𝗮𝗴𝗲 𝗕𝘂𝗹𝗮𝗰𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲
Nakiisa ang Pambayang Seksiyon ng Turismo sa pangunguna ng Pambayang Pinuno ng Turismo na si G. Ricardo Manalo, kasama ang kawani na si G. John Paul Dela Cruz at dalawang kabataang Marilenyo na sina G. Christian Labe at Bb. Suzanne Caseñas, sa ginanap na Youth Forum on Heritage Bulacan 2026 na pinangunahan ng Culture and Arts Division ng Provincial History Arts Culture and Tourism Office, katuwang ang Filipino Heritage Festival Inc. at National Commission for Culture and Arts mula ika-19 hanggang ika-21 ng Mayo, 2026 sa Mariano Ponce Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos, Bulacan. Isa itong makabuluhang pagtitipon na naglalayong palalimin ang kamalayan at pagpapahalaga ng kabataan sa ating mayamang kultura at pamana.
Tinalakay rin ang pagsasagawa ng Cultural Mapping sa bawat lokal na nasasakupan upang matukoy ang mga natatanging pamana ng ating kultura at kasaysayan, mapanatili ang lokal na pagkakakilanlan, at mapigilan ang unti-unting pagkalimot at pagkawala ng ating mga pamanang kultura.