18/03/2026
๐๐๐ก๐ข๐ฅ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ -๐ข๐ฐ๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ โฆ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐ ๐ง๐๐ -๐ข๐ข๐ฌ๐. ๐๐๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐ฆ๐จ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ! ๐ฅ
Isang matagumpay, makabuluhan, at puno ng kaalaman na seminar at demo teaching ang naisakatuparan sa pangunguna ng ating butihing Kapitan Miguel โGregโ Jr., kasama ang kaniyang mga kagawad, SK Marikina Heights, COA/HOA officers, ibaโt ibang departamento ng barangay, at ang ating masisipag na youth volunteers.
Sa aktibidad na ito, tinalakay ang ibaโt ibang sanhi ng sunog tulad ng faulty electrical connections, kapabayaan sa paggamit ng apoy, at iba pang panganib sa tahanan at komunidad. Ibinahagi rin ang mga praktikal at epektibong paraan upang ito ay maiwasan, kabilang ang pagiging mapagmatyag, wastong paggamit ng kuryente at kagamitan, at kahandaan sa oras ng emerhensiya.
Isa sa mga tampok ng programa ay ang demo teaching sa tamang paggamit ng fire extinguisher, kung saan itinuro ang simpleng paraan na PASS: Pull (hugutin ang safety pin), Aim (itapat sa pinagmumulan ng apoy), Squeeze (pisilin ang lever), at Sweep (iwasiwas mula gilid hanggang gilid). Sa pamamagitan nito, mas naging handa ang mga kalahok na kumilos nang tama at mabilis sakaling magkaroon ng sunog.
Ang tagumpay ng programang ito ay patunay na sa sama-samang pagkilos at patuloy na pagbibigay-kaalaman, mas napapalakas ang kaligtasan ng ating komunidad. โจ