04/06/2026
Nabigyan ng pagsasanay sa Community First Aid and Basic Life Support ang mga administrative staff at empleyado ng Exatech Appliance Technologies Inc. noong Hunyo 2 at 3, sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office. Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kahandaan ng mga kalahok sa pagbibigay ng paunang lunas at tamang pagtugon sa mga emergency at iba pang insidente.