Kap Cate Pabale

Kap Cate Pabale Official page of Kap. Cate Pabale of Barangay Abangan Sur, Marilao, Bulacan

Isinagawa natin ang Hemoglobin Test para sa ating mga Day Care students, upang maagapan at makatulong sa pag-iwas sa ane...
08/09/2026

Isinagawa natin ang Hemoglobin Test para sa ating mga Day Care students, upang maagapan at makatulong sa pag-iwas sa anemia sa ating mga anak. kasama ang Anti-Rabies Awareness para sa ating mga mag-aaral at magulang.

May kabuuang 44 students at 44 parents ang nakiisa sa aktibidad.

Maraming salamat sa Municipal Health Office at sa ating masisipag na Barangay Health Workers sa patuloy na pag-aalaga sa kalusugan ng ating mga kabarangay.


Sa bawat pagsubok, huwag tayong mawalan ng tiwala. Maaaring hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng bawat pangyayari...
06/09/2026

Sa bawat pagsubok, huwag tayong mawalan ng tiwala. Maaaring hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng bawat pangyayari, ngunit alam nating may magandang layunin ang Diyos para sa atin.

Patuloy lang tayong manalangin, magtiwala, at gumawa ng mabuti. May pag-asa sa bawat bukas.

Isang mapagpalanga araw ng Linggo sa ating lahat.


Ayon sa PAGASA, ang Tropical Depression (dating LPA 09A) ay kasalukuyang mino-monitor sa labas ng Philippine Area of Res...
05/09/2026

Ayon sa PAGASA, ang Tropical Depression (dating LPA 09A) ay kasalukuyang mino-monitor sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Pinapayuhan ang lahat na patuloy na subaybayan ang mga update mula sa PAGASA-DOST.

As of 8:00 AM today, 05 September 2026, the Tropical Depression (formerly LPA 09a) is being monitored OUTSIDE the Philippine Area of Responsibility (PAR).

All are advised to monitor updates from PAGASA-DOST

Ayon sa PAG-ASA, nakataas ang Yellow Rainfall Warning sa lalawigan ng Bulacan ngayong araw, September 5, 2026.Ang Yellow...
05/09/2026

Ayon sa PAG-ASA, nakataas ang Yellow Rainfall Warning sa lalawigan ng Bulacan ngayong araw, September 5, 2026.

Ang Yellow Warning ay nangangahulugang malakas na pag-ulan ang inaasahan at posible ang pagbaha, lalo na sa mga mabababang lugar at lugar na madaling bahain. Pinapayuhan ang lahat na maging alerto at patuloy na subaybayan ang lagay ng panahon.

Mga kabarangay, mag-ingat po tayo at kung may kailangan ng tulong o rescue, agad na makipag-ugnayan sa barangay.


Maligayang Kaarawan, Jonar Yanga! Isang masayang pagbati sa ating masipag na dating kagawad at ngayon ay Assistant Admin...
04/09/2026

Maligayang Kaarawan, Jonar Yanga!

Isang masayang pagbati sa ating masipag na dating kagawad at ngayon ay Assistant Admin, Jonar! Maraming salamat sa iyong sipag, dedikasyon, at patuloy na pagtulong sa ating barangay.

Nawa’y maging puno ng saya, pagpapala at mabuting kalusugan ang iyong bagong taon ng buhay.


Ayon sa PAG-ASA, nakataas ang Yellow Rainfall Warning sa lalawigan ng Bulacan.Ang Yellow Warning ay nangangahulugang mal...
04/09/2026

Ayon sa PAG-ASA, nakataas ang Yellow Rainfall Warning sa lalawigan ng Bulacan.

Ang Yellow Warning ay nangangahulugang malakas na pag-ulan ang inaasahan at posible ang pagbaha, lalo na sa mga mabababang lugar at lugar na madaling bahain. Pinapayuhan ang lahat na maging alerto at patuloy na subaybayan ang lagay ng panahon.

Mga kabarangay, mag-ingat po tayo at maging mapagmatyag. Kung may kailangang tulong o rescue, agad na makipag-ugnayan sa barangay.


Patuloy ang ating pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kabarangay na nasa evacuation center.Maraming salamat kay Vic...
31/08/2026

Patuloy ang ating pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kabarangay na nasa evacuation center.

Maraming salamat kay Vice Mayor Ariel Amador sa pamamahagi ng hot meals, at sa Sangguniang Bayan ng Marilao sa pag-abot ng mga food packs.

Malaking bagay ang inyong tulong sa ating mga kabarangay na patuloy na bumabangon mula sa pagbaha.


EVACUATION UPDATE | Agosto 31, 2026 🧡Ngayong araw, unti-unti nang bumababa ang bilang ng ating mga evacuees, ngunit mayr...
31/08/2026

EVACUATION UPDATE | Agosto 31, 2026 🧡

Ngayong araw, unti-unti nang bumababa ang bilang ng ating mga evacuees, ngunit mayroon pa ring 15 pamilya o 55 indibidwal na kasalukuyang nananatili sa ating Abangan Sur Elementary School Evacuation Center.

Patuloy nating aalalayan at babantayan ang ating mga kabarangay hanggang sa tuluyang maging ligtas ang kanilang pag-uwi.


Maligayang Araw ng mga Bayani!Ngayong National Heroes Day, ating alalahanin at pasalamatan ang mga bayaning nag-alay ng ...
31/08/2026

Maligayang Araw ng mga Bayani!

Ngayong National Heroes Day, ating alalahanin at pasalamatan ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at sakripisyo para sa ating kalayaan.

Ang kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa malalaking bagay. Sa bawat mabuting gawa, pagtulong sa kapwa, at tapat na paglilingkod, naipagpapatuloy natin ang kanilang nasimulan.


⚡ POWER ADVISORYMagandang gabi, mga kabarangay.Mula pa 11:00 AM, patuloy na tayong nakikipag-ugnayan at humihiling sa Me...
30/08/2026

⚡ POWER ADVISORY

Magandang gabi, mga kabarangay.

Mula pa 11:00 AM, patuloy na tayong nakikipag-ugnayan at humihiling sa Meralco para sa agarang power restoration sa ating barangay.

Sa kasamaang-palad, natatagalan ang pagbabalik ng kuryente dahil may mga nasirang linya na kinakailangang kumpunihin muna upang matiyak ang kaligtasan bago maibalik ang suplay.

Patuloy natin itong susubaybayan at makikipag-ugnayan sa Meralco hanggang tuluyang maibalik ang kuryente.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa.


Address

Barangay Abangan Sur
Marilao
3019

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kap Cate Pabale posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category